Chapter 28

112 8 0
                                    

Chapter 28 – Grandparent

Malapit na mag-ala una nang makarating kami sa SM. Marami ng fans na nag-aantay. Hindi nila kasama ngayon si Maize dahil fan meet-up ito ng grupo nila.

Dumiretso ako sa may gilid habang nagpunta na sila stage para simulan ang programa. Halos malula pa ako dahil hanggang sa 3rd floor ay maraming tao na nakadungaw sa kanila. Pakiramdam ko nga ay matutumba na ang barrier na inilagay sa harap ng stage sa tuwing bumaba ang isang grupo para makamayan sila.

Napapangiti ako sa tuwing bumabanat si Cain. Nag-aasaran sila ni Porsche. Napapahakhak din ang mga fans nila. Siguro isa sa mga dahilan kung bakit sila nagustuhan ng mga tagahanga nila ay ang pagiging totoo nila. Kung malikot sila, makulit, ipapakita nila iyon. At sa nakikita ko ay pinapahalagahan nila ang kanilang mga tagahanga. Madalas silang mag-organisa ng mga events na walang bibilihin na kung anong merchandize para lang makapasok. May concert pa nga daw silang ginawa na ang pinaka-mataas na ticket price ay 5,000 lang. VIP na iyon.

Pagkatapos ng ilang kanta ay nagsimula na ang signing. Hindi ko alam pero nang makita ko ang sobrang haba ng pila ay ako ang nakaramdam ng pagod. Pipirmahan nila ang mga dalang poster, shirts, magazines at bookmarks ng halos nasa libong ito ng mano-mano?

Pero ang sabi naman ni Manager Hazel ay may limit lang daw dahil may ensayo pa ang apat sa isang paparating na album nila.

Tinanong ko din sa kanya kung may bakasyon ba ang apat at sinabi niya naman na meron pero sa isang linggo pa.

Napabaling ako kay Chant nang nag-unat ito at luminga-linga. Tinignan niya ang tubig na nakahilera sa lamesa. Siya lang ang wala. Inayos ko ang wayfarers ko at tumayo. Kumuha ako ng bottled water at umakyat doon. Hinawakan ko ang likod ng upuan ni Chant at inabutan siya ng tubig.

Nilabi niya ang kanyang pasasalamat bago niya ako nginitian.

Nakita ko ang pagbaling ni Porsche at pagsiko nito kay Cain na katabi niya. Si Apollo ang nasa dulo, siya ang huling pumipirma.

"Sassy, kami din!"

Pinagtaasan ko ng kilay sila Cain. Meron na sila ah?

"Hindi na malamig," nagkibit balikat si Porsche na parang nabasa ang nasa isip ko.

Bumaba ako at kumuha ng tatlo ng bottled water. Baka gusto din ni Apollo.. para hindi na din ako pabalik-balik.

Inilagay ko sa harapan nila ang mga tubig. Napabaling ako nang biglang tumingin sa akin si Apollo.

Nanliit ang mga mata niya. Uminit ang pisngi ko nang lumandas sa likod, malapit sa bewang ko ang kamay niya. Agad akong lumayo at bumaba na. Mamaya ka talaga sa kin!

Umupo ulit ako sa gilid. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at bahagyang natigilan ng may tumatawag doon.

"Hello po.."

"Hija, how are you? Are you free today? We're here, apo."

Napatayo ako at bahagyang nagulat. They're here?

"Where, Mamita? Is Papsi.."

"He's fine. Wag ka ng mag-alala, hija. Ganun talaga kapag nagkaka-edad na." pakiramdam ko ay nakangiti ngayon si Lola.

"And another, hija. We wanted to visit your Lola. Rizal, diba?"

"Opo.. uuwi po ako next week para sana makapagbakasyon. Bakit hindi po kayo sumama?"

"Okay, hija. We miss you. I'll text you later, okay?"

"I miss you, too! Pakisabi kay Papsi, miss ko na din siya! Bye, Mamita!"

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon