MPML Book 2 (27)

3.3K 97 8
                                    


Pagdating ko sa office, hikab ako ng hikab dahil kulang na kulang yung tulog ko. Inabot na kasi alas tres ng madaling araw yung party sa bahay, oo party talaga dahil imbes na si Travis at Jess lang inaantay namin ni Avery e nagdala pa sila ng tatlong babae. Pasalubong daw nila kay Avery, tag-iisa sila ng mga babae. Nagpatugtog sila ng malakas sa bahay tapos nagpaorder ng kung ano anong drinks for the whole night. Masaya naman yung party, kwentuhan dito kwentuhan doon, drama dito drama doon dahil umiyak si Travis at puro pangalan ni Penny yung sinasabi nya. Si Jess naman tuwang tuwa yung mokong na yun sa babaeng nilalandi nya kagabi na si Megan, si Avery kahit laging nakadikit sakanya yung isa pang babae na si Trixy e hindi naman nya ko pinabayaang uminom mag-isa. Nagkwentuhan kami buong magdamag hanggang sa naramdaman ko nalang na buhat buhat nya ko paakyat sa kwarto ko dahil lasing na lasing ako.

Hanggang dun lang yung naaalala ko actually, nagising nalang ako kaninang umaga na nakahiga ako magisa sa kama ko. I had my breakfast at si Manang na nagsabi sakin na umalis na kanina pa sila Travis at Jess habang tulog naman si Avery sa taas. Hindi ko na sya pinagising nun kaya nagayos nalang ako papasok sa trabaho ko. Pero simula pa ng sumakay ako sa kotse ko, inaatake naman ako ng hangover ko.

"Goodmorning Ma'am." Bati ng ilang estudyanteng nakasalubong ko.

I just waved at them, hindi ko nga sigurado kung nakita ko ba sila o ano dahil nakahawak ako sa ulo ko at damang dama ko yung sipa ng mga alak na ininom ko kagabi.

"SHACHA!" Dalawang boses na lalong nakapagpasakit ng ulo ko.

Naramdaman ko nalang na may umakbay sakin. Pabango palang, kilalang kilala ko na.

"Jess, wag mo kong yugyugin susukahan kita dyan."

"Hangover? Oh inumin mo 'to, sabi na nga ba kakailanganin mo 'to."

May inabot sya saking tablet kaya kinuha ko naman yun sabay alok sakin ng tubig na iniinom ni Travis. Pagkainom ko, binalik ko kay Travis yung tubig nya.

Ang lamig nung tubig ang sarap.

"So, did you had fun last night? Of course you did! Sayaw ka nga ng sayaw kagabi eh hahaha!"

"Ugh, wag mo na ipaalala Travis." Sabi ko habang minamasahe yung ulo ko.

"Nangangasar ka dyan e ikaw yung mas nakakahiya kagabi. Iyak kanang iyak, si Manang pa nagpatahan sayo HAHAHA!" Asar naman si Jess kay Travis.

Binatukan sya ni Travis kaya syempre gumanti naman si Jess hanggang sa makarating kami ng 5th floor.

"Bye Cha! Mamaya sunduin ka namin."

Nag-wave lang ako sakanila habang lumiliko sa kanto kung san nandun yung office ko. Pagtapat ko sa pinto, para kong lasing na hinahalughog yung susi sa bag ko. Nung nakapa ko naman yung susi, nalaglag pa sya sa sahig kaya pagyuko ko para kunin yun nauntog naman ako sa doorknob.

"Ow." Yun lang reaction ko habang hawak hawak ko yung noo ko ng biglang bumukas yung pinto.

"What are you doing?" It's my officemate sino pa ba.

"Reaching for my keys?" Sagot ko habang kinukuha yung susi sa sahig pero sya na yung yumuko at kinuha yun para sakin.

"Hindi naka-lock yung pinto." Sabi nya sabay balik sa desk nya.

"Ah." Sagot ko.

Pinagmasdan ko sya kahit hilong hilo ako, pagupo nya hindi ko alam kung mali ba yung nakita ko o talagang inirapan nya ko.

Pumasok nalang ako sa loob at sinarado yung pinto sa likod ko. Nakatayo ako habang tinititigan sya ng masama, parang titig ng lasing na babae pero malakas lang talaga yung tama ng hangover ko.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon