Chapter 1

196 14 4
                                    

Chapter 1 – Not Ready

Her POV:

Hindi madali ang lahat. Bulyaw, puna at panlalait ang natanggap ko pagtuntong ko pa lang dito sa ibang bansa. I am an amateur, what do you expect? Bago pa lang ako sa larangan ng pagguhit ng mga damit. Wala akong sapat na kasanayan at kaalaman sa larangan na ito. Cloe hired me as her personal designer pero bago yun ay pinag-aral niya muna ako. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa wakas ay makakapag-aral na din ako.

Halos gabi-gabi ay tinatawagan ko si Hera para kamustahin. Lola's condition is stable. Successful ang naging operasyon niya. Laking pasasalamat ko sa lahat ng naitulong ni Hera sa akin, pati na rin kay Cloe dahil kung hindi dahil sa kanya ay hanggang ngayon lugmok pa rin ako sa problema.

Almost 2 years.. halos dalawang taon din akong nagpakadalubhasa sa larangan na tatahakin ko. Maikli pero dibdiban. Sa hindi basta-bastang eskwelahan ako pinag-aral ni Cloe, may isa din akong personal na taga-gabay. I even have Cloe to teach me everynight for secrets about designs. Lahat ng sulok ng pagdidisenyo ay itinuro niya sa akin kaya ngayon ay masasabi kong isa ako sa mga tanyag na designer sa mundo.

"Miss Summer, you have a phone call from Mr. Montiero." ani ng secretary ko.

Napa-angat ako ng tingin. Montiero? Tumango ako at kinuha ang phone na dala niya.

"Hello. This is Summer of Vogue Glam. Who's this?" aniko.

Humalakhak ang nasa kabilang linya. Nangunot ang noo ko. Mr. Montiero pero boses babae?

"This is not Mr. Montiero actually.. Hi Summer! This is Hya. I hope you still remember me."

Napa-awang ang bibig ko.

Hya... Hya? You mean.. Hya as in the half sister of err... him?

Ngumiti ako kahit hindi naman niya nakikita. "Yah. I remember you.."

Narinig ko ang ingay sa background niya. "Yes! Great! Cloe told me that you are her best designer ever and I trust her taste so.."

Tumayo ako at dumungaw sa glass window kung saan tanaw ang citylights. The calming view helps my mind to relax with my busy schedule.

"Hmm.." bakit ito napatawag? Cloe recommended me to her? Why? Marami namang designer si Cloe. Why me?

Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.

"You see.. my birthday is coming and I want you to personally design my gown.." she hesitated for a moment.

"I really love your works and I don't want anyone other than you so please.." she pleaded.

Napakagat ako sa labi. I will design her gown. Yun lang naman diba? But err I'm busy? Yeah right, Summer. Mukha mo.

"Sure. I'll send my works to you right away—"

Naputol ang pagsasalita ko nang magsalita siya.

"No! What.. What I mean is I wanted to see you.. Hmm I wanted to personally see you create my gown and my guest's.."

Nangunot ang noo ko. Akala ko ba siya lang? Ibig ba niyang sabihin ay siya mismo ang magmamando sa akin ng design?

Napabaling ako sa pinto ng bumukas ito at bumungad sa akin si Cloe. I smiled at her and she do the same.

"Ah.. we'll see.. I'll call you later." I ended the call before she could speak.

"Tinawagan ka na ba?" tanong niya pagka-upo ko sa tabi niya.

"Si Hya? Yeah." aniko.

Tinitigan niya ako. "Ang kulit e.. I've know her since God knows. Suki ko na iyon at malaki ang expectation nila sa gawa natin so I choose you."

Ngumuso ako. Bakit pakiramdam ko ay plinano niya 'to?

Ilang buwan na rin niya akong kinukulit na mag-bakasyon. I said I will somewhere near here pero agad niyang sinabi na why not umuwi at magbakasyon ako sa Pilipinas.

"Please Summer.. this is kinda like your vacation. Lagpas dalawang-taon ka na dito at wala ka pang bakasyon! Isa pa hindi mo ba nami-miss ang Lola mo?" I glared at her.

Ofcourse I missed my Lola pero... going back? Parang hindi pa ata ako handa. Sa halos dalawang taon ay hindi ko na nga mailarawan ang Pilipinas. Parang magiging dayuhan ako sa sarili kong bansa kung sakali na bumalik ako.

"Ano bang gumugulo dyan sa isip mo at ayaw mo pang bumalik? Magde-design ka lang naman ng mga gowns and suits sa isang birthday event then tada! Uwi ka na ulit dito." Aniya na parang sobrang dali ng lahat.

I don't know. I'm not ready to go back yet.

Hidden Love (Book ||) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن