MPML Book 2: Epilogue

5.3K 98 24
                                    


Charlotte's POV

"Cha, labas na! I'm sure you look great!" Sigaw ni Penny sa pinto.

"I look old in this dress!" Sigaw ko.

"Nega mo! Patingin kasi lumabas ka dito."

Nagdadalawang isip ako kung lalabas nga talaga ako. Ba't naman kasi walang salamin dito, di sana nakita ko na sarili ko.

"Tatawagin ko sila Travis at Jess para sipain 'yang pinto. Kanina kapa dyan!" Panakot pa niya. Napakamot naman ako sa ulo ko at inunlock na ang pinto.

"Ito na! Ito na!" I closed my eyes as I walk slowly out of the room.

Handa na akong mahatulan kung ano ba talagang itsura ko sa dress na ito. Wala akong naririnig na reaksyon mula sakanya kaya idinilat ko ang mga mata ko. Tinatakpan ng kamay niya ang bibig niya without saying anything.

"Oh, my God." She muttered.

"I look horrible I knew it!" Hinawakan ko ang laylayan ng dress na suot ko at akmang papasok na ulit sa pinanggalingan ko ng magtitili si Penny.

"No! I mean oh, my God because you look so beautiful, Cha! Omg!" Tili na naman niya habang tumatalon.

"Huy, shh ka lang! Baka pumasok sila Yur---" Too late.

"I heard someone screaming, Penny was that yo---wow." Magkasamang pumasok si Yuri at Irene sa kwarto kung saan nagaganap ang pag-aayos sa akin.

They both let out a gasp while looking at me from head to the tip of the dress.

"Charlotte, you look amazing." Aniya ni Irene.

"I know right! Ayaw naman niya maniwala sakin." Sabat ni Penny habang iniikutan ako at inaayos ang likod ng wedding dress ko.

"Your hair fits perfectly for your gown, SiL. Nice job, Irene." Bunggo ni Yuri ng bewang nya kay Irene.

"I knew my talent would come in handy." Sagot ni Irene habang iniikot sa kamay niya ang suklay na ginamit niya sakin kanina sa pag-ayos ng buhok ko.

Wala akong masabi. I just stood there na parang hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi nila. Lumapit ako at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. My hair was done by Irene which she made my hair look like a curly messy bun with white flowers hanging around. While my make-up was done by Penny and Yuri earlier before I wore my dress.

"Mom, you're so beautiful!" Napatingin ako sa likod ko at nakitang nakangiti sa akin si Andrea sa laptop through Skype.

Simula ng umalis sila ni Marcus, walang araw na hindi siya tumatawag sa akin. Natakot siguro sa banta ko na pag hindi siya tumawag kahit na isang araw ay pupuntahan ko siya agad agad doon. Which is not really a threat because I will surely do it.

"You think so?" Tumayo ako sa harapan ng laptop at umikot para makita niya ang kabuuan ng wedding dress ko.

"Oo naman, mommy! Sana nga nandyan rin kami ni Marcus to see you walking down the aisle." She pouted.

"It's ok, pumpkin. Sabi ko naman sayo dapat sa west lang talaga ang kasal, 'yang daddy mo kasi napakamagarbo kung magplano. Didn't I tell you na siya rin ang nag-organize ng lahat for our wedding?"

No kidding. Tingin ko nga kinareer na ni Yuji ang pag-oorganize. Natawa si Andrea habang sumusubo ng strawberry, gabi sa kanila ngayon habang tanghali naman dito.

"Yes mom. Dad told me about that, he said he just want the best for you." She smiled, this day would have been more memorable if she's here.

"Cha, we have to go. Hi, inaanak." Hawak ni Penny sa balikat ko. Kinawayan niya rin si Andrea sabay flying kiss niya sa screen.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon