Chapter 37

111 7 1
                                    

Chapter 37 - Lies

Naligo ako at pagkatapos ay nagpalalit ng tuyong damit. Sumalampak ako sa kama at niyakap ang unan. Binalingan ko ang orasan. It's already 9pm. Hindi pa ako kumakain ng dinner. Wala na din naman akong gana. My suppose to be a happy birthday turn into a gloomy cold day. Hindi ko alam kung nagreply na ba siya o ano. Kung hindi naman siya nakatanggap ng mensahe mula sa akin ay siguradong pupunta siya dito sa condo. Pupuntahan niya ako.

Maya-maya lang ay kumalam na talaga ang sikmura ko. Humikab ako at suminghot habang nag-iinit ng tubig para sa isang cup noodles.

Umupo ako sa high-chair. Hinigop ko ang mainit na sabaw at halos mapamura ako ng mapaso ang labi ko. Sht! Napahinga ako ng malalim. Tanga.

Maya't-maya ang sulyap ko sa pinto. Nagbabaka-sakaling iluwa siya nito. Nagreply na kaya siya?

Bukas ay bibili ako ng bagong phone. Teka. Napatulala ako sandali ng may naisip. Wait.. may spare phone ako sa drawer!

Agad akong tumayo at hinagilap ang phone na pang-trabaho. Binili ko ito para sa trabaho. Dito lahat nakasave ang mga numero ng kapwa ko designers, sewers, employees, o mga tauhan sa Vogue Glam. Pati na rin mga kliyente at iba pang dokumento ay nandidito.

Agad akong nagtipa ng text kay Apollo.

To: 0926*******

Apollo, this is Summer.

Inilapag ko sa lamesa ang phone at nilantakang muli ang noodles na kinakain. Suminghot ako at napa-hatsing. Kinurot ko ang ilong ko. Pakiramdam ko namumula ang ilong ko dahil kanina ko pa ito kinukusot.

Iinom nalang siguro ako ng paracetamol o kung anong gamot para sa sipon mamaya.

Ngumuso ako at pinaglaruan ang phone. Hindi pa rin siya nagrereply?

Tinignan ko ang orasan. Past 9:30 pm. Hindi kaya may nangyari?

Saulo ko ang numero ng tatlo pero mas pinili kong itext si Chant.

To: 0926*******

Hi, Chant! This is Summer. Are you with Apollo? Hindi kasi siya nagrereply sa mga text ko.

Halos mapatayo ako nang tumunog ang phone ko. Hudyat na may nagtext.

From: Chant

He's here with me at the hospital. Hindi niya dala ang phone niya I guess. Wala siyang hawak na kung ano ngayon. Porsche and Cain is also here. Something happened to Maize. Her findings are not stable. I'm sorry, Summy. I want to be with you right now coz today is your birthday, right? Happy Birthday! Virtual hug is sent. :)

Nasa hospital silang lahat? Hindi dala ni Apollo ang phone niya? Nakalimutan niya ba na may usapan kami? So he's too occupied I guess. Nakalimutan niya eh. Hindi man lang siya nakitawag kila Chant kung naiwan niya pala ang phone niya.....

To: Chant

Can you give your phone to Apollo, Chant?

From: Chant

Sure, Summy :)

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay dumiretso na ulit ako sa kama. Binalot ko ang sarili ko sa malambot na comforter. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa ulan o dahil sa nararamdaman ko sa loob.

Nang umilaw ang phone ko ay agad kong binuksan ang mensahe.

From: Chant

Summer, I'm sorry..

Napatulala ako sa text niya. This is Apollo, right?

Sorry. Sorry. Sorry.

To: Chant

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now