MPML Book 2 (28)

3.4K 84 10
                                    

*PAK!*

"Aray!"

"Pumunta pala si Yuji dito kahapon hindi mo man lang sinabi sakin?!"

"Hindi ka naman nagtatanong eh!"

*PAK!*

"AHH!!! Masakit na, Charlotte!"

"Pano kita tatanungin kung hindi ko nga alam na pumunta pala sya dito!"

Pagkauwi na pagkauwi ko palang sa bahay, naabutan ko pang kumakain si Avery sa kusina at kanina pa ko sya binabatukan.

"Hindi naman sya pumasok, pinabigay nya lang yung folder ba yun. Tapos yun umalis na sya, ang OA mo nagsumbong ba sya sayo? Pinapapasok ko nga sya ayaw naman nyang pumasok."

Nagsasalita sya hawak yung tinidor habang nagha-handgesture sya.

"Funny, hindi sya nagsumbong saken. Pero alam mo kung anong sinabi nya sakin?"

"Ano yun?"

"Na boyfriend kita! Kailan pa kita naging boyfriend?"

"Ooooh" Sabi nya sabay subo nya ng cereals.

Teka, gabi na ba't cereals parin kinakain nya.

"So, sya pala yung unregistered number na tumawag sayo. Hmm." Galaw ng galaw yung ulo nya na para bang may iniisip sya.

"Anong binubulong bulong mo dyan?" Tanong ko.

"Binigay mo ba number mo sakanya?" Tanong naman nya.

Kumalma naman ako at umupo narin sa upuan.

"Hindi. Ba't mo natanong?"

"Tumawag sya kahapon sa cellphone mo nung naliligo ka, e ang tagal mo kaya ako na sumagot. Number lang yung tumatawag sayo kaya sinagot ko narin, nung narinig nya boses ko tinanong nya agad kung sino ako. E natapangan ako sa boses nya, ayun napagtripan ko kaya sinabi kong boyfriend mo ko. Malay ko bang sya yun."

Alam nya number ko? Pero wala naman akong pinagbibigyan ng number ko maliban kila Travis, Jess and Penny. Wala rin naman akong pinopost na private info sa email or facebook ko. How the hell did he get my number?

"Huy! Natulala ka dyan." Bumalik ako sa wisyo ko ng i-wave nya yung kamay nya sa mukha ko.

Hinampas ko naman yung kamay nya, tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa sala. Binuksan ko yung tv ng tumabi naman sakin si Avery at hinigaan nya yung legs ko.

"Charlotte." Nakatingin sya sakin samantalang nakatingin naman ako sa tv habang hawak ko yung remote.

"Mm?"

"Pano pag bumalik si Yuji?"

"Hindi na babalik yon."

Bakit ba lagi nilang tinatanong kung babalik pa yung taong matagal ng wala sayo?

"Paano pag one time inamin nyang mahal kapa nya?"

"Edi wow."

*PAK!*

Bigla syang nanghampas sa legs ko kaya hinampas ko rin yung binti nya. Hinawakan nya yung dalawang kamay ko at tiningnan ako ng seryoso.

"Tinatanong kanang maayos, sumagot kanang maayos."

"Pano naman kasi kita seseryosohin kung yang mga tanong mo walang katuturan."

"May katuturan yun Charlotte, the guy still loves you."

At dun na nga ko tuluyang natawa habang inaalis yung ulo nya sa legs ko.

"Dun ka nga, wala na kong pakialam kay Yuji no."

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now