MPML Book 2 (67)

2.9K 67 6
                                    

Lunes matapos ang paglipat ni Yuji nung sabado sa bahay, naging headline sa campus ang pagbubuntis ko. Congrats dito, congrats doon. Lahat sila nakangiti sakin ang creepy! Kahit hindi ko sila kilala basta pag nakikita ako binabati nila ako. Sabay kaming pumasok ni Yuji dala dala nya ang lahat ng gamit ko kahit ayoko.

"Sabihan mo nga silang ayokong tinititigan ako." Siko ko kay Yuji habang naglalakad paakyat ng office. Tumawa sya at hinawi ang buhok ko.

"Masaya lang sila para satin." Ngiti pa nya.

"Yeah, well naiirita ako. Pagsabihan mo sila." Irap ko pa pero tinawanan nya lang ako.

Pagdating namin sa 5th floor walang katao-tao. Sinilip ko pa kada cubicle pero walang laman. Mga  nadaanan naming office, wala din. Hindi naman pwedeng may klase sila agad e aga aga pa. Tiningnan ko si Yuji, tinatanong ko sya kung nasaan sila pero nagkibit-balikat lang siya sakin. Habang naglalakad palapit sa office namin tumigil ako bigla. Umikot at hinarap si Yuji.

"Nasa office natin sila no?" Hindi sya maka-imik tanging mata nya lang ang gumagalaw.

"Ba't naman sila mapupunta dun? Halika na pasok na tayo sa loob." Hawak nya ang braso ko na para bang pinipilit nya kong pumasok.

Dun palang nakahalata na 'ko.

"Bitaw." Maikling sabi ko habang nakatingin sa kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"Nandito na tayo sa tapat ng office halika na." Pilit parin nya sakin habang hinihila ako.

"Bibitaw ka o makakatikim kanang tadyak sa isang buntis?" I wasn't glaring at him but a simple stare at his eyes made him to release me.

Hinawa ko ang bangs ko at nagsalita pa bago bumaba. "Matapos nyong magsaya sa office ko, sigaraduhin nyong wala akong makikitang kalat pagdating ko."

"At pakisabi narin kay Travis at Jess na puntahan ako sa klase ko."

⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫

Yuji's POV

2 hours earlier

Nagbibihis ako para sa pagpasok sa trabaho ng tumunog ang phone ko.  I picked it up and saw a message from Travis.

"Hey guys, Jess and I prepared a Congratulatory Surprise for Charlotte for having her second baby. Things are all already set up in her office. Sir. Yuji? Make sure she arrived at the office without noticing. She's kinda good at noticing things when she's pregnant. See guys at the party! Tugs tugs tugs 🎉" I was gonna reply but Andrea came into my room.

"Hey Dad, Mom's waiting in the car. It's either bilisan mo raw or sya na magmamaneho ng walang tigil hanggang sa manganak sya." Parehas kaming natawa sa sinabi nya.

Hindi ko akalain na ganyan sya magbuntis. It's been only 2 days since I moved here but I'm already suffering Medusa's wrath. Scary and deadly.

Kinuha ko ang mga gamit ko at umakbay kay Andrea habang bumababa ng hagdan.

"So, do you want a sister or a brother?" I asked while smiling at her. Next week pa naka-sched ang ultrasound ni Charlotte that's why as of now, we don't know the gender of the baby.

"Both? Gusto ko sana kambal para may dalawa agad akong kapatid." She giggled while smiling back at me.

"Dalawa lang? I'm aiming for it to be quadruplets but let's see." Tumatawa kami pareho ng makababa kami ng hagdan pero napawi yun ng makita naming nakatayo si Charlotte sa pinto.

I think she's mad.

"I've been waiting for 15 mins!" She said while crossing her arms.

Ok, she IS mad. Binigay ko kay Andrea ang gamit ko habang nilalapitan si Charlotte.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon