MPML Book 2 (44)

3.5K 78 12
                                    


Tuesday, kasama ko si Penny na pumunta ng campus dahil gusto nyang maging updated sa mga kababalaghang nangyayari sakin dito. Sinarado pa nga nya yung clinic nya ngayong araw para lang makiusyoso. Papasok palang kami ng building manghang mangha na sya.

"Grabe, ang dami na palang ipinagbago dito." Sabi nya habang tumitingin sa kaliwa't kanan.

"Nagbago? Wala namang bago dito. May mga pinaayos na ilang parte ng building pero ganun parin naman. Tagal mo na kasing hindi bumibisita dito naninibago kalang siguro." Paliwanag ko habang kapit na kapit sya sa braso ko sabay tingin nya ulit sa paligid.

"Hindi naman kase literal na pagbabago yung tinutukoy ko. What I mean is yung atmosphere dito." Sagot naman nya.

"Atmosphere?"

"Oo, yung aura na nararamdaman ko pagkatapak na pagkatapak ko palang sa entrance gate. Natetense nga ko ngayon e." Habang nagsasalita sya, hindi nya mapigilan yung sarili nyang dungaw dungawin yung nasa likod nya.

"Relax, Penny. Kaya kalang naman natetense dahil iniisip mong baka makasalubong mo si Travis dito, kaya ka nga masid ng masid dyan diba."

"Yeah well tama lang naman na iwasan ko sya. What he did to me years ago was not really unforgivable."

Umaakyat na kami ng hagdan papunta sa office ko ng makasalubong namin si Yuji at Andrea na magkasama pababa ng hagdan. Hindi naman na big deal sakin dahil alam kong papalapit na yung Division quiz bee at sanay na kong nakikita silang magkasama para sa pagrereview.

Plus, natutuwa ako sa tuwing nakikita silang close na close sa isa't isa. Maraming nagsasabi sakin na habang tumatagal na palagi silang magkasama e nagiging magkamukha na daw silang dalawa. Tumatawa na nga lang ako dahil magkamukha naman talaga sila. Sa balat, buhok, mata, ilong, labi pati na rin yung ugali kuhang kuha ni Andrea lahat sakanya. Xerox copy na nga sya ni Yuji, ewan ko ba ba't hindi napapansin si Yuji yun.

"Ninang!" Sigaw ni Andrea kaya minadali naman nyang bumaba at yumakap kay Penny.

"Talaga naman oo, dalaga na ang inaanak ko." Sagot naman ni Penny habang hinahagod nya yung likod ni Andrea habang niyayakap sya nito.

Nakangiti lang ako habang tinitingnan sila, nagkatinginan din kami ni Yuji na agad din namang ngumiti sakin.

"Oh Ninang, I want you to meet Sir. Yuji. He's also a Math instructor like Mom." Pakilala ni Andrea.

Nagtawanan lang kaming tatlo nila Penny at Yuji. Hindi pa nga pala alam ni Andrea na magkakakilala na kaming tatlo noon pa.

"Hi, Sir. Yuji." Bati ni Penny.

"Hey, it's been a while, Penny." Sagot naman ni Yuji.

"Di ko gets, magkakilala kayo?" Sabat naman ni Andrea.

Pinat ko nalang yung likod nya at tinulak sya papalapit kay Yuji.

"Yes, pumpkin. Estudyante kami dati ni Mr. Salvatore, now go sige na sa bahay ko nalang ikukwento ng buo. "

"Ok Mom. Promise me you will tell me everything, no skip chapters okay?"

"I promise, now go." Natawa nalang samin si Yuji habang hinahawakan ko naman si Penny paakyat ng hagdan.

Nakangiti padin ako pero ng malipat yung tingin ko kay Penny, nakatingin na sya sakin habang nakataas yung kilay nya.

"What?" Tanong ko.

"Wala."

"Ano nga?"

"Andrea and Yuji together?" Tanong nya.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon