Chapter 6

141 12 0
                                    

Diel's Note:

Ang bawat chapter ay hindi edited, pasensya na kung maraming typos. Baka lagpas 45 ang chapters depende kung sinipag ako. LOL

-----------------------------------

Chapter 6 – I'm Sorry

They said time heals. They lied...

Bakit hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako? Bakit hanggang ngayon hindi parin nawawala ang sakit? Kaya nga ba talagang hilumin ng oras ang sakit ng puso? O mananatili lang itong walang kalunasan?

Ingat na ingat akong huwag maglakbay ang mga mata ko sa iba. Pinirmi ko ang mata ko kay Hya lang.

"Parang lalo kang gumaganda ngayon ah.." biro ko kay Hya para mapagtakpan ang kaba ko.

Umismid siya. "Ikaw lang ang nagsabi niyan! Sabi nila kuya pumapanget daw ako!" inis na saad niya.

Napangiti lang ako at hindi na tinapunan ng tingin sila Cain na ngayon ay mas maayos na ang suot. Naka-upo si Chant, Apollo at Maize sa mahabang sofa habang si Cain at Porsche naman ay nakatayo sa likod ng sofa.

"Done. Who's next?"

"Me!" napabaling ako kay Maize na tumayo sa tabi ni Apollo. Nag-iwas ako ng tingin. She smiled. Oh my what a first!

Inayos ko ang pagsusukat sa kanya at sinunod din ang mga adjustments na gusto niya.

"Medyo i-loose mo ng konti yung original size here.. I don't want to feel suffocated." ngiti niya.

Tumango lamang ako. Now I know kung bakit noong una palang ay parang ilag na siya sa akin. Tss. Alam niya ba ang tungkol sa amin noon?

Napabaling ako kay Apollo na biglang kinuha ang bottled water na bitbit ko kanina. Aangal na sana ako pero mabilis niya itong dinala sa labi niya at agad na niyang ininom ang laman. Napakagat nalang ako sa ibabang labi. That's mine! Ininuman ko na iyon!

"Sarap." ani niya pagkatapos uminom.

Napapikit nalang ako.

"Ah Hya.. kwarto lang kami." Rinig kong paalam ng apat kay Hya. Sa gilid ng aking mga mata ay kitang-kita ko ang pagpapalitan ng tingin nila Apollo at Maize na parang sila lang ang nakakaalam. Tumango si Maize.

Inabala ko ang sarili ko sa maliit na listahan na dala ko. They can communicate through their eyes. Napabuntong-hininga ako.

"Am I done? Magluluto pa kasi ako ng paborito ni A eh..." maarte niyang sabi. Inismiran ko siya na buti na lang ay nakatalikod ako para hindi niya makita.

"Patikim kami ng carbonara mo ha!" pabirong sabi ni Hya.

Carbonara? Hmm.. hindi na pala Laing ang paborito niya ngayon.. napalitan na rin pala.

"Ah, Summy nasa kwarto sila katukin mo nalang." ani Hya habang abala sa phone.

Nangunot ang noo ko.

"Hindi ba pwedeng dito nalang?" kinakabahang tanong ko. Sa loob ng kwarto? Kaya ko ba silang harapin ngayon? Na kami kami lang? Parang hindi ko pa ata kaya.. Tingin pa nga lang nila ay kinakabahan na ako paano pa kaya yun?

"May ginagawa ata sila doon eh." balewalang aniya.

Pinagkuskos ko ang daliri ko.

Napalingon ako kay Hya nang nakita ko siyang nakatitig sa mga kamay ko. Agad kong tinigil ang ginagawa ko.

Tumayo ako at huminga ng malalim. Pinagmasdan ko ang magandang ukit ng pintuan ng kwarto bago ako dahan-dahan na kumatok.

Napa-angat ako ng tingin nang magbukas ito. Nginitian ko si Chant.

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon