Epilogue

263 14 8
                                    

Muli, sa bilang kong nagbabasa nito maraming salamat :)

-Diel
-----------

Epilogue

I am physically, mentally, and emotionally tired.

Parang bawat nagdaan na minuto ay isang bangungot lang. Parang bawat oras na lumipas ay kasinungalingan lang. Hindi ko alam kung lutang ako o ano pero hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Parang pasok sa kabilang tainga labas sa kabila. Sa mga araw na nagdaan napagod na rin ata ang mga luha ko sa pagtulo. Tulala, wasak at lugmok. Gusto kong magtanong sa Kanya ng bakit pero alam ko lahat ng nangyayari ay may dahilan Siya.

"Summer, kumain ka na muna.." tinignan ko si Hera na may dalang tray. Ibinalik ko ang tingin ko sa bintana at hindi siya kinibo.

"Kami na ang bahala sa press. Alam ko nakikita mo mula dito ang mga fans nila sa baba. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon, Summy.. Tandaan mo wag na wag kang papatalo sa sakit dyan sa dibdib mo."

Araw-araw ay pinapayuan nila ako ng kung anu-ano. Kesyo magpatuloy lang, maganda ang bukas, ang pagsubok ay binigay ng Poong Maykapal para sukatin ang tatag mo. Kulang na nga lang magdala sila ng pari dito at ipa-bless nila ako. Ramdam ko naman ang pag-alala at simpatya nila. Dama ko ang malasakit at pagmamahal nila. Oo, tulala ako at mas ang ikinababahala nila ay hindi ako umiiyak pero siguro nga katulad ko, napagod narin ang mga luha ko sa pagtulo.

Binasa ko ang mga huling texts niya sa akin. Sabi sa balita ay naaksidente ang sinasakyan niyang kotse. May mga fans na nakakita sa kanya sa airport kaya sinundan siya ng mga ito. Lumampas sa normal na patakbo ang paandar niya sa kanyang kotse para matakasan ang mga fans na sumusunod sa kanya at ilan na ding media.

3 in the morning.... Exactly 3 in the morning.
Kumalat ang balita ang nangyaring naaksidente siya. Noong una ay walang naniwala dahil mabilis na nawala ang katawan niya sa kotse, pero ang sabi ng mga nakakita ay agad na kinuha ang katawan ng mga kamag-anak. Hindi humarap sa media sila Miss Lacoste. Walang alam ang mga pinsan ni Apollo. Hindi ko pa nakakausap ng matino ang lahat. Wala akong lakas. Parang kahit pagbuka ng bibig para magsalita ay hirap akong gawin.

Is he really dead? Did he really die? Bakit ang hirap paniwalaan? Bakit may parte parin sa akin na ayaw maniwala? Kahit na nagkalat na sa internet ang duguang katawan ni Apollo sa loob ng kotse niya?
Siguro dahil hindi ko parin nakikita ang katawan niyang malamig na. O makita sa harapan ko ang mga mata niyang nakapikit na.

"We had the right love, at the wrong time..
I guess I'll always knew inside
I wouldn't have you for a long time.."

I know this is a bad idea. Pakinggan ang mga kanta niya ay maling gawin ngayon pero..

I call his phone multiple times. Baliw na kung baliw pero hindi ako naniniwala! Bakit? Fck this! Kaya mas pinili kong itago nalang ang relasyon namin dahil alam ko sa mata ng karamihan ay mali ang maging kami! Alam ko walang matutuwa at walang maidudulot na maganda kapag nalaman nila!

It's been one month..

Unti-unting humupa ang balita tungkol sa kanya pero hindi ang sakit na nararamdaman ko. Walang-wala ang isang buwan para mapawi ang lungkot na nararamdaman ko. Kahit nga siguro isang taon, dalawang taon o isang dekada ang lumipas hindi parin mawawala ang sakit. Sinanay niya ako na laging nakadepende sa kanya. Kaya ngayon na na... wala na siya parang ang hirap ng tumayo mag-isa. Parang hirap na gumising sa umaga kasi alam mo na hindi mo na siya makikita. Parang..

Akala ko wala ng itutulo ang luha ko pero meron parin pala. Hindi ko pinalis ang mga luha sa aking pisngi. Hinayaan ko lang sila na malayang umagos sa pisngi ko. Hinayaan ko lang silang tumulo kasi kahit anong pahid ko.. alam ko na patuloy lang silang kakawala.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now