Chapter 31

124 8 3
                                    

Chapter 31 – Aware Enough

It's been 6 months. Sa loob ng anim na buwan na iyon ay wala naman masyadong nagbago. Inabala ko ang sarili ko minsan sa pagsama sa kanila, pag-uwi sa Rizal para magbakasyon kasama si Lola tapos ay babalik ng Maynila para makasama ulit ang apat at makapagliwaliw mag-isa.

Hindi ko na nga namamalayan na Ber months na pala. Malapit na ang kanyang kaarawan. Ano kaya ang magandang regalo? O sorpresa? May mga gusto pa kaya siyang matanggap? Pakiramdam ko kasi ay kumpleto na ang buhay niya at wala na siyang mahihiling pa.

Nagplano kami at kinausap ko pati na rin ang mga pinsan niya. Natapat naman na nasa bakasyon ang banda ng isang linggo. Pinag-usapan namin na mag-outing. Sabi ko ay may alam akong mga bakasyunan sa Rizal. Agad naman silang sumang-ayon.

Isang linggo bago ang araw ng mga patay ang araw ng kaarawan ni Apollo. Napagplanuhan naming mauna sa Thunderbird Resort para makapaghanda. Aligaga kaming lahat ng malapit ng sumapit ang alas-sais. Inayos ko ang hanging blouse ko ng yumuko ako para lagyan ng uling ang ihawan.

It's a pool party. Parang hindi nga bagay na naghain ako ng Laing. Sa aking gilid ay ang nag-iihaw na mga babaeng pinsan ni Apollo. Sa malayong dako naman ang mga lalaki na inaayos ang mga ilaw at speakers. Wala pa sila Cain dahil kasabay nila si Apollo.

Sa loob ng aking hanging blouse ay naka-black two piece ako. Nagshorts ako dahil hindi ako kumportableng maglakad-lakad ng naka-panty lang. Kahit pa kilala ko na at close ko na ang mga pinsan niya ay nahihiya parin ako.

"Nagtext na si Cain!" ani Mikee.

Tinikman ko ang barbeque na niluto nila. Pinunasan ko ang aking kamay at kinuha na ang cake. Binake ito ni Genevieve sa pagkakaalam ko. Chocolate Cake with Leche Plan Filling. Weird pero sobrang sarap.

Nginitian ako ni Hera ng nakakaloko. Baliw talaga 'tong babaeng 'to!

Napahalakhak ako ng umalingawngaw ang histerikal na pagkanta ni Cain at Porsche. Parang nangyari na ito dati. Ang kaibahan nga lang ay pakiramdam ko mas espesyal ito dahil komportable ako sa mga taong nandidito. Noon kasi ay mga hindi kilalang mukha ang dumalo at noon ay isa lang akong hamak na tagapag-alaga ng mga kapatid niya.

Sumilay ang ngiti ni Apollo nang makita niya ako na bitbit ang cake niya. Hinawakan niya ang bewang ko at humalik sa aking pisngi. Nakita ko ang pagkuha ng litrato o video ni Theo sa gilid. Alam ko naman na hindi nila ito ilalabas sa publiko kaya hindi ko iyon pinansin.

"Happy Birthday.."

Ngumuso siya at pinasadahan ng tingin ang paligid.

Matapos magbihis ng apat ay nagsimula ng lakasan ang volume ng tugtog at simulan ang kasiyahan. Naka-board shorts halos ang mga lalaki at topless. Ang mga pinsan naman na babae ni Apollo ay nakabikini. Si Hera ay ganun din. Ako nga lang ata ang nakashorts pa.

Napasinghap ako ng may yumakap sa akin mula sa likod. Basa ang shorts nito kaya bahagyang nababasa din ang akin. Hinubad ko na kanina ang aking hanging blouse kaya ngayon ay mas dama ko ang init ng kanyang dibdib sa aking likod.

"Thank you.."

Ngumiti ako.

"Thank you for always making me the happiest man on earth.."

Naramdaman ko ang bahagya niyang paghalik sa ulo ko.

"Thank you, Summer." Bulong niya.

Wala akong maisagot sa kanya kundi ang ngumiti.

"Love birds! Dito nga kayo sa pool!"

Napangisi ako at humiwalay na ng sumigaw si Archer.

Lumusong ako sa pool kahit nakashorts pa. Lumapit ako sa mga babae.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now