MPML Book 2 (72)

3K 79 8
                                    

Day before Andrea's Debut Party Part

Kasarapan ng tulog ko ng magising ako sa malakas na busina ng sasakyan sa labas. Bumangon ako at dumungaw sa bintana ng makita ko ang iba't ibang sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay.

Familiar sakin ang ilang kotse sa labas. If I'm not mistaken, ang tatlo doon ay kay Marcus, Travis at Jess. Sinuot ko ang robe ko at lumabas na ng kwarto.

Tawanan agad ang narinig ko mula sa baba. I can tell that they're having a great time, I would join them but I'm kind of irritated dahil naistorbo ang pagtulog ko.

"Sha!" Sigaw na bati ni Travis sakin. Tinungo ko lang ulo ko sakanya pero mas nasurpresa ako ng makita ko ang halos kalahati ng mga estudyante ko sa sala.

"Good morning, ma'am!" Pakiramdam ko oras ng klase ko ng sabay sabay nila akong batiin.

"Morning. What's going on here?"

"Mommy!" Napalingon naman ako kay Andrea na nagtatatalong nagmula pa sa kusina at may suot suot na itim na gown.

"Wow."

"Do you like it mom? Ang ganda right?!" Umikot ikot pa siya sa harapan ko.

I would say yes but black gown?

"Yan ba susuotin mo sa party mo bukas?" She giggled while coming at me.

"Mom, this is what you're going to wear tomorrow. Dad picked this just for you!"

Say what?

"Go ahead, Charlotte try it on." Dagdag naman ni Yuji na galing lang din ng kusina.

"Are you serious? I'm not going to wear that." The gown is amazingly beautiful but the color's not my type.

"Mom, please? Dad changed the theme of the party into something magical enchanted forest and you're the Goddess Witch that's why you're wearing black." Ang laki pa ng ngiti niya sakin matapos niyang sabihin yun pero mas naging masama tingin ko ng lumingon ako kay Yuji.

"Goddess Witch?" Crossed arms ko habang nakataas ang mga kilay ko sakanya.

"Run while you still can." Narinig kong bulong sakanya ni Jess.

Seriously if I were him, I will take that advice cause I'm about to rip him apart.

"Ok don't get mad, your daughter and I came up with the idea of making the party looks like a halloween party which everyone has to be someone in the movies." Paliwanag niya sabay sabat pa ni Travis.

"Mas masaya nga yun, Sha! Kaya nga kami nandito para pagusapan na kung sino sino ipoportray namin."

So, ano? Naging costume party ito? Magtigil. Tumalikod ako at akmang babalik ng kwarto ko.

"Mom, please wear this?"

"No."

"Charlotte, don't be a party pooper."

Party pooper?!

Tumigil ako sa pagakyat ng hagdan at humarap kay Yuji.

"The only thing I'll become is a killer who murdered you by popping your head literally!" Lahat sila nakatingin parin sakin ng tumuloy ako sa pagakyat ko sa kwarto ko.

Nakakagalit. Bakit kailangang maging Goddess Witch ako? Kung enchanted forest ang theme ng party, bakit hindi nalang ako maging reyna ng kagubatan? Bakit witch pa? Am I that bad? Medyo may kurot sa puso. Hindi ko alam kung hormones pa ba 'to sa pagbubuntis ko at ang sensitive masyado ng kalooban ko o talagang nag-iinarte lang ako dahil gusto ko reyna ako.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon