MPML Book 2 (66)

3.1K 84 13
                                    

"Nung Science Camp? Charlotte cooked a mean kalderatang usa na unang beses ko palang natikman."

Joe's, mga 11 pasado na ng gabi. Kalagitnaan ng inuman at walang ibang bukambibig si Sir. Hunt kundi ako, ako, ako. Remember when Charlotte ano? Remember when Charlotte did the thingy? Remember when Charlotte did this and that and this and that. Puro sya na nga lang nagsasalita eh, kami nila Jess at Travis kung hindi tatawa, o-oo nalang. Si Yuji lang nakikipagkwentuhan sakanya halata pang napipilitan.

"Those were the days. Anyway, Charlotte your drinks getting cold. Take the shot." Napatigil naman ako sa kakalaro ng color switch sa phone ko at nalingat sakanila.

"Nah, I have a lot of lesson plan to update tomorrow. Go on, inom lang kayo." Sabi ko habang ngumingiti sakanila pero in-insist parin ni Sir. Hunt na uminom ako.

Wag daw akong KJ.

"Sige na uminom kana, ano nalang silbi ng okasyon na 'to kung hindi ka iinom." Hawak nya ang bote ng vodka at akmang dadagdagan yung inumin kong wala pang bawas ng sabay na takpan ng kamay nila Jess at Travis ang baso ko.

"Wag ng pilitin kung ayaw uminom ni Charlotte, sir." Nakangiting pilit na sabi ni Travis.

Parehas na nagulat si Sir. Hunt at Yuji sa ginawa nila. I bet they're wondering why at ganun na lamang magreact sila Jess. Ayokong makahalata si Yuji, at lalong ayoko pang malaman nya kung anong nangyayari kaya tumawa ako bigla.

"Boys, relax. Tama si Sir. Hunt, we should celebrate ang pagbabalik nya no." Tinanggal ko ang mga kamay nila sa baso ko at tinungga ang laman ng baso ko.

They're both looked shocked sa ginawa ko. Hindi ko sila pinansin at patuloy sa pagkukunwari ko. Yes, I'm faking it. Tinutungga ko yung baso pero hindi ko naman binubuksan yung bibig ko. Walang makakahalata nun plus Sir. Hunt's too drunk to noticed. Pasimpleng pinagpalit ni Jess yung baso namin at kada shot na nilalagay ko e, sya ang umiinom. Bale dala-dalawang shot iniinom nya kada ikot.

"Cha, hindi ko na kaya." Pasimpleng bulong ni Jess sakin habang nakikipagkwentuhan ako kila Sir. Hunt at Yuji.

"Kayanin mo." Pasimpleng sagot ko habang nakikipagtawanan sa kanila.

"Lima na paningin ko, Cha. Sabi ko naman sayo hanggang wine kalang, ang tindi mo puro tequila at vodka pa nilalagay mo ako naman umiinom." Sa sinabi nyang yun sinipa ko sya sa ilalim ng mesa.

"Aray!"

"May problema ba, Jess?" Tanong ni Yuji, napatingin narin si Sir. Hunt.

"Ay hindi hindi hindi. H'wag nyong intindihin yan si Jess lasing na kaya ganyan. Alam nyo na mahina uminom." Maya maya ako naman ang napasigaw ng maramdaman kong may umapak sa daliri ko sa paa e hindi ako naka-closed shoes kaya ramdam na ramdam ng hinlalaki ko sa paa yung saket ng pagkaka-apak ng sapatos ni Jess.

"Aah!"

"Charlotte, you ok?" Natigilan naman si Yuji sa iinumin nya sanang bote ng beer ng makita nya ang ginawang paghawak ni Sir. Hunt sa kamay ko.

"Y-yeah, everything's FINE." Pagkasabi ko ng fine, syang ganti ko sa pagsipa pabalik kay Jess sa ilalim.

Naggagantihan na kami nang si Travis naman ang sumegwey para umalis ang pansin samin nila Yuji.

"So! Permanente na ba pagbabalik nyo sa campus, Sir. Hunt?" Hawak parin nya ang kamay ko kahit anong galaw ang gawin ko para bumitaw.

If looks could kill, tunaw na tunaw na sa titig ni Yuji yung kamay namin ni Sir. Hunt.

"Sa totoo lang hindi pa official pagbabalik ko. Pero kung may magiging rason para manatili ako dito, why not?" Sabay tingin nya sakin.

Uhh..is he thinking what I'm thinking?

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now