MPML Book 2 (7)

4K 104 6
                                    

Marcus's POV

Walang Prof, nakaupo lang ako sa upuan ko habang nakade-kwatro. Iniisip ko si Medusa nung nasa bar sya. Ang ganda talaga nya, ang puti puti tapos dagdag mo pa yung talino nya sa Math. Beauty and brain, almost perfect pero bakit sila naghiwalay ni Dad? Iniisip ko kung sino nakipaghiwalay sakanilang dalawa, tsaka magkaklase kaya si Mommy at Medusa noon? Paano umentry si Mommy sa kanilang dalawa? Magbestfriend kaya sila ni Mommy noon? Tapos nasira yung friendship nila dahil kay Dad?

"Bro!" Dumating sila Steven kasama ang barkada. Tinapik naman ni Steven yung likod ko sabay kuha nya ng upuan para tumabi sakin.

"Aga mo ah?" Aniya.

"May inaantay ako. Nakita mo ba si Ria? Kanina ko pa hinahanap yung babaeng yon."

Napataas naman yung kilay nya sa sinabi ko.

"Hinahanap mo si Ria? Ba't naman?"

"Basta." Maikling sagot ko.

"Baka naman papaiyakin mo na naman yun? Maawa ka naman dun." Tumingin naman ako sakanya.

"Hindi ko sya pinapaiyak, iyakin lang talaga sya masyado. Masyado syang sensitive, konting ano sakanya iiyak agad. Nakakairita." Nagsi-ngisian naman sila sa sinabi ko.

"Intindihin mo nalang, babae e."

"Tss." Kinuha ko pa yung phone ko at headset.

Ang tagal naman ni Medusa. Nasaan na yun?

"Oo ngapala pre, may training tayo mamaya. 1pm dapat nasa gym na daw tayo sabi ni Coach. Umabsent kapa raw ulit sa training tanggal kana sa listahan." Sabi ni Mitch, barkada ko din.

"Sus, ako tatanggalin nya e ako 'tong palagi nyang pinanglalaban." Varsity kami ng Boxing. Pinanglalaban kami lalo na pag tournament, hindi ako nawawala sa listahan.

"Basta pumunta ka ng training mamaya bro, may lakad tayo pagkatapos." Sabat ni Steven.

"Saan?" Tanong ko.

"Sikreto. May papakilala kami sayo haha." Natatawang sabi ni Flyn. Tatlo sila nila Steven na barkada ko.

"Sige lang." Sagot ko habang naglalaro ng COC sa phone ko.

Mayamaya pa dumating na si Ria at umupo sya sa likod ko. Tinago ko agad phone ko at hinarap sya.

"Hoy, san ka galing? Para kang daga ang hirap mong hanapin ah!" Nagtinginan sakin sila Steven. Nagtatawanan pa nga sila dahil hindi ako pinapansin ni Ria.

"Hoy. Ano snabera kana ngayon?" Nakaharap na ko sakanya pero nakaupo lang sya at nakatingin sa pinto.

"Hindi ka titingin?" Banta ko pero wala parin. Talagang sinusubukan ako ng babaeng to e.

Tumayo ako at hinila yung kamay nya palabas ng classroom. Wala akong pakialam kung nagpupumiglas sya.

"Hoy Marcus, ano ba!"

Pinagtitinginan kami ng blockmates namin pero wala akong pakialam. Kahit sila Steven natatawa nalang sa ginawa ko, binitawan ko sya sa may pader at kinorner ko sya ng iharang ko yung mga kamay ko sa pader para hindi sya makaalis.

"Ano? Pwede mo na kong tingnan ngayon?" Magkaharap kami, nakatingin ako sa mga mata nya habang sya, nakatulala.

----

Ria's POV

"Ano? Pwede mo na kong tingnan ngayon?" Ang lapit ng mukha nya. Nanlaki yung mga mata ko ng kornerin nya ko.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon