Chapter 11

139 11 1
                                    

Chapter 11 – Hindi Na Siya Sa Akin

"La, may niluto akong laing. Gusto niyo bang kumain?"

Binalingan ko si Lola na tahimik na nakatanaw sa may veranda. Isang linggo na ako dito sa bahay. Iniwan ko ang ilang trabaho sa opisina sa Maynila. Kapag walang ginagawa ay ginuguhit ko ang ibang mga damit na pinapadisenyo ng ibang kliyente na hindi naman nagmamadali.

Tapos na ang dahilan kung bakit ako umuwi dito.. I should go back but..

"You're back, but for how long?"

Parang multo itong bumabagabag sa akin sa tuwing naiisip ko na wala ng dahilan para manatili pa dito.

Hindi.. mananatili ako. Pwede ko naman sulitin ito sa isang bakasyon. Tama. Sinabi din iyon ni Cloe sa akin. Sa halos kulang-kulang tatlong-taon ay puro pag-aaral at trabaho ang inatupag ko.. siguro ay panahon na para magpahinga.

Nilibot ko ang ilang bakasyunan dito sa Rizal nitong mga nakaraang araw. Hindi ko nga alam na may mga bakasyunan pala dito! I even try to watch the citylights view at Antipolo. Para akong dayuhan dahil manghang-mangha ako kahit ang totoo ay dito ako lumaki.

Pinagmasdan ko ang isang wedding gown na pinapadisenyo sa akin ng isang kliyente. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko ito. Nalilibang akong iguhit. Ang mga simpleng detalye.. curves and cuts.. beads and pearls..

Someday.. I will walk down the aisle looking at the man whom I love the most.

Parang may lumandas na kirot sa aking puso. Someday..

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Hya, she's enviting me to her condo.

"I'm with my Lola right now, Hya Gaille.."

"Oh.. okay, sayang naman. Hinahanap ka kasi nila sa akin.." panghihinayang niya.

"Maybe next week, babalik din naman ako dyan para bisitahin ang opisina tapos gagala."

"You want company?"

"Ah.. maybe, let's see."

Madaling natapos ang usapan namin dahil hinahanap na ata siya.

Nang wala na akong magawa ay bumaba ako at binuksan ang TV sa sala.

Nilipat-lipat ko ang channel. Napakunot ako ng noo ng may isang pamilyar akong mukha na nakita. Binalik ko doon.

"A, ano itong nababalitaan namin na si M ay laging nasa condo mo? Live-in na ba kayo?" halakhak ng interviewer.

Napatitig ako sa TV. Siya lang, wala ang tatlo. Sa malaking screen sa likod nila ay ipinapakita ang kanyang grupo at... mga litrato nila ni Maize.

Napangisi siya, "Ah yeah, but don't think any ridiculous ideas.. Walang live-in,"

Tumango ang interviewer.

"Now that she's back, magiging parte na ba ulit siya ng banda?"

"Ahm.. no, tinanong ko na iyon sa kanya pero ayaw na niya. She's more focus on her acting career now." Paliwanag niya.

Pinokus sa kamera ang hindi mabilang na fans niya, banda nila at... loveteam nila? I saw some fans handling a tarpaulin na may nakasulat na A&M shippers. Seriously?

Nang natapos ang maikling interview ay napatulala ako sa screen.

Isang linggo pa ang lumipas. Pumunta na muna ako ng Maynila. Sayang naman ang condo na binayaran at binili ko noon kung hindi ko titirhan.

"Urg! Gago ka talaga, Cain! Akin ba 'yang sapatos na suot mo?"

Pareho-pareho kaming napatingin sa dalawa.

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon