Chapter 9

126 9 0
                                    

Chapter 9 – Bleeding

Inayos ko ang rubber shoes na suot ko bago muling tumakbo. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama kong nakikilahok sa pagtakbo. This is a charity event organized by the fans of Faber Castell. Napilitan akong sumama dahil kinausap ako nila Porsche at Hya. Nagdahilan akong marami akong gagawin pero hindi sila pumayag.

This is a run for a cause kaya kalaunan ay pumayag na ako. Maraming tao. Halos magkaroon na nga ng stampede sa labas ng barricade. Panay ang kuha ng litrato ng mga fans nila kahit malayo sila sa amin. Rinig na rinig ko din ang sigaw nila bilang pag-agaw sa atensyon ng mga iniidolo.

I don't know where the boys are. Baka nauna na iyon sa akin dahil mabagal ang aking pagtakbo.

Napabaling ako kay Hya na ngayon ay pawisan na din. Inabutan niya ako ng bottled water at sumbrero na kulay puti.

"Wear this, masyadong mainit mamaya."

Agad ko naman itong sinuot. Ngayon ay hindi pa masyadong mainit dahil hindi pa naman gaanong masakit sa balat ang araw.

Sabay kaming tumakbo ni Hya pero dahil sanay na ata siya sa ganitong mga event ay naiwan niya ako. Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at inayos ang earphones, isinuot ko ito sa aking tainga.

Instead of my playlist, mas pinili kong buksan ang spotify. Nakita ko ang pangalan ng banda nila na halos lahat ng kanta nila ay nasa toplist. Napanguso ako.

They are boy band, what do you expect? Kahit naman ako kung teenager pa ako ay mahuhumaling din ako sa kanila!

Pinindot ko ang kanta nila na nasa unang ranggo at pinakinggan ito. Mabagal ang una at alam na alam ko na boses ito ni Chant, his voice is calming. Kalaunan ay naging maligalig ang ritmo dahilan kung bakit naengganyo ako sa pagtakbo.

I even enjoy their other songs! No doubt their band is at peak right now. At matagal pa ata bago ito lumipas dahil hindi nakakasawa ang mga kanta nila.

Nakita ko sa hindi kalayuan sila Apollo at Maize. Apollo is soaking wet with his white printed tshirt na kagaya ng suot ng mga kalahok and a dark board shorts. Ang kanyang pawis ay halata na sa damit niyang suot. I wonder what is his smell right now? Obviously, Summer! Of course, magango pa din! He is Apollo! Kahit ang pawis niyan ay pwede mo ng ipampabango.

Binalingan ko si Maize na naka sports bra at pants. Tumatakbo sila ng sabay.

What a scene.

Hinawi ko ang buhok ko at tinali iyon sa isang messy bun.

Lumipas ang tatlumpong minuto ay pagod na pagod na ako. Naka-ilang bote na ata ako ng tubig dahil sa sobrang uhaw. Hindi ko namalayan kanina na nalaglag na pala ang aking sumbrero. Now my head is expose to the hit of sunlight.

Yumuko ako at tinukod ang mga kamay sa tuhod. Napapikit ako. Parang umiikot ang aking paligid.

Dumilat ako at tumuwid ng tayo. Uminom ako para maibsan ang pagkahilo ko.

I must stop the race. No.. kaya ko pa naman.

Muli akong tumakbo pero mas mabagal na kaysa kanina. Pakiramdam ko ay ako na ata ang pinaka-huling tumatakbo. Nilingon ko ang likod ko para makumpirma ngunit nakita ko na may mga may edad pa na tumatako doon. Well..

Nagulat ako ng huminto ang mga tumatakbo di kalayuan sa aking harap. Napakunot ang noo ko.

Nakita ko ang pagkumpulan ng mga tao doon. Bakit?

Lumapit ako at nakiusyoso na din. Sa dami ng tao na nakapalibot sa babaeng naka-upo ay halos hindi ko makita.

"Move! Give us some space!"

Napaangat ako ng tingin sa isang pamilyar na boses na sumigaw.

It's Apollo. Ang kanyang mga mata ay nakasentro sa babae. He's topless.

What?

Curious akong lumapit doon. There I saw Maize. Naka-upo siya at namumutla. Ang damit ni Apollo ay nakasuot na sa kanya.

Napaatras ako kahit malayo naman ako sa kanila nang binuhat siya ni Apollo at dinala sa may malapit na medic booth.

Anong nangyari?

"Nahilo ba si Maize? Buti nalang at nandyan ang boyfriend niya para alagaan siya lagi.."

"Yup. Masyado kasing sakitin yang si Maize.. buti na nga lang Apollo is always there to take care of her."

Bulungan ng dalawang babae sa gilid ko pero narinig ko ito.

So.. Maize is too fragile and Apollo is strong enough to take care of her? And he is Maize's boyfriend. Boyfriend. Kumpirmado.

Nagtago ako sa kumpol ng tao na nakikiusyoso sa booth. Pinagmasdan ko si Apollo na iritadong nakikinig sa sinasabi ng medic team. Nakapameywang ito at hinihilot ang kanyang sentido.

He's concern. No.. he is too concern. Simpleng hilo ganyan na agad ang inaasta niya?

He never act this way before. Hindi siya ganyan mag-alala sa akin.

"Anong nangyari?"

Napatingin ako kila Cain, Chant, Porsche at Hya na kararating lang. Alalang-alala sila kay Maize.

"Napagod lang daw sabi ni Ever. But I want to be sure.." ani Apollo kay Chant bago binalingan si Maize na parang inaantok.

"Are you okay? Damn, M! You scared the hell of me!" mariin pero mahinahon niyang ani.

"I'm okay.."

Kinagat ko ang aking labi bago tumalikod. Nagngilid ang luha ko sa mata.

Stupid, Summer! Why are you even crying?!

They shared special names, A and M.. The way she scared the hell out of him.. The way he is too concern to her...

Hindi siya kailanman naging ganoon sa akin noon..

Halos tumilapon ako sa kalsada nang nabuksan ang isang barricade. Dumagsa ang mga fans na pinipilit palabasan ng guards. Nang nakita ako ng isang guard ay lalapitan na niya sana ako at tutulungan ng nakita ang mga tagahanga na nagpupumilit pang pumasok.

My elbow is bleeding and.. my knees too! Oh My God!

Napapikit ako sa sobrang hapdi. Pinilit kong tumayo kahit hirap na hirap ako. My knees are bleeding for noone's sake!

Halos mapaiyak ako sa sobrang hapdi.

Hindi ko alam kung gasgas o may cuts ba.. but I'm sure hindi dudugo ito kung gasgas lang!

I'm bleeding here but no one have the courage to help me.. while Maize is... Shut up, Summer!

"Naku! Susmaryosep maam! Okay lang po ba kayo?" nakita ko ang paglapit ng isang gwardiya sa kabila ng panlalabo ng paningin ko dahil sa luha.

My elbow is bleeding, my knees too! I can't stand on my own! Yes, of course I'm okay! I am damn fine.

Nakita ko ang paglapit ng iba pang tao. May isang bumuhat sa akin.

Napapikit ako. Hindi ko siya kilala, but I'm thankful he help me.

Pagdilat ko ay halos gusto ko nalang dumiretso sa hospital nang makita ko ang booth kung saan dinala si Maize. What the hell?

Nagkunwari akong tulog kahit na sobra sobra na ang kabog ng dibdib ko. They're here bakit dito pa? Wala na bang ibang booth?

"Paki-assist naman oh!" rinig kong ani ng lalaki bago ako nilapag sa isang upuan na komportable naman.

A bed for Maize, she's just exhausted. A chair for me even though I'm bleeding to death! Oh where's justice, now?

Stop comparing, Summer!

Ramdam ko ang paglingon nila sa direksyon ko.

Nagdilat ako ng kaunti. There I saw them.. most specially A... tsk. Apollo... shocked and stocked.

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon