Chapter 14

131 10 0
                                    

Chapter 14 – Nice Shot

Agad akong napalingon sa direktor. Bakit nandito si Apollo? Kasama ba siya sa eksenang ito?

Magtatanong na sana ako ngunit agad na itong sumigaw at pinapwesto na si Apollo sa harap ko. Ang katernong uniporme ng suot ko na kanyang suot ay bagay na bagay sa kanya. Inayos niya ang kulay light brown niyang coat bago umubo para maagaw ang atensyon ko.

Nakita ko ang pagkagulat ni Apollo nang makita ako.

Lumapit siya sa akin, "Bakit nandito ka? Ikaw yung pinalit?"

Nag-angat ako ng tingin at inirapan siya. Hindi ko siya sinagot. Kung alam ko lang na ikaw ang kasama ko sa scene na ito ay sana hindi nalang ako pumayag! Biglang sumakit ang ulo ko!

"So here's the scene. Apollo, go corner the girl. Humilig ka sa kanya while dubbing your part. Pagkatapos ay kiss." Simpleng ani ng direktor na parang ang dali-dali lang ng pinapagawa niya. Well, oo simple nga lang pero bakit may kasamang halik pa? Para saan naman yun?!

Nanlaki ang mga mata ko at umatras.

"Ahm.. pwedeng magback-out?" kagat ko sa ibabang labi ko. Nakita ko ang multong ngiti ni Apollo sa gilid ko.

Napahilot sa kanyang sentido ang direktor.

"Hija, smack lang. No big deal. Sige na, ng matapos na 'yan!"

Bumagsak ang balikat ko.

Just a simple smack, Summer. Tapos, tapos na. Parang ang dali talaga.

Bumalik ako sa pwesto ko. Tiningala ko si Apollo na parang wala lang sa kanya lahat. Prente siyang nakatayo sa harap ko habang ako ay hindi na magkamayaw ang kaba sa susunod na mga mangyayari.

Napailing-iling lang ako.

Ano kayang magiging rekasyon ni Maize pag nalaman niya ito? Syempre wala! Kasama lang naman ito sa trabaho ni Apollo! Walang laman.. walang kahit anuman.

"Okay, roll camera.. action!"

Nakatitig siya sa aking mga mata habang ginagawa ang parte niya. Habang ako ay nakatingin lamang at panay na ang lunok.

Imbis na ilabi niya lang ang kanta ay kinanta niya iyon. Yun nga lang ay mas malakas parin ang sound na galing sa speaker kaysa sa bibig niya. Napapa-iwas pa ako ng tingin sa bigat ng titig niya.

"Look at me..." aniya kaya napa-angat ako ng tingin. Agad siyang dumungaw at hinalikan ako sa labi. Napahawak ako sa dibdib niya para mailayo siya ng kaunti. Nagulat ako! Bakit walang nagwa-warning!

"Cut!" sigaw ng direktor kaya napatingin kami sa kanya.

"Yung kamay mo, Apollo! Yung isa sa may gilid ng ulo niya yung isa sa bewang! Girl, wag mo siyang itulak. Hayaan mo siyang gawin ang part niya. Ano ba naman! Again!"

Napa-awang ang bibig ko. Again?! Uulitin ulit? Pati doon sa part na...

"Action!"

Nagulat ako at agad na tumingin kay Apollo. Ang malademonyong ngisi niya ay nakadikit na ata sa kanyang mukha. Bwisit!

"When you're with someone.. or with a partner you need to act inlove..." bulong niya bago nilabi ang parte niya sa kanta nila.

Nagsalubong ang kilay ko ng may naalala. Sinabi niya na din iyon sa akin diba? Yung araw na hindi ako makatingin sa kanya habang kumakanta kami dahil naiilang ako? Yung sumali kami sa contest noon?

Kinalma ko ang sarili ko. Act inlove? Tss. Umakto kang wala lang ito sa iyo. Yun yun. Kapag maganda ko itong naarte ay baka mabilis pa itong matapos.

Sinalubong ko ang mga mata niya. His intense gaze.. nakakapanghina.

Napalunok ako.

Idikit niya ang kanyang katawan sa akin dahilan para mapaatras ako lalo sa may locker. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang tatlong kamera na nakatutok sa amin sa iba't-ibang anggulo.

Nailang ako at mas lalong tinago ang mukha sa hibla ng buhok ko.

Sinalubong ko ang lambot ng kanyang labi sa akin.

"Hold..." rinig kong ani direktor kaya hindi pa inaalis ni Apollo ang labi niya sa akin.

Halos ilang mura na ang pinakawalan ko. Napapikit ako at napakapit na sa coat ni Apollo.

"Okay!" rinig kong sigaw ulit ng direktor.

Dahan-dahang inangat ni Apollo ang labi niya sa akin. Nagmulat ako ng mata. Ang kanyang mga mata ay halos makitaan ko ng pagkahumaling. Inaantok ito na parang hinang-hina.

Nang bumaba ulit ang kanyang mga mata sa labi ko ay agad na akong lumayo at nagpunta na sa may lamesa.

Binasa ko ang labi ko bago tumayong muli at lumapit sa may monitor para tignan ang mga nakuhang clips sa amin.

"Look! Ang ganda ng anggulong ito. Yung kamay ni girl ang expressive, makatotohanan." Puri ng direktor kaya napangiti ako. Not bad.

Hindi ko alam na tinutukan pala ng kamera ang kamay ko nang kumapit ako sa coat ni Apollo. Hindi ko naman iyong plinanong gawin. Nadala lang siguro ang mga kamay ko sa eksena. Siguro...

Halos mapasinghap ako nang maramdaman ang mainit na hininga ni Apollo sa labi ko.

"Nice shot.." aniya.

Umabante ako ng kaunti para malayo kay Apollo na nasa likod ko na pala.

"Yeah! Ang ganda ng kuha dito.." sinundan ko ng tingin ang tinuro camera man.

Halos lumiyab ang pisngi ko.

Iyon ang parteng dahan-dahang inaangat ni Apollo ang labi niya sa akin at nanatiling magkadikit ang noo namin. Kitang-kita ang mabigat na titig ni Apollo sa akin na hindi naman kita ang mukha ko. Naka-awang ang kanyang bibig na animo'y kumukuha ng hangin.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Hatid ka na namin, Sassy."

Nilingon ko si Porsche. Binalingan ko ang van nilang malaki. Wala silang dalang kanya-kanyang kotse dahil dito sila sumakay papunta. Kanina ay nag-taxi lang ako. Okay lang naman na sumabay ako sa kanila diba?

Tumango ako at sumakay na.

Pinagbuksan ako ni Porsche ng pinto at nagulat pa ako na nandoon na ang tatlo. Binalingan ako ni Apollo na ngayon ay nakasuot na ng isang white vneck shirt at dark pants. His usual attire.

Umusog siya ng kaunti. Nilingon ko ang iba pang upuan na naokyupahan na ng tatlo. Pumasok na kasi si Porsche sa may front seat kaya wala na akong nagawa kung hindi ang maupo sa tabi niya.

Sinalubong ako ng walang kupas niyang natural na bango. Binalingan ko ang isang babaeng pumasok at tumabi sa gawing kanan ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang umusog pa.

Assistant ba nila ito o manager? Hindi, sa pagkakaalam ko ay lalaki ang handler nila.

Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya pabalik.

"You must be.." sumulyap siya sa katabi ko bago ako muling binalingan.

"Summer?"

Tumango ako. "I'm their handler. Hazel is the name." ngiti niyang muli.

Tumango ako.

Tahimik lang sa byahe. Ang nagpapaingay lang minsan ay ang dalawang nasa likod na sina Porsche at Cain. As usual. Hindi na naman iyon nakapagtataka. Magtaka ka kapag naging tahimik ang dalawang ito.

"Patingin! Ano bang sabi?" rinig kong sabi ni Cain.

"What should I give to her?" tanong ni Porsche.

"Anong itsura ba?"

"Tss. Beautiful, blonde, striking legs.." ani Porsche.

"Give my number, dude." Halakhak ni Cain.

Napatawa naman ako at napailing nalang. Boys.

Binalingan ko si Apollo na nakapikit na sa gilid ko. Kahit nakapikit, gwapo pa din. Paano pa kaya kapag nakamulat? Mas lalo na kapag nakatitig sayo? Parang hinahalukay siguro ang buong pagkatao mo.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now