MPML Book 2 (70)

3.2K 93 5
                                    

"Mom, I want pink."

"No, pink is such a childish color. Plus you're turning 18, you still like pink?"

Nasa cafeteria kami ni Andrea habang pinagpaplanuhan ang ilang basic details sa debut niya. Sa mga nangyari these past few days, hindi ko na namalayan ang parating  na kaarawan ng unica iha ko. Dalawang linggo na pero hindi parin kami magkasundo sa gagamiting color theme.

"Kung ayaw nyo ng pink sige black nalang. Same as the flowers, I want them all black." Ngiti pa nya sakin.

"Black? Ano bang dadaluhan ng mga bisita mo? Lamay?" She pouted as I raised my eyebrows at her.

What? Ano bang mali sa sinabi ko? Ano bang ikinaganda ng itim sa debut maliban sa magmumukhang lamay ang buong event?

"I thought this party's for me." Aniya

"Of course it is for you, pumpkin--"

"Then let me decide, mom. Please? Gusto ko itim lahat ng makikita ko sa party ko."

Teens. All they think about is that black is cool. Black is beauty. Black is this and that and this and that, NO. Not on me. Magtigil.

Habang namimili ng kulay, iniinom ko yung veggie shake na inorder pa ni Yuji online. It's a mixed of Okra, Ampalaya and Malunggay. Masuka-suka nga ako nung una kong mabasa kung san sya ginawa, pero kahit ayoko, palaging pinapaalala sakin ni Yuji na "Think about the baby." Kaya no choice ako. Ang lakas nya rin kasing mangonsensya pag nakikipagmatigasan ako sakanya. Habang nakikipagtalo kay Andrea, dumating naman sila Travis at Jess.

"What's up?" Tabi sakin ni Jess habang nandidiri naman si Travis sa iniinom ko.

"Yuck, Sha. Ano 'yan?" Tura nya sa basong hawak ko na naglalaman ng kulay berdeng hindi mo maintindihan kung suka ba o dahon na basta lang nilagay sa blender.

"Veggie shake, gusto mo?" Offer ko pa sakanya pero inilagan nya yung baso.

"Nah, pass." Magpapaparty ako mamaya, first time tumanggi ni Travis sa pagkain kamangha-mangha.

Habang kausap si Travis, nalingat naman ako kay Jess na kanina pa swipe ng swipe sa phone ko.

"What's all this color palette, Cha?" I grabbed my phone from his hand and finished up my drink.

"Color theme for Andrea's party. Trust me these colors are driving me crazy." Hininaan ko pa boses ko dahil katabi lang namin si Andrea.

"Tito Jess, maganda naman yung itim diba?" Ayan na, naghahanap na ng kakampi ang batang 'to.

Tumingin agad sakin si Jess kaya pasimple kong tinaas ang kilay ko sakanya, signaling him to say no to Andrea.

"Y--no. Boring yung itim, gusto mo bang magmukhang namatayan mga bisita mo nun?" Good job, Jess.

"Ikaw Tito Travis? Black's good right?" Harap naman niya sa isa.

"Oo naman maganda ang itim---aray!" Inda nya matapos ko syang sipain sa ilalim ng mesa. Pinandilatan ko pa sya ng mata ng tumingin sya sakin.

"Tito?"

"Ah eh ibig kong sabihin maganda naman yung itim pero hindi bagay sa party mo." Sabay gulo nya sa buhok ni Andrea.

My plans were working not until Yuji joined us in the table and noticed Andrea's sad face.

"What's wrong, princess?" Hawak pa nito sa baba ng anak niya.

"Gusto ni mommy violet maging color theme ng party ko." Sabay pout niya. Aba't!

Nalipat naman ang tingin ni Yuji sakin at tinaasan ako ng makapal niyang kilay. May tsani ako dito, Yuji bubunutin ko yan!

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon