MPML Book 2 (54)

4.3K 88 40
                                    


"Earth to Penny yuhoo! Uy magsalita ka naman!" Kanina pa niya ko tinititigan mula ulo hanggang paa.

If looks could kill, kanina pa ko dedbol sa mga tingin niya.

"Seriously, kung wala kang sasabihin aalis nalang ak--" Naputol yung sinasabi ko ng magsalita siya. I mean nung sumigaw siya.

"WHAT WERE YOU THINKING?!" Yep, yan yung reaksyon na inaantay ko.

"Ewan ko hindi ko alam, basta nasa office lang kami nun naguusap tapos boom! Yun na." Hand gestures ko pa habang nagpapaliwanag sakanya.

"That's it!? May nangyari sainyo tapos ang sasabihin mo lang boom! Yun na? Ano yun nagsasalita ka tapos nadapa ka tapos ano? Beng! Na-shoot ng kusa ang bataan sa ano niya?!" Kahit nahihirapan ako magpaliwanag, natatawa ko bigla sakanya.

Napatakip ako ng bibig ko habang tumatawa. Lalo namang tumaas yung mga kilay niya ng makita niya ko.

"AT IKAW PA TALAGA NATATAWA DYAN!? CHARLOTTE, NAWAWALA YUNG PANTY MO! ANO YUN UMUWI KA NG WALANG SUOT NA UNDERWEAR!?" Tumigil na ko sa kakatawa kanina pero natawa na naman ako nung maalala ko kahapon na nagmamadali akong bumaba sa parking lot na walang suot na panty.

To be honest, it was hilarious.

"Hinanap ko naman yung panty ko pero kasi alam mo yung awkward after sex? Kaya yun, halos liparin ko na yung hagdan makauwi lang agad." Back and forth siya sa paglalakad habang nakikinig sakin.

Hawak hawak pa niya yung ulo niya, tumataas ata alta presyon niya dahil sakin. See? Kaya siya ang gusto kong pagsabihan nito at hindi kila Jess at Travis. Malamang tatawanan lang ako ng mga mokong na yun.

"Wag mo naman akong husgahan, babae karin if I know nagawa mo narin to no!" Pangangatwiran ko.

"Oo pero umuuwi naman akong may panty na suot suot no! Pano bang ginawa ni Yuji? Hinubad niya tapos tinapon?" Para namang nagflashback sakin lahat ng  ginawa ni Yuji that day.

Kisses, hugs, bites, yung init ng katawan niya na nakadikit na sa mga katawan ko. Jusmiyo marimar! Deny ko man o hindi, what we did was insanely hot.

"Char!" Bumalik ako sa wisyo ng hampasin ni Penny yung desk niya kasabay ng pagkagulat ko kaya bigla nalang lumabas sa bibig ko yung iniisip ko.

"OO HINUBAD NIYA TAPOS TINAPON!" Shocked na naman siya. Ba't kase pinapaalala pa niya!

"My god, Charlotte. So, you guys had sex what does that mean? Is he leaving his wife?" Tanong niya.

"Oo daw."

"Oo daw? 'Daw' Charlotte? At naniwala ka naman?"

Kainis na ah, tutulungan ba niya ko o hindi? Mula pa kanina sermon na inabot ko sakanya.

"He said he will file a divorce, this time WE are going to believe him ok?" Inaantay kong tingnan niya ko ng kunin niya yung bag niya at hilahin ako palabas ng clinic niya.

"Uy, san tayo pupunta!?"

"Hahanapin natin yung panty mo gaga ka!"

---

Mabilis na nagpatakbo ng sasakyan si Penny hanggang sa makarating kami sa campus. Kotse na niya yung ginamit namin dahil hindi man lang niya ko pinagsalita na dala ko rin kotse ko. Hawak hawak niya yung kamay ko papasok sa loob, tingin siya ng tingin sa kaliwa't kanan and if I know si Travis lang hinahanap ng mata niya.

"Relax, may klase si Travis ngayon." Sabi ko dahil para siyang ewan na nakayuko habang nagmamadali kaming maglakad.

"That's what you said last time and I ran into him. Maganda na yung nag-iingat."

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon