Chapter 40

122 10 0
                                    

Thank you for reading this, loves! I'm planning to write a new novel! :)

Ps: This whole book is NOT EDITED. Please bear with my errors. Pasensya na po.

————————————

Chapter 40 - Where's Apollo?

Nagulat si Hera ng maabutan ako sa labas na nakapaa. May tinawagan siya sa kanyang phone. Hindi ko siya pinansin at binalingan ang aking phone.

From: Coops x

Tatawagan kita kapag malapit na ako.

From: Coops x

Wait for me, Summy.

From: Coops x

Nasa eroplano na ako. Tinawagan ko na sila Fabian. Nagpaalam na ako kila Chant. Susunod sila.

To: Coops x

Apollo, hindi mo naman kailangan umuwi agad. Ituloy niyo muna ang concert niyo.

From: Coops x

I don't care about those shts anymore. If the world is against us, the hell I care. I only care for my girl. For you.

Nagulat ako ng dumating ang mga pinsan ni Apollo. May mga kanya-kanya silang body guards. Ngumiti ako sa kanila kahit alam kong malamlam iyon.

"Summer, nagtext samin si Apollo. I know his reasons, noong sinabi niyang uuwi siya ay alam ko na agad ang dahilan." Ani Yesha.

Niyakap ako ni Genevieve. "You don't deserve this kind of hate from their fans. Masyado lang talaga silang napaniwala.."

Tumango ako. Sinabihan nila ako na sa loob nalang maghintay pero hindi ako sumang-ayon. Mas pinili kong hintayin ko siya dito. Gusto ko ako ang unang makikita niya. Gusto ko ako ang unang sasalubong sa pagdating niya.

Binigyan ako ng jacket ni Theo na agad ko naman na tinanggap. Sinamahan nila ako at nakiupo na din sa may bangko sa labas. Kanya-kanya ang kanilang diskusyon pero ako ay tahimik lang na nag-aantay sa gilid. Hinapit ko ang jacket sa aking katawan. Lumalakas na ang simoy ng hangin. Tinignan ko ang oras sa aking phone. 8:00pm.

Kaninang alas sais pa siya nakasakay sa eroplano. Humikab ako at ngayon ay tinatamaan na ng antok. Kumain na ako kanina ng inabutan ako ng pagkain at inumin ni Mikee. Maya't-maya ang baling sa akin ng mga lalaking pinsan ni Apollo na akala mo'y tatakbo ako kapag nakalingat sila.

"Pasok na tayo, Summer.." yaya sa akin ni Yesha. Ngumiti lang ako at umiling. Humilig ako sa balikat ni Hera at humikab.

"Inaantok ka na eh.."

"Hayaan na natin.." rinig kong bulong ni Hera sa kanya.

Kinusot ko ang mata ko at humikab ulit. Tinignan ko ang oras at maga-alas dies na. Pinatay ko ang lamok sa aking balikat.

"Malamok na dito, Summy.." hinayaan ko lang si Hera.

Maya-maya lang ay hindi ko namamalayan na napipikit na pala ako. Nang hinagod ni Hera ang ulo ko ay mas lalo akong inantok. Nakita ko nalang ang sarili kong nakapikit sa balikat ni Hera.

"Summer... Summer?"

Lumapit ako kay Cooper na tinatawag ang pangalan ko. Ako ang ba ang tinatawag niya? Summer daw eh. Eh Summer ang pangalan ko. Edi malamang ako yun.

Pinagpagan ko ang shorts ko at kinuha ang aking tsinelas. Tumabi ako sa kanya at magsasalita na sana ako ng may biglang lumapit na kulay brown na aso.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now