MPML Book 2 (17)

3.5K 96 4
                                    


Those broad shoulders that I've always wanted to lean on, those eyes that I've always wanted to look at, those lips that I've always loved to kiss and loved the most about him. Lahat yun walang nagbago sakanya, nagkaedad sya pero ang gwapo parin nya. Yung buhok nyang kahit tingnan mo palang alam mo ng malambot ang mga yun, yung matipuno nyang katawan na dating nakakatabi at yumayakap sakin hanggang ngayon ganun parin.

Damn it, Yuji. Bakit ganun ang hot mo parin? Tumanda kaba talaga? O paurong yung pagtanda mo kaya parang ikaw parin yung Yujing mukhang 17 years old?

"E-ehem!" Bumalik ako sa wisyo ng mapatingin ako kay Marcus.

"Y-yes?" Nauutal kong tanong dahil hindi ko maalis kay Yuji yung tingin ko.

"Bakit nandito ang Dad ko? May ginawa ba ko kaya pinatawag nyo sya?"

Kanina pa ko nakatayo sa pinto kaya minabuti ko munang isarado yun at pumasok sa loob habang nageexplain kay Marcus.

"Your father is applying for Ms. Lina's position as a Math Instructor." Nilapag ko yung bag ko at umupo sa desk ko.

"Please take a seat Mr. Yuji." Tinuro ko sakanya yung upuan na nasa harapan ko at agad naman syang umupo dun.

Paglapit palang nya, parang humampas na mukha ko yung amoy ng pabango nya. Nakakainis lang dahil kahit pabango nya ganun parin, wala syang binago sa sarili nya kahit isa.

Parang gusto ko syang yakapin ngayon pero hangga't maaari pinipigilan ko sarili ko.

"Applying for what?! Dad, why didn't you tell me anything about this? Did Mom knew about this?" Tanong ni Marcus.

He obviously didn't know na yung folder na binigay sakin ni Ms. Lina ay naglalaman ng resume ng Papa nya.

"This wasn't planned. I got a call from Mr. Patterson and he said he needed someone to replace Ms. Lina. Hindi naman ako makahindi sa may-ari ng school na pinapasukan mo, Marcus." Sagot ni Yuji.

"WHAT?!" Ako naman ang napasigaw at nagulat sa sinabi nya.

Si Lolo nagpabalik sakanya dito?! Bakit hindi nya sinabi sakin yun?! AHHH!!! PATAY SYA SAKIN MAMAYA! ANG MATANDANG YON!

"He said you needed help about the students. We both know how huge this school is and you can't handle all of them alone that's why I'm here to help you Ms. Briones."

*GULP*

After 18 years, yung pagtawag nya sakin ng Ms. Briones nakakapagpakaba parin sakin.

"Pero sana sinabihan nyo muna ko  hindi yung madadatnan ko nalang kayo dito sa office ni Medusa."

I glared at Marcus.

"Really Marcus? Medusa?"

"That's what everybody call you, I know it hurts."

Gusto kong batuhin ng libro si Marcus pero nandito si Yuji. Ayoko namang kumilos na parang bata sa harapan nya.

"Tsaka paano kayo nakapasok dito? Iniwan nyo bang nakabukas tong office nyo Ma'am?" Tanong ulit ni Marcus.

"No, I didn---"

"This was my old office, I still have my own keys." Sagot ni Yuji  habang pinapakita samin yung susi nya.

Isang bagay na napansin ko sa susi nya? Yung Metal head na panda. It's a panda at isang tao lang pumasok sa isip ko. Hindi kaya sya si Mr. Panda Guy? Nah, maybe it's just a coincidence

"Wow. So ano, Prof na kayo ulit dito?" Tanong na naman ni Marcus sa tatay nya.

Ang hirap pala talaga maging magulang ano? Hirap magkaroon ng matanong na anak. Ang sarap sabihan ng 'Shut up and deal with it!'

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon