MPML Book 2 (32)

3.3K 94 5
                                    

Charlotte's POV

Magisa ako sa kwarto nakataas yung dalawang paa ko sa pader habang nakahiga ako sa kama ko. Solo yung kwarto ngayon dahil umalis si Yuri, hindi ko alam kung san sya pumunta basta nagpaalam lang sya sakin na may kikitain syang friend nya daw. Kaninang hapon sya umalis maggagabi narin kaya sinabi kong hanggang 9pm lang sya at umuwi na agad. Nagnod naman sya at niyakap ako bago sya umalis. Saktong isang linggo na syang nagsstay sakin, isang linggo nadin akong hindi gaano nalulungkot dahil tuwing uuwi ako galing sa trabaho, hyper na hyper at energetic na Yuri ang bumubungad sakin dito sa bahay.

Close na close nga rin sila ni Manang pag sila lang natitira dito dahil maghapon ako sa trabaho. Ngayon lang ako nabored dahil walang madaldal na Yuri sa tabi ko. 2 hours na nakakalipas ng umalis sya, hindi ko mapigilan sarili ko na itext sya.

"Where are you? At exactly 9pm go home okay? No buts."

Message sent.

Para kong worried older sister nya na hindi mapakali kung sino ba kasama nya. Binitawan ko nalang yung phone ko at tinigilan ang kakatext kay Yuri. Pumikit ako at sinusubukan kong matulog ng tumunog yung laptop ko.

Gumapang naman ako sa kama ko at tiningnan yung laptop ko.

*One email received from Mr. Panda Guy*

"Hey." -- 🐼

It's been a week na hindi na sya nagchachat nor email sakin so I got curious to ask him.

"You alright?"

"Yeah." -- 🐼

Yeah lang? Ang tipid naman.

"That's good to hear." Reply ko sakanya.

Nakita kong sineen nya lang kaya akala ko tapos na yung paguusap namin, papatayin ko na sana yung laptop ko ng magchat sya ulit.

"Have you ever felt pain?"

Nagkasalubong yung kilay ko. Pain? Does he mean emotionally or physically?

"What kind of pain?" Reply ko.

Nakita ko syang nagtatype kaya dumapa ako sa kama ko habang kachat sya. Seconds later nagreply na sya.

"A pain from loving someone you can't have."

Ouch. Tagos puso. Natamaan ako. Pero teka mukhang malungkot sya ngayon, dati rati makulit yan pag kachat ko. Laging nagjojoke yan sakin, pinapatawa ako palagi, pero ngayon lang ata sya nagseryoso.

"Are you ok?" Tanong ko.

"I'm asking you."

"....."

Hindi ko alam itatype ko. Pain from loving someone you can't have, si Yuji agad pumasok sa isip ko. Should I say yes? Pero nakamove on na ko, should I still say yes?

"I did but it was years ago."

"....."

Sya naman nagtatype ngayon. Ano kaya problema nya, ramdam ko sa chat nya na ang tamlay tamlay nya ngayon.

"Do you still love him?"

Tinitigan ko lang yung chat nya. Love him? Still? Mahal ko pa ba si Yuji? Kaya kong sagutin yung tanong nya but it's too personal to answer his question.

"No."

Hindi ko mapindot yung enter para isend yun sakanya, nagdadalawang isip ako kung magsisinungaling na naman ba ko sa sarili ko. Sa mag-dadalawang buwan na palagi ko syang kachat, I could consider him as friend now right?

Binura ko yung 'No' ginawa ko syang Yes at walang alinlangan kong pinindot yung enter para isend yun sakanya. Nakita kong sineen nya yung reply ko pero hindi sya nagtatype. Ano seen lang ako pagkatapos kong umamin sakanya? Loko 'to ah.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon