Chapter 4

127 10 0
                                    

Chapter 4 – Nandito Sila

"Hello Summy! I'm here na with my friend!"

"Oh okay, I'll be there any minute."

Pinark ko ang kotse ko pagkatapos ay bumaba na. Pinasadahan ko ng daliri ang aking mahabang buhok. Luminga-linga ako sa loob ng starbucks para hanapin si Hya.

Napangiti ako nang makita siya na may kasamang babae. She must be her friend.

"Hi." Bumeso ako sa kanya bago umupo. I smiled sweetly at her friend but she didn't do the same. Napataas ang kilay ko.

Binalewala ko yun at bumaling kay Hya.

"You know what.. the last time I saw you.. you're so pretty but now you're a Goddess! Look at you! Hindi ko na makita si Sasa sayo! Sobrang ganda mo na!" aniya.

Napangiti ako. Too much compliment. Pinamulahan ako ng pisngi. Siya din naman. Halatang Ynares siya sa kanyang kulay at karisma. Ang kanyang porselanang kutis at magandang pares ng mata ay sapat na para tukuyin siyang galing sa angkan ng mga Ynares.

"Ah.. wala na bang itatagal to? I have many important deals to attend to." ani ng friend niya at humarap sa kanya na parang wala ako dito. Bahagya niyang inayos ang glasses niya.

Rude.

"Ahmm.. here.. I have a brosure here.. you can choose what design you want."

Binigay ko kay Hya ang folder pero agad itong kinuha ng friend niya.

Where is her manners? Duh.

"This. Ohmygosh look! Bagay sayo 'to!"

Napangiwi si Hya.

"Ah I don't like too revealing dress, Maize." Ani Hya.

Maize? So Maize pala ang pangalan niya, huh?

"This one I think.. this is good to you! Ang ganda ng design!" ngisi niya.

"I think that's not good on her." singit ko.

Napataas naman ang kilay ni Maize pero nanatili sa mga dress ang mata niya.

"How do you say so?" nag-angat siya ng tingin sa akin.

Her false eyelashes and red shade of lipstick are enough for me to think that she is the type of girl who knows nothing but to party.

Nginitian ko siya pero sa tantsa ko ay mas lalo ko pa siyang nairita. What is her problem?

"She already said that she doesn't like too much revealing dresses.. and her shape doesn't compliment with the design. Magmumukha lang siyang mataba."

Napabaling ako kay Hya nang pumalakpak siya.

"Hindi ako nagkamaling ikaw ang kinuha kong designer!" ngiti niya.

"Tss."

Kitang-kita ko ang pag-irap ni Maize. Nangunot ang noo ko. Problema ba nito? Inaano ko ba siya? Hate at first sight? Is that even possible?

Sa huli ay nagbigay nalang si Hya ng details about sa kanyang gown and I added some information na kung ano ang iba pang details na babagay sa kanya.

"Thank you, Summy."

Niyakap niya ako. Napangiti ako.

"Anytime."

Umuwi ako sa aking condo na binili ko pa dati habang nasa ibang bansa pa ako.

Sinimulan ko na ang gown ni Hya para sa birthday niya 2 weeks from now. Hindi naman ako naga-alala dahil kaya ko naman itong tapusin. I can design a gown in just a minute if I want to. Masyado akong binugbog sa experience sa France kaya ultimo mahirap na design ay kaya ko.

Napabaling ako sa pintuan na bukas. Tumayo ako at pumunta ng veranda. City lights. Sa sobrang lamig ng simoy ng hangin ay napapapikit ako.

Pagmulat ko ay halos manlaki ang mata ko sa nakita.

Isang malaking billboard na ang laman ay mukha niya...

Ang kanyang malalagong kilay ay ang una kong napansin. Hindi ito nagbago.

Napangiti ako.. pero mabilis din iyong napawi nang makita ko ang katapat nitong billboard na ang laman naman ay ang kaibigan ni Hya. Maize?

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang billboard. Si Maize ay nakaflying-kiss habang nakataas ang paa habang si Apollo naman ay nakangisi at nakatingin sa katapat.

Napangisi ako.

Wow. Ang corny ng concept. Sinong mag-iisip ng ganitong billboard? Uso na ba ito ngayon? Magkahiwalay?

Napabaling ako sa kama kung saan ko iniwan ang phone ko. Umiilaw ito hudyat na may nag-text.

From: Hya

Hi, Summy! The twins wants to see you! Paano to? Busy ka ba?

To: Hya

Not really. I want to see them too!

From: Hya

Yay! So paano? Dalhin ko sila sa Park tomorrow?

To: Hya

Sure!

From: Hya

Okay 3PM see you! Love lots, Summy!

Umupo muna ako sa bench malapit sa may nagtitinda ng sorbetes. Tinignan ko ang relo ko. Almost 3:15 na. Asan na sila? Tinext ako ni Hya na dito daw kami magkita pero wala pa sila.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. My usual get-up. Loose half shirt with a tank top inside, ripped jeans and a pair of sneakers.

Napatayo ako nang mamataan ko na ang kambal na may hawak na ice candy. Napangiti ako.

Lalapit na sana ako nang makita si Hya na may apat na lalaking kasama. Nakasuot ito ng jacket, naka-masks at caps.

Halos mapalunok ako nang may naisip. Do they look familiar? Yes!

Tumalikod ako at nagtago sa may puno. Shit! Nandito sila? Sila ba 'yun? Shocks! Shocks! What to do?

Hidden Love (Book ||) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang