Chapter 18

127 7 0
                                    

Diel's note:

Dedicated to Grace Macarilay! Thank you for reading this! Love lots! :) 

--------------------------------------------------

Chapter 18 – Take Me Somewhere

Pinalipas ko muna ang sampung segundo bago ako sumunod sa labas.

Hinanap ko sila pero hindi ko sila makita. Asan na yung mga yun?
Sa halip ay si Maize ang nakita ko na parang may inaabangan. Nang tumalikod siya at papasok na sana ay nakita niya ako.

Kitang-kita ko ang pag-irap niya at lalagpasan na sana ako nang hawakan ko ang kanyang braso.

"What is your problem?" mahinahon kong tanong.

She faked a laugh.

"Oh dear, you're my problem."

Kalmado ko siyang tinignan pero sa loob-loob ko ay nangigigil na ako.

"And why is that?"

At muli, tumawa siya ng walang bahid ng galak. Plastik.

"Are you that stupid? You're my problem coz you are always after my boyfriend! Akin na siya simula nung bitiwan mo." Mariin niyang wika.

Nagtiim-bagang ako. Alam niya pala na may nakaraan kami? Sinabi sa kanya o narinig niya sa iba?

"After him? Are you out of your mind? Ang dumi naman ng utak mo, gusto mo ng vacuum cleaner? Ng kahit papaano ay luminis naman 'yang malisyosa mong utak."

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Mataray niya akong tinitigan. I stared back. Sino siya para atrasan ko?

"Stay away from him. Don't go near him, bitch."

Nagtiim bagang akong muli. Ngumiti ako sa kanya ng matamis.

"Dare me." Aniko bago siya tinalikuran. Narinig ko pa ang pagsinghap niya.

Sumibol ang multong ngiti ko. Ganun ba siya katakot na maagawan? Anong akala niya aagawan ko sa kanya si Apollo? Sino siya para pagbantaan ako?

Tatlumpong segundo bago ang oras na napagkasunduan namin ni Craig na mag-date ay nasa may labas na siya ng bahay. Hindi pa ako kumpletong ayos nun kaya nagmadali na ako dahil nakakahiya naman na paghintayin ko pa siya. Nagsuot lang ako ng isang simpleng white sleeveless body hugging dress at black stilettos. Ang sabi niya ay manonood daw kami ng sine tapos ay kakain sa isang restaurant kung saan siya nagpa-reserve. Pwede naman ako kumain kahit sa karinderya lang.

He is fun to be with. Kahit corny ang mga jokes niya ay napapatawa ako. Hindi dahil sa joke kung hindi sa mukha niya! Halos apat na oras din ang tinagal ng date namin. Sa apat na oras na iyon ay hindi naman ako nainip. Hinatid niya ako pauwi.

"Thank you, Summer. Sana may next time." Ngiti niya.

Ngumiti lang ako pabalik at tumango.

"Really? May next time?" maligaya niyang tanong na parang hindi makapaniwala.

"Yes, sure why not? Nag-enjoy ako kasama ka so bakit hindi?"

Nagulat ako ng niyakap niya ako. Ibinaon niya ang ilong niya sa buhok ko. Para niyang inaamoy iyon. Nang kumalas siya ng yakap ay tinignan niya ako bago ako binigyan ng isang mabilis na halik sa pisngi.

Namula ang pisngi ko. Kinawayan ko siya at pinanood ang paglayo ng kanyang sasakyan.

Matutulog na sana ako nang nagulat ako nang may unknown number na tumatawag sa akin. Itinigil ko ang pagkuskos sa basang buhok ko para sagutin iyon.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now