MPML Book 2 (58)

3.1K 62 5
                                    


Ria's POV

Sobrang saya ko nang magkaayos kami ni Andrea. Wala halong plastik I really am happy for her and Marcus. Mahal ko parin si Marcus syempre hindi naman agad agad mawawala yun pero wala e, hindi naman ako yung mahal niya. Sabi nga nila pag mahal mo, pakawalan mo. Hindi man madali para sayo, makapagpapasaya naman ito sa taong mahal mo. And that's what matters diba? Yung makita mong masaya yung mahal mo. Nung nakita ko si Marcus sa pinto ng rooftop kumabog bigla yung dibdib ko. Ngayon ko nalang kasi sya ulit nakita ng malapitan dahil naging mailap sya sakin sa klase, kahit kila Steven, Mitch at Flynn dumidistansya siya. Tuwing sinusulyapan ko sya parang ang lalim palagi ng iniisip nya pag tinitingnan nya yung bakanteng upuan ni Andrea. Ganun sya araw araw simula ng masuspende ng dalawang linggo si Andrea. Nakakainggit na nakakainis kasi hindi ako yung laman ng isip niya pero at the same time nalulungkot ako para sakanya.

Mas masakit makitang malungkot yung taong mahal mo, kaya kahit masakit para sakin ako na reresolba ng problema nila para maging masaya na sila ni Andrea.

Nakipagbati ako at nilunok ang pride ko ng buong buo. No hate, I just learned how to accept it. Pano mo nga naman kasi ipagpipilitan pa yung sarili mo sa taong hindi naman ikaw yung mahal diba?

Dali dali akong bumababa ng hagdan nang iwan ko sila Marcus at Andrea sa taas nang makasalubong ko si Steven sa 4th floor.

"Oh Steven." Sinusubukan kong ilayo sakanya yung tingin ko dahil ayokong makita nyang umiiyak ako.

"San ka nanggaling? Hinahanap kanang mga kagrupo natin." Sagot nya habang lumalapit sakin.

"Ganun ba sige papunta na ako." Nakatingin lang ako sa sahig nang daanan ko siya pero hinawakan nya yung kamay ko kaya napatigil ako.

I know Steven, kung tatanungin man ako kung sinong kaibigan ko ang numero unong maalalahanin, siya yun.

"Ayos kalang ba?" Tanong nya.

"O-oo naman! Tara na naghihintay na sila." I tried to let go of his hand but he wouldn't let me go without looking at him. Hinawakan nya ang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sakanya.

"Umiyak kaba?" Bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa mukha ko at iniling iling ang ulo ko habang pasimple kong pinupunasan yung mata ko.

"Hindi ah, galing kasi ako sa rooftop. Alam mo na mahangin dun kaya yun napuwing ako." Ngumiti ngiti pa ko sakanya pero kita sa expression ng mukha nya na hindi sya naniniwala sa sinabi ko.

Never naman talaga nyang pinaniwalaan mga palusot ko.

"Kung tungkol na naman to sa nakita natin nung isang linggo kalimutan mo na yun, Ria." Nakaramdam ako lalo ng pagbigat ng pakiramdam ko sa sinabi niya. Kailangan ba talagang ipaalala? If he's trying to calm me down by reminding me of what we saw last week, it's definitely not working.

Napatingin ako sa sahig, hanggang ngayon di mawala sa utak ko yung ginawang paghalik ni Marcus kay Andrea sa tapat ng school building last week. Yes, nandun ako at nandun din si Steven. Magkasama kami nun para sana kunin yung ilang books sa locker namin pero sila yung naabutan namin. Seeing them together, masakit na para sakin.  Makita pa kaya silang naghahalikan? Double kill bes, parang tinapak tapakan yung puso ko.

Pero gaya ng napagdesisyunan ko, magpaparaya na ako, lalayo at magbibigay daan sa para sakanilang dalawa. Ang laki ko ng kontrabida sakanila. Sobrang sakit narin sa part ko. "Hindi talaga ako makalusot sayo no? " Ngumingiti ako sakanya pero parang lalo ko lang pinapatunayan sakanya na hindi ako ok.

Naglakad sya palapit sakin at hinawakan ng dalawang kamay nya ang mukha ko. He looked at me face to face while using his thumb to wipe my tears. "Palagi nalang bang si Marcus ang magiging dahilan kung bakit lumuluha ang mga matang to?"

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon