Chapter 30

118 10 1
                                    

Chapter 30 – Game

Parang gusto ko na munang umuwi dahil pakiramdam ko ay hindi maganda ang suot ko. O nanlalagkit? Parang gusto ko ulit maligo! Pakiramdam ko ay ang dungis ko na.

Tinignan ko ang oras sa aking phone. Maga-alas kwatro na. Ang tagal ng event na iyon ah. Halos lagpas dalawang oras?

Pagbaba ko ay tiningala ko ang building. Sumibol ang mga hayop sa tiyan ko. Bakit? Kakain lang naman kami ah! Ang green ng mga alaga ko sa tiyan!

Inayos ko ang suot ko at pati na rin ang aking wayfarers. Hindi ko iyon tinanggal dahil pakiramdam ko ay baka maghinala sila. Ewan, praning na ba ako? Kailangan lang talaga mag-ingat. Mahirap na na mahuli kami. Milyong fans nila ang magiging kaaway ko kung sakali.

Sumakay ako ng elevator at hinanap na ang unit niya. Wala ba si Maize? Mamaya magulat na naman ako? Makita ko siya na suot ang tshirt ni Apollo?

Marahan akong kumatok bago tinaggal ang wayfarers. Nahihiya akong ngumiti sa kanya pagbukas niya. He smirked.

Agad akong pumasok nang bigyan niya ako ng puwang. Pinasadahan ko ng tingin ang loob. Baka may sumulpot na Maize huh?

"Tayo lang?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Baka si Maize invited eh.." kibit-balikat ko.

Umiling-iling naman siya at huminga ng malalim. Tinignan niya ako.

"Pinagbawalan ko na siya dito. Sabi ko kung pupunta siya ay dapat sabihan niya muna ako.."

Nagkibit ulit ako ng balikat at dumiretso na sa kusina. I'm starving.

Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko at ang bahagya niyang paghaplos sa likod ko.

"Nagluto ako,"

Tinignan ko ang pastang nakahain sa mesa.

Umupo na ako. Agad din naman siyang sumunod. Napag-usapan namin sa hapag ang mga pasikot-sikot sa industriya, mga naging karanasan niya.. at kung anu-ano pa.

Matapos kumain ay ako na ang naghugas. Nadatnan ko siyang nakahilig sa sofa, ang kanyang mga paa ay nakapatong sa center table. Binalingan ko ang TV. HBO, huh?

Umupo ako sa tabi niya. Nakita ko ang pagsulyap niya at bahagya niyang pag-usog palapit. Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa buhok ko. Binitawan niya ang remote at pagkatapos ay pinagsalikop niya ang aming kamay. Taka ko siyang binalingan pero nakatutok ang kanyang mga mata sa pinanonood. Binalewala ako iyon. Parang may humaplos sa puso ko na kung ano. Binalingan ko ang kamay naming magkahawak. Pinisil ko iyon at hinigpitan pa lalo ang kapit.

"The girl pushes him away..."

Napatingin ako sa kanya. Hindi niya ako binalingan.

Napatingin ako sa TV nang mapagtanto na 'yon ang tinutukoy niya.

"Then?" hindi pamilyar sa akin ang palabas. Parang ngayon ko palang ito napanood.

"But then the girl wants him.. secretly.."

Oh?

"Anong nangyari?"

Binalingan niya ako kaya bahagya akong napalayo.

"Bakit ang mga babae pinagtatabuyan ang lalaking gusto nila? It's a foolish act, right? Why you keep on pushing the one you want.. the one you love?" nanliit ang mga mata niya.

Napaiwas ako ng tingin.

"Baka ayaw niyang masaktan o baka.. iyon yung nakakabuti para sa kanilang dalawa."

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon