MPML Book 2 (30)

3.6K 106 11
                                    


"YUJI HAS A SISTER?!"

Nakatakip na yung tenga ko dahil alam kong sisigaw na naman sya sa sinabi ko. Dumaan ako sa Clinic ni Penny just to update her whatever is happening in my life right now.

"Her name is Yuri, I haven't heard the whole story but maybe her sister also survived that shipwreck without him knowing."

"For what? For almost 25 years?!"

Tinakpan ko na naman yung tenga ko. 'Tong babae talaga nato, ang hilig manigaw.

"Oo ganun na nga, pero hindi yun ang ipinunta ko dito. Sakin sya nagsstay, Penny. Sa akin! Bakit sa akin?!"

This time ako naman yung sumisigaw.

"Obviously, she likes you." Sabi nya habang sumasandal sya sa upuan nya.

"Yeah well, I like her too but she's the sister of the man I love. It's inappropriate!" Napatayo pa ko habang nagsasalita.

Inaantay ko yung response nya pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

"What?" Tanong ko.

"The man you 'Love'?"

That came out wrong.

"I mean, Loved. Past tense." Irap ko pa.

Natawa sya pero inirapan ko lang din sya ulit. Loved naman talaga sasabihin ko nagkamali lang.

"Well maybe Yuri has purpose kaya sya nagsstick sayo. You said she's clingy and she chose to stay with you, did she mention her thoughts about Maxine?"

Actually oo. Nung paguwi namin galing sa bahay nila Yuji kagabi, sa sasakyan palang salita na ng salita si Yuri tungkol kay Maxine. Unang kita palang daw nya, nainis na sya. Lalo na daw nung nakita nya kung paano ako tingnan ni Maxine that time, gustong gusto nya raw sapatusin si Maxine nun. Natawa ako oo pero mali padin. Asawa yun ni Yuji and we should respect her though we hated her. I mean, SHE hated her. I don't hate Maxine, like I always said nakamove on na ko. Walang dahilan para magalit ako sakanya, o sakanilang pamilya.

"Uhh..Yes?"

"I bet she hated her kaya sayo nya napiling magstay. Pero maganda rin sana kung dun sya nagstay sa bahay nila Yuji para tarayan nya araw araw si Maxine hahaha!"

I glared at her.

"What? Are we not hating her?" Tanong pa nya.

"We. Don't." Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha na yung bag ko.

"We don't hate her, okay? Or them. We don't get to hate them because of what happened between Yuji and I, years ago. We are adults and we are Woman. Hindi na tayo mga bata na hindi marunong makalimot sa nakaraan. We know how to move on, ok?"

Nagnod lang sya sa mga sinabi ko at nagflying kiss sakin ng lumapit na ako sa pinto.

"And you. You should talk to Travis about Ria dahil araw araw nagkakasama yung mag-ama mo na wala silang kaalam alam na mag-ama sila. Ako yung nahihirapan everytime na nakikita ko silang close sa isa't isa. Like I said, we're adults, we know how to move on." Yun na yung huling sinabi ko sakanya as I got out of the door.

Sumakay ako ng kotse ko at dumiretso na sa campus. Talagang dinadayo ko pa si Penny sa clinic nya para makipagchikahan sakanya, wala naman kasi akong makausap sa campus na alam yung mga sikreto ko. Counted sila Travis at Jess as my bestfriends na sasabihan ko ng mga problema ko pero may tinatago din kasi ako kay Travis kaya feeling ko kay Penny lang ako open sa lahat.

Pagdating ko sa campus, lahat ng madadaanan kong estudyante binabati ako. Sa hallways, sa hagdan hanggang sa makarating ako ng 5th floor at binuksan ang pinto ng office ko.

"SiL!"

You gotta be kidding me.

Tumayo sya at agad na lumapit sakin para yakapin ako. NG MAHIGPIT. Kitang kita ko naman reaksyon ng mukha ni Yuji ng makita nyang tuwang tuwa si Yuri ng makita ako. Gulat sya, wag nya kong matitigan ng ganyan dahil kahit ako hindi ko alam kung bakit ganito kapatid nya sakin.

"W-what are you doing here, Yuri?" Tanong ko habang tinatap yung likod nya dahil nakayakap parin sya.

"I got bored so here I am! Are you not happy to see me, SiL?" She pouted.

Oh, god.

"No no no, I am happy to see you. Here. In the office. Where your brother and I work together."

Great.

"Yey! Cause you know I missed you! I woke up in our bed this morning, you're already gone. Why didn't you wake me up?"

"O-our bed? You guys sleep together in one bed??" Biglang pasok ni Yuji.

Yan ganyan Yuji, ikaw kumausap sa kapatid mo dahil buong gabi ko na syang nakausap kagabi at hanggang ngayon may hangover parin ako ng mga kwento nya.

"Yes, Kuya. I sleep in her room, and on her bed. We're super close now, you know that?!" Asual, ang hyper hyper nya.

"But why? Wala bang extra room sa bahay ni Charlotte kaya nakikipagsiksikan ka sa kwarto nya?"

EX-CUZE ME? Iniinsulto ba nya yung bahay ko?

Sasagot sana si Yuri pero inunahan ko.

"My house has exactly 5 bedrooms, Mr. Salvatore. Each room has king size bed that 3 people can fit in. I actually gave the one room just for your sister but she didn't take it, because she said she wanted to sleep with me." Seryoso yung mga tingin ko sakanya, nagkakatitigan kami at narealize nya sigurong nainis ako sa sinabi nya kanina.

"Aww, are you guys fighting? Ganyan ba palagi kayo kung mag-away? Ang cute nyo! Hahaha, kayo  nalang ulit please?" --Yuri

"NO!" Sabay naming sagot ni Yuji habang sabay rin kaming nag-irapan at nagfocus sa tambak naming paperworks.

"Ow-kay." Yun nalang nasabi ni Yuri habang papalit palit yung tingin nya sakin at sa kuya nya.

Napahawak nalang ako sa ulo ko habang ginagawa lahat ng trabaho ko. Ni hindi ako makapag-concentrate dahil parehas naming nahahalata ni Yuji na parang kanina pa kami pinagaaralan ni Yuri. Bawat kilos, galaw, salita, titigan nya kami sabay sulat nya sa pocket book na palagi nyang hawak.

*Ring*

"Lunchtime!" Cheer ni Yuri.

Tumayo na agad si Yuji, narinig kong dadalhin nya sa cafeteria si Yuri para kumain pero lumapit sya sa table ko.

"SiL, come on let's eat." Tumingala naman ako sakanya.

"No, thanks Yuri, I'm not hungry."

Inshort, sa bokabularyo ko ang ibig sabihin ng sinabi ko ay ayokong makasabay yang kuya mo kumain.

"Aww, come on SiL! You don't want me to use my puppy eyes, don't you? Because here it goes."

Pagkasabi nya nun nanlumo bigla yung hyper na hyper nyang mata kanina at nakita ko pang nagluluha. What the. That's not fair!

"Fine fine! I'm going."

"Yey! I love you, SiL! Let's go?"

Nilahad pa nya yung kamay nya sakin at nakipagholding hands sya sakin habang hinihila nya ko palabas ng office. Nadaanan naman namin si Yuji habang pinagbubuksan nya kami ng pinto, nakita ko pa syang ngumisi sakin.

"Don't you dare smile, do something!" Bulong ko sakanya pero tinawanan nya lang ako habang hila hila parin ako ng kapatid nya palabas ng pinto.

"SiL! Let's go na I'm hungry!"

"Let's go na daw, SiL. Yuri's hungry." Ulit pa ni Yuji habang tumatawa.

*PAK!*

Sinikmuraan ko sya na hindi naman nya ineexpect kaya hindi sya nakaiwas. Napahawak nalang sya sa tyan nya habang iniinda yung suntok ko sakanya.

"Are you guys fighting again?" Tanong ni Yuri ng makita nyang sinuntok ko yung kuya nya.

"Nope, we're not. Let's go dali!" Hinawakan ko yung kamay ni Yuri at inunahan namin si Yuji bumaba habang busy pa sya sa pagyuko at hawak sa tyan nya.

I'm actually having fun in this.

---

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon