MPML Book 2 (16)

3.7K 99 14
                                    


--

"Sha, itigil mo nga yang pagkain mo ng kuko mo. Si Yuji lang yun, hindi mo kailangang kabahan." --Travis

"Oo nga Cha, tsaka bakit kaba kinakabahan? 18 years na nakalipas, pag ganyang kinakabahan ka parang sinasabi mo narin na may feeling kapa sakanya." --Jess

"Oy hindi ah! Nakamove on na ko sakanya. Gaya ng sinabi mo 18 years na nakalipas, sa loob labing walong taon na yun nakalimutan ko na sya. (Nakalimutan ko na sya)" Bulong ko pa.

"Sure? Kasi mamaya magkakaharap na kayo." Sabi pa ni Jess.

"Okay na ko, kagabi pa ko nakapaghanda na makaharap ulit sya."

"Kagabi pa?" Sabay nilang tanong.

*Facepalm*

"KINAKABAHAN AKO! Bakit ganito?! Bakit kailangan nyang bumalik ulit? Ok na ko e, ayos na kong hindi sya nakikita tapos ngayon babalik sya? MAGTUTURO ULIT SYA?!"

Lakad ako ng lakad pabalik balik habang naghihimutok samantalang sila Jess at Travis nakaupo at tinitingnan ako.

"Sha, umupo ka nga nahihilo kami sayo eh. Sit!" Pagkasabi ni Travis nyang yun tumabi ako sakanya.

"Ngayon, kumalma ka at wag kang kabaha---"

"BAKIT PA SYA BUMALIK!!!?!?!?" Napatayo na naman ako habang sinisigawan si Travis.

"Ayan, pinaupo mo pa alam mo namang ganyan pag kinakabahan sya. Naninigaw." Bulong pa ni Jess kay Travis.

Naglakad na naman ako pabalik balik habang ningangata yung kuko ko. Halos maubos ko na yung kuko ko sa hintuturo ko kaya yung sa hinlalaki naman yung ningangata ko.

"Bakit kailangan pa natin ng isa pang Math Professor e nandito naman kami ni Ms. Lina?!" Harap ko sakanilang dalawa.

"Uhh..balita ko magbabakasyon si Ms. Lina diba?" --Travis

"Kaya siguro si Yuji yung napili nyang kapalit nya." --Jess

"You mean she planned this?!"

"Hep, wala kaming sinasabing ganyan." --Travis

"Teka nga, kung nakamove on kana at 'nakalimutan' mo na sya, bakit ka nagkakaganyan? Umupo ka nga ulit dito, pag ikaw tumayo ulit kukutusan ka namin." Panakot pa sakin ni Jess, akala mo naman natakot nya ko e mas malakas pa ko sakanila. Kayang kaya ko silang dalawa magsama pa sila ni Travis.

Umupo naman ako sa tabi nya at pinainom nila ako ng tubig.

"Inhale" --Travis

*inhale*

"Exhale" --Jess

*Exhale*

"Yan, sige kabahan kana ulit." --Travis

*PAK!*

"SHAAA!!!" Sigaw ni Travis habang hawak hawak yung ulo nya.

"HINDI AKO NAGBIBIRO DITO! Alam nyo hindi pa naman sya totally Prof agad dito e, nagpapasa palang sya ng resume at magttrain pa sya. What if kausapin ko si Mr. Patterson na hindi sya tanggapin? Alam naman nya yung history namin diba? He could do that, right?"

Hindi sila umiimik sa sinabi ko at parang naeewan pa sila sakin.

"Siguro? Well he own this school so, maybe he could do that?" --Jess

"YES! Gotta go, puntahan ko lang sya sa office nya. HINDI PWEDENG BUMALIK SI YUJI DITO. HINDI PWEDE!"

At agad agad akong tumakbo paakyat ng office ni Mr. Patterson. Binabati ako ng bawat estudyanteng nadadaanan ko pero para akong batang nagmamadali at kulang nalang e hubarin ko yung suot kong heels at magpaa paakyat ng 6th floor.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon