MPML Book 2 (56)

4.6K 97 25
                                    


Andrea's POV

"Mom, please open the door."

"Hindi ako titigil hangga't hindi nyo binubuksan 'tong pinto. You haven't eaten all day please open the door."

Kanina pa ako nakatayo sa labas ng pinto ni Mommy at katok ng katok pero hindi nya parin ako pinagbubuksan. Kahapon pa siya nagkukulong sa kwarto niya, kahapon parin yung huli niyang kain nag-aalala na ako sakanya. "Andrea, let her be. Maybe she wants to be alone. May pasok kapa sige na pumasok kana." Aunt Yuri said.

"Auntie, I'm kinda worried about mom." I said with a frown look on my face. Nag-aalala talaga ako. Ngayon lang kasi nagkulong si mommy sa kwarto niya ng halos magdadalawang araw na.

"I'm worried too but you can't skip school because of that. You and I both know your mother wouldn't allowed it either. Pumasok kana nandito ako, ako bahala sa mama mo." I pouted at her pero tinulak niya lang ako pababa ng hagdan."Go on, go to school dear. Auntie Yuri's here kaya! You have nothing to worry about ok? Bye!"

"Bu--but!" Bago pa ako may masabi nasa labas na 'ko ng main door at sinaraduhan na 'ko ng pinto ni Aunt Yuri.

"What if something happened to her and I'm not here!?" Sigaw ko pa sa labas. "Nothing will happen to her, just go to school you're going to be late." Nagmaktol ako sa pinto pero balewala hindi parin ako pinagbuksan.

I grabbed my bag, palabas na ko ng gate ng tumingin ako sa bintana ni Mommy. I hope she'll be ok soon. Lumabas ako ng gate, nagsimulang maglakad palabas ng subdivision. First day ko ngayon after 2 weeks of suspension, dapat 1 week lang talaga dahil sa away namin ni Ria kaso nakita ako ng dean na pumasok ako last time tapos sumagot pa ako nung pinapagalitan ako kaya yun nadagdagan na naman ng another week.

Ang tagal kong nawala, pakiramdam ko nauna na kong magbakasyon sa mga ka-blockmates ko. But come to think of it, hindi ako na-bored sa bahay. For whole 2 weeks, si Aunt Yuri kasama ko magshopping, manood ng cine, magbake ng cakes or cookies, gala, pinakilala nya din sakin si Tito Avery na palagi rin naming kasama lumabas. Mag-iisang buwan na silang nagde-date pero lihim sila at tanging ako lang ang nakakaalam. Takot daw silang malaman ni Mommy or ni Daddy I mean ni Sir. Yuji na nagde-date sila. Hay, I wanted to call him Dad since alam na namin na sya talaga yung father ko pero nakakailang syang tawaging Daddy. Nakakapanibago tapos biglang papasok sa isip ko na tinatawag din syang Dad ni Marcus. Napatigil ako sa paglalakad ng bigla kong maalala si Marcus.

It was 2 weeks ago since the last time I saw him. At sa tuwing naaalala ko yung gabing yun, hindi mawala sa isip ko yung paghalik nya sakin.

Ngayon mo sabihin na hindi mo ako gusto, Andrea.

Ngayon mo sabihin na hindi mo ako gusto, Andrea.

Ngayon mo sabihin na hindi mo ako gusto, Andrea.

Ngayon mo sabihin na hindi mo ako gusto, Andrea.

Napaupo ako habang pinagpapalo ko yung ulo ko. Ayan na naman yung boses nya sa utak ko, paulit ulit ko nalang naririnig yan. Habang tumatakbo sa isip ko yung sinabi nyang yun, napapahawak ako sa labi ko. His kiss was so gentle and full of emotion. Kahit binigla nya ako ng gabing yun, parang slowmo naman nung hinahalikan na nya ako. Patugon na nga ako nun ng bigla syang bumitaw-----

Wait, what. Tugunan? Kapatid mo yun sa ama, Andrea! And you wanted to kiss him back? Are you insane!?

"Stupid stupid stupid stupid st----"

"Andrea?"

Tumigil ako sa pagpupukpok sa ulo ko at napatingala sa sasakyan na sa harapan ko. Wala naman yan kanina, kailan pa tumigil yan sa harapan ko? Hindi ko man lang naramdaman. Tumayo ako habang inaayos yung uniform ko ng makita ko si Sir. Yuji sa loob ng sasakyan.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon