MPML Book 2 (69)

2.9K 80 7
                                    


Kinabukasan, wala pang 6 o'clock ng umaga gising na ako. Gising na gising ang diwa ko habang nagaantay sa paggising ni Yuji. Actually, buong gabi akong hindi makatulog dahil hindi ako mapakali kung ano pinagusapan nila ni Maxine kahapon. Bumalik ako sa klase ko matapos ko siyang kausapin so, I'm totally clueless kung ano naging usapan nila. Kung nag-away ba sila, may sigawan bang naganap o kaya naman baka nag-iyakan sila?

"Wake up already!" Sigaw at hampas ko sa braso niya.

Palingat lingat pa siya ng maaninag niyang nasa harapan niya 'ko. Nagtalukbong pa siya ng kumot, akala mo naman sisilipan. Susme Yuji nakita ko na yan wag mo ng takpan.

"Charlotte? A-anong ginagawa mo dito? May masakit ba sayo? San? Patingin." Biglang tayo niya at taas ng pajama ko sa paa na para bang may hinahanap siya.

"Hoy! Woy ano ba! Hindi yan!" Pagsisipa ko sa kamay niya. Tinangka ko pang sipain ang mukha niya kaya dumistansya siya sakin.

"Ano bang problema?" Tanong niya.

"Wala naman." Napakamot siya ng ulo niya at napatingin sa wall clock.

"Then why did you wake me up? Maaga pa tapos nandito kapa sa kwarto ko." Umupo siya sa kama niya habang nagaantay ng isasagot ko.

Dito siya sa guest room nagka-kwarto. Because at some point, he's still a guest here.

"Ano kasi.." Kahit mga paa ko hindi mapakali sa sasabihin ko.

"Kasi?"

Huminga ako ng malalim at agad na umupo sa tabi niya. Staring at his eyes seriously.

"Anong pinagusapan nyo ni Maxine kahapon?" At tulad kagabi, ayan na naman yung iritable nyang mukha.

"Charloootte, yan na naman ba pag-uusapan natin? Sinabi ko na sayo kagabi wala kaming gaanong pinagusapan. She asked for the divorce papers, she signed it and then she left. There's nothing to tell."

Hindi ako naniniwala.

"Impossibleng wala kayong pinag-usapan." Cross arms ko pa.

"God." Bulong niya habang sinusubsob sa unan ang mukha niya.

"Hoy!" Sabay hampas ko sa binti niyang puro buhok.

"Charlotte, it's 6:10am."

"So? Tinatanong ko ba kung anong oras na?"

"Maaga pa inaantok pa ako we'll talk later ok?" Sabay talukbong niya ng kumot.

"Later? Mga anong oras?"

"Charlotte please!"

"Please what?!"

"Get out of my room!"

"This is my house, would you leave if I tell you to get out of my house?"

Tinanggal niya ang kumot sa katawan niya at bumangon na. I guess I won. Yippee....not. Hindi pa niya sinasagot tanong ko. Lumabas na siya ng kwarto kaya sumunod ako sakanya.

"Yuji." Bumababa na kami ng hagdan.

"Charlotte, wala kaming pinag-usapan."

"Impossible." Sagot ko.

"Then believe the impossible." Aniya.

"How can I believe that e impossible nga?"

Nakarating kami ng kusina para makapagtimpla siya ng kape pero sinusundan ko parin siya.

"Did she say anything about me?"

"No"

"About Andrea?"

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now