Chapter 22

110 7 0
                                    

Chapter 22 – Blood

Naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. Lalo akong naiyak sa ginawa niya.

"Miss.. can-"

Lumayo na ako at hindi ko na siya pinatapos pa. Tinalikuran ko siya pero kinapitan niya ang braso ko.

"Miss, are you sure you're okay?" rinig ko ang simpatya sa boses niya. Yumuko ako at pilit na tinatanggal ang kapit niya sa braso ko.

"Oh! Apollo! Who is that cheap girl? You should not let Maize dance another man!"

Binalingan ko ang babaeng tinawag akong "Cheap Girl"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Miss... Miss Lacoste? Yes! Ang pamilyar na sopistekadang tindig at aura. Siya ito!

Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. Sana lang ay sapat ang maskara ko para maitago ang itsura ko sa mapanuri niyang mga mata.

"Your dress is beautiful, sinong taga-Vogue Glam ang nasipsipan mo, hija?" halakhak niya. Natigilan ako. What? Iniinsulto niya ba ako?

Hindi ko alam kung biro ba iyon o ano. Pero sa tono niya ay malayo iyon sa pabirong tinig.

"Miss." Banta ni Apollo kay Miss Lacoste.

Pinagtaasan siya ng kilay nito.

"What? Is she your pass-time? Go find Maize! Leave this girl! Her dress is beautiful but not her in general." Tawa pa nitong muli.

Nagtiim-bagang ako at napikon na. She is clearly insulting me! The fck!

Pinasadahan ko siya ng tingin. Napangisi ako. Cheap girl, huh?

Marahas kong hinigit ang kamay ko sa kapit ni Apollo. Hindi porket mas matanda siya sa akin ay dapat ko na siyang galangin. Ang respeto ay pinagtatrabahuan hindi basta basta ibinibigay! Anong silbi ng gulang kung ang pagkatao mo ay hindi kagalang-galang?

Dahan-dahan kong kinalas ang maskarang suot ko. Napasinghap si Miss Lacoste habang napatitig lang sa akin si Apollo.

I smirked.

"Hindi ako nasabihan na ang "Cheap Girl" pala ay may kakayahan na magdisenyo ng mga hindi basta-bastang damit?"

Napalunok siya.

"You just insulted the creator of the gown you're wearing right now, Miss." Matapang kong ani.

Napa-awang ang bibig niya at halatang nagulat. Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang suot.

"Next time, don't insult some random girls.."

Humakbang ako ng isa palapit. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Don't you dare insult again the granddaughter of Don Thunder Galejo and Dona Monalisse Galejo. They're your business partners am I right, Miss?"

Nang hindi siya sumagot ay napa-irap nalang ako.

Matama kong tinignan si Apollo bago ako umalis doon.

Napasapo ako sa dibdib ko at huminga ng malalim.

Napahikbi ako. Tinext ko si Hera na lumabas na dahil gusto ko ng umuwi. Hinawakan ko na ang lalayan ng gown at naglakad na patungong parking lot nang marinig ko ang baritong boses ni Apollo.

"Wait! Demn, this!" huminto ako at hinarap siya.

Pagod ko siyang tinignan. Wala na sa ayos ang buhok niya dahil maka-ilang beses na sigurong napasadahan ito ng daliri niya.

"Ahm.."

Hinintay ko ang sasabihin niya. Bilisan mong magsalita at baka may media pang makakita sa atin at makita ko nalang ang mukha ko na nasa front page!

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon