MPML Book 2 (48)

3.6K 97 18
                                    


Kasagsagan ng buwan ng Division Quiz bee, busy ako sa mga hinahandle kong representatives. Busy din ako sa mga estudyante ko na panay cut ng class na konting konti nalang talaga ibabagsak ko na sila this sem. Pasahan narin kasi ng grades kaya laban laban na lahat ng folders na nakakalat sa desk ko.

Kinuha ko yung ibang folders para ilagay sa cabinet pero nagkalaglagan yun kaya lalo ako nanggigil.

"Need help?" Hindi pa ko sumasagot sakanya lumapit na agad si Yuji sakin para tulungan ako magpulot ng mga folder.

"You're still on this? Gusto mo tulungan na kita?" Tanong nya habang sya na yung naglalagay ng mga folder sa cabinet na napulot nya.

"Nagkanda sabay sabay kasi pero kaya ko naman." Sagot ko habang inaabot ko sakanya yung mga ilalagay nya sa cabinet.

Nakatungtong sya sa upuan habang sya na yung nagaayos ng pagkakahilera ng mga folders. Napapapikit naman ako habang minamasahe ko yung batok ko, nangalay na kasi.

"Charlotte, it's been a week pasahan narin nito buk--see, pagod kana."

Napangiti sya habang tinitingnan nya ko sa pagmamasahe ko sa batok ko. Bumaba sya sa upuan at pinakita sakin yung mga kamay nya.

"Gusto mo ako na?" Nagsalubong naman kilay ko sa sinabi nya.

"Anong ikaw na?" Tanong ko.

"Ako na magmamasahe sayo magaling ako." Tumataas taas pa yung kilay nya habang nakangiti sakin.

"Nako wag na nangalay lang naman t--" Babalik na sana ako sa desk ko ng bigla ko namang maramdaman yung dalawang kamay nya sa balikat ko.

"Uy! Anong ginagawa mo?" Nagulat pa ko dahil para namang may dumaan na kuryente mula sa kamay nya pakalat sa buong katawan ko.

"Shh, you will feel better any second now just stay still."

Pinapalo ko yung kamay nya para tanggalin nya sa balikat ko dahil naaawkward ako, pero wala lang sakanya patuloy parin nyang minamasahe yung balikat ko. Gaya ng sinabi nya, gumanda nga yung pakiramdam ko. Yung kamay ko na pumapalo sakanya kanina parang nawalan ng lakas at kusa nalang bumaba.

"Yan! Yan! Yan! Dyan ahhh saraaap." Nakahawak na ko sa desk ko habang napapapikit ako sa ginagawa nya.

"See, I told you gaganda pakiramdam mo." Naririnig ko pa yung hagikgik nya sa likod ko alam kong natatawa sya sakin pero hinahayaan ko lang.

"Taas taas, yaaaaan! Up up! Baba baba!" Kanina sa balikat lang yung masahe nya pero maya maya umabot na sa buong likod ko pinapamasahe ko narin sakanya.

Willing to help naman sya diba? Tsaka ayos na to libreng spa narin.

"Dito ba?" Tanong nya.

"Dyan! Dyan! Ahhh there you go."

Nanghihina na yung tuhod ko parang gusto ko ng humiga habang minamasahe nya ko pero wala, desk lang nandito. Isang bagay na napansin ko sakanya, ang gaan gaan ng kamay nya ang lambot lambot, lalaki ba to? Parang mas malambot pa ata yung kamay nya kesa sakin.

---

Yuji's POV

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sakanya o ieenjoy yung chansang nahahawakan ko ulit sya na parang dati lang. Kada diin ko sa likod nya sya namang inda nya na masarap daw, itaas ko pa, diinan ko pa. Lahat ng utos nya ginagawa ko. Habang nakadikit sakanya yung mga kamay ko pakiramdam ko gusto ko syang yakapin mula sa likod, naaamoy ko yung pabango nya na mula noon hanggang ngayon ganon parin.

Minutes later hindi na sya nagsasalita, napansin ko nalang na biglang nahulog yung ulo nya kaya inalalayan ko naman agad. She's sound asleep while her hair is covering her face. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kayang matulog habang nakatayo. Hinawi ko yung mga buhok nya na tumatakip sa mukha nya hanggang sa maaliwalas ko ng natititigan yung mukha nya. Halata sa mukha nya yung pagod sa buong isang linggo na marami syang ginagawa. Natutumba narin sya kaya binuhat ko na sya pahiga sa sofa na nasa office namin.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon