Chapter 35

118 7 1
                                    

Chapter 35 - Beautiful Stalker

Pag-uwi namin ng Maynila ay parang walang nangyari. Mas pinili siguro ni Apollo na magpatuloy kaysa namnamin ang sakit na dala ng nakaraan.

Hindi ako sumama sa shoot nila ngayon. May ilan din silang commercial shoot at events na nakahilera.

Napatitig ako kay Hera nang manlaki ang mata nito habang nakatitig sa phone niya.

"Oh my gosh."

Nagkibit-balikat ako at itinuloy ang paguhit sa gown na para sa susunod na linggo.

"Summy! Dali! "

Kinunutan ko siya ng noo bago ako lumapit sa tabi niya. Ano ba iyon?

- Sweet Instagram Photos nila ng kanyang realtime partner kalat na! -

Hindi ako kumibo pagkatapos kong mabasa ang nasa internet.

Masama kong binalingan si Hera.

"Ang attention seeker niya talaga no, girl! Ang sarap sabunutan!!"

Inilingan ko lang siya bago iniscroll down ang article.

May mga post si Maize na pictures nila ni Apollo. Halatang candid shot ang mga ito dahil hindi nila alam at medyo malayo.

Nakangiting nakatingin si Maize kay Apollo habang alalay ni Apollo ang bewang niya. May kuha pa doon na pinupunasan ni Apollo ang basang noo ni Maize. Sobrang alaga ah? Pasyente ba si Maize? Anong sakit niya? Nakain ng kalandian ang bituka niya at naapektuhan pati utak niya?

Napasimangot lang ako. Kailan 'to? Parang wala naman akong nabalitaan na nagkasama sila ng silang dalawa lang. Pero hindi naman imposible iyon dahil pareho sila ng mundong ginagalawan.

Ipinark ko ang kotse ko at bumaba na. Gusto ko sanang bilhan si Apollo ng mga panlamig na damit dahil may concert sila sa Australia. Balak ko na din bilhan ang tatlo. Hindi ako sinagurado kung kailan ang alis nila pero mabuti na 'yong sigurado.

Napahinto ako sa paglalakad ng mahagip ng aking tingin si Maize kasama si.... Apollo?

Nakasuot ng cap si Maize samantalang nakashades naman si Apollo. Halatang hindi na nag-abala na mag-disguise ang dalawa sa suot at porma nito. Anong ginagawa nila dito sa Mall? Hindi ba nila alam na pagkakaguluhan sila dito? Maraming tao ang lalapit o kukuha sa kanila ng litrato!

Hundi ako nagpakita sa kanila. Maraming tao ang napapalingon sa gawi nila pero mas pinipiling hindi sila lapitan.

"Oh my gosh! My favorite loveteam! "

"Shocks! Wag nating istorbohin baka alone time nila ngayon!"

"Oo nga sige!"

Napairap nalang ako. Alone time?

Hindi ko makita ang ekspresyon ni Apollo dahil nakasalamin siya. Halata namang masaya at enjoy na enjoy si Maize dahil hindi na mabura sa mukha niya ang ngiti. PDA ganun? Para masabi ng tao na totoo ang relasyon nila?

Hawak ni Maize ang kamay ni Apollo. Hindi ko alam pero naiirita ako. Kung hindi ako nagtitimpi ngayon ay baka nakipagpalit na si Maize ng kamay sa maniquin!

Parang nawala na sa utak ko ang ipinunta ko dito sa Mall. Bibili dapat ako ng mga gamit ni Apollo sa trip nila pero heto ako at nagiging stalker nila! Sa ganda kong 'to? Binabantayan ko lang ang akin!

Halos magpantig ang tainga ko ng medyo makalapit sa kanila. Inayos ko ang bonnet ko at bahagyang inilugay ang buhok ko.

"Apollo! You're always like that! Sige na naman!!"

Nakita ko ang bahagyang pagnguso ni Apollo. Halatang aburido siya base sa pagkilos niya pero bakit hindi niya ipinapakita?

"I have someting to do, M.. Sa susunod nalang."

"With whom? Summer?" Rinig ko ang mapait niyang pagkakasabi sa pangalan ko.

"Maize.. "

Napairap si Maize.

"Just make sure wala kang gagawing ikakasira natin pareho. Hindi pa ganun ka firm ang career ko para makapag-isa."

Maya-maya lang ay tumalikod si Apollo para sagutin ang tawag sa kanyang phone. May lakas loob na fan nila na lumapit kay Maize atsaka nagpa-picture dito.

Inayos ko ang wayfarers ko at inalagay na din ang white mask na lagi kong suot kapag kasama si Apollo o kaya silang apat.

"Ate Maize! Oh my gosh! Sobrang ganda niyo po!" Histerikal na ani ng fan nila. She's young.. and unmindful. Hindi ko siya masisi kung ako din naman makita ko bigla ang iniidolo ko na sa TV ko lang nakikita ay ganito din siguro ang gagawin ko. Baka nga humingi pa ako ng autograph!

"Yeah.. Fck you, Cain! I will wait for you here!"

Medyo malapit ako sa kanila kaya rinig ko ang mga sinasabi ni Apollo. Pupunta sila Cain dito? What on earth?! Abong nakain nila? Clorox? Hindi ba nila alam na baka pagkaguluhan sila?! Well... siguro ay ang dalawa ay hindi dahil akala siguro ng tao ay nagda-date sila pero yung tatlo?! Imposibleng hindi sila dumugin!

Nagtingin-tingin na din ako habang sinusulyapan sila ng tingin di kalayuan. Maraming magagandang design at bagong gawa na damit! Dito rin ba bumibili si Maize ng mga damit?

Abala si Maize sa pagpili habang nakasunod sa kanya si Apollo. Panay ang kalikot nito sa kanyang phone. Binabalingan siya ni Maize para papiliin sa kung anong nagustuhan niya. Isang tango lang ang ginagawa ni Apollo.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong ni-silent.

From: Coops x

Hey, where are you? :)

Napatingin ako sa kanya. He's with Maize yet he's texting me.

To: Coops x

Nasa tabi-tabi lang :D

Agad akong napayuko nang makita ko ang paglinga-linga niya. That was just supposed to be a joke!

Sumilay ang ngiti niya habang nakatingin sa phone. Kapag ipinagpatuloy niya iyang pagngiti niya ay baka mahalata na siya ni Maize na abala parin sa pamimili ng magandang disenyo.

From: Coops x

How I wish you were here :(

Agad niyang ibinaba ang phone niya ng bumaling sa kanya si Maize. Nakangiting bumaling sa kanya ito at parang may tinatanong tungkol sa damit na hawak niya.

Hanggang sa isang restaurant sa loob ng Mall ay sinundan ko na din sila. Well.. hindi pala! Nagutom ako at nagkataon lang siguro na gusto ko din dito kumain!

Napa-angat ako ng tingin ng biglang may tatlong lalaking lumapit sa table nila. Sa tindig palang ay alam ko na kung sino ang mga iyon. Kahit pa naka-mask at halos balot na balot sila ay nakilala ko parin.

Binalingan ko si Maize na tahimik sa gilid ni Apollo. Binalingan siya ni Apollo na parang tinatanong kung anong gustong kainin pero inilingan lang siya nito. Weird. Kanina lang ay walang paglagyan ang energy niya ngayon ay para siyang sinipsipan ng dugo. Baka napagod siya sa pagsa-shopping? Hm. Baka nga.

Masarap din naman pala ang pagkain dito. Dadalasdalasan ko na ang pagpunta dito.

Napasulyap ako sa table nila Cain, Maize, Chant, Porsche at Apollo ng bigla itong umingay.

Halos magulat ako ng umalingawngaw ang maawtoridad na sigaw ni Chant.

"Someone please call for help!!"

Napatayo ako at nagulumihanan. Hindi ko makita ang table nila dahil napalibutan na ito ng tao.

Tanging nakita ko lang ng malinaw ay ang eksantong ekspresyon ni Apollo ng mawalan ng malay si Maize dati.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now