MY PROFESSOR, MY LOVE 2

7.5K 157 6
                                    


"MOVE ON"

Salitang pinakamadaling sabihin pero ang hirap HIRAP gawin. Tinatawanan ko nga lang yan dati lalo na pag may kaibigan akong brokenhearted? Ang hilig ko magsalita na "Magmove-on ka kase!" tapos sasabihin ng kaibigan ko, "Mahirap!" tatawanan ko sya sabay sasabihin kong, "Anong mahirap sa pagmomove-on e kakalimutan mo lang naman? Drama mo."

Ngayon, parang ako rin kumain ng mga pinagsasabi ko noon. Ang daling magsalita porket hindi mo naranasan, pero ngayong eto na at ako naman yung brokenhearted? Ang sakit pala. Mahirap, nakakaubos ng lakas at ng gana. Parang araw araw sinasaksak ng paulit ulit kada segundo yung puso mo, tapos magdadrama ka na naman, pag nadala ka sa kakadrama mo, iiyak ka na naman. Sa kakaiyak mo, makakatulog ka na naman na may tumutulong luha sa mga mata mo.

Ganun lang scenario ng buhay ko makalipas ng halos labing walong taon. Sa kakaiyak ko, napagod din ako. Sa kakamukmok ko, nagsawa din ako. Laking pasalamat ko rin sa mga kaibigan kong hindi nagsawang puntahan ako sa bahay para lang alamin kung buhay pa ba ko o nagpatiwakal na.

First love ko yun eh, first kiss, first touch, FIRST EVERYTHING. Akala mo happy ending na, akala mo ikakasal na at magpapalitan kayo ng "I do's" sa harap ng altar, yun pala nabiktima ka na naman ng maling 'akala'.

Makikisali karin pala sa parada ng mga bitter sa labas na sumisigaw ng "WALANG FOREVER!"

HA! Wala talagang forever, but who knows. Malay natin, lesson yung nauna at may darating pang mas ok sa pangalawa.

Pero minsan inaamin ko, kahit anong pagiging positibo kong magisip, hindi nawawala sa kalooban ko yung agam agam at tanong ko sa sarili ko na may darating pa bang mas ok sakanya? He was like the most perfect guy I have ever met, may mas peperfect pa kaya sakanya?

May darating pa bang pangalawang Yuji sa buhay ko na hindi ako kayang saktan kahit sabihin kong 'ok lang'?

Yung lalaking kayang panindigan yung mga pangako nya?

O habambuhay akong makukulong sa katotohanang baka sya na yung true love ko na pinana ni Kupido para sakin pero nagawa kong pakawalan para sa kapakanan ng iba?

----

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now