Chapter 21

119 7 0
                                    

Chapter 21 – Trauma

"Invited pala sila? Sana sinama na nila yung tatlo!"

Sinimaan ko ng tingin si Hera. Nauna na ako sa may mga arranged seats and tables. Nang nakita ako ng isa sa mga organizer ay pinaupo niya ako sa table ng mga designers. May mga pangalan doon sa sandalan ng upuan kaya madali kong nahanap ang assigned seat ko.

Isinuot ko ang aking black shimmering mask bago ako tumayo at magtungo sa restroom.

Nakita ko ang bagbaling ni Hera sa akin kaya sinenyasan ko siya na agad naman niyang nakuha.

"Hi Queen Summer!"

Napatungo ako sa batang babae na may hawak ng isang sketch pad na katulad ng sa akin. Bumili siya ng sketch pad na inilabas ng Vogue Glam sa merkado?

Noon kasi ay naglabas ang Vogue Glam na sketch pad na ito laman ang naging buhay ko at ilang mga gawa ko. May disenyo itong paru-paro na kulay lila sa gitna at may mga makikinang pa itong elemento. Naaakit na bumili pati na rin ang mga bata dahil sa taglay nitong disenyo.

Napangiti ako at bahagyang lumuhod para mapantayan siya.

"Paano mo ako nakilala, baby?"

Knowing I have a mask on.

"I just know! My heart knows you!"

Nguso niya.

"Kahit pa nakatakip ang kalahati ng mukha niyo makikilala at makikilala kayo ng puso ko!" she exaggeratedly said.

"Can you sign my copy?" she smiled. Nagningning ang kanyang mga mata.

Tumango ako at pinirmahan ang sketch pad niya. Hinalikan ko siya sa pisngi bago niya ako kinawayan. She is so cute!

"Fck! Sorry." Halos mapasubsob ako sa bata ng may dumunggo sa likod ko.

"Bye Queen!" agad na umalis ang bata. Tumayo ako hinarap ang lalaki.

Hindi siya nakasuot ng mask dahil hawak niya pa iyon. Ang kanyang eleganteng black suit ay nagpatingkad sa kakisigan niya. His hair is stocked and manly arranged with gel. Ang kanyang malalagong pilik-mata ay nagpa-angat sa mala-abong mata niya. He is just simple gorgeous in a manly way.

"Sorry, Miss.." paumanhin niya bago ako pasadahan ng tingin. Nanginig ang kalamnan ko hindi dahil sa lamig ng venue pero sa titig niya.

Hindi ko siya pinansin at tumalikod na nang bahagya kong maapakan ang laylayan ng gown ko.

Napasinghap ako nang lumapit siya at hawakan ang braso at hubad kong likod.

His touch.. nakakapanghina.

Lumayo ako ng kaunti. Kinagat ko ang labi ko para pigilan na magsalita.

Sinigurado kong labi lang ang kita sa maskarang suot ko ngayon.

Nang napatagal ang titig niya sa akin na parang inaalam na niya kung ano ang itsura ko sa likod ng maskara ay tinalikuran ko na siya at nagtungo na sa may restroom.

Inayos ko ang bahagyang nawala sa ayos kong suot bago pinihit ang pinto.

Pagkapasok ako ay nagulat ako ng may babaeng pamilyar sa harap ng salamin na nag-aayos na may kasamang dalawang babae.

"Your date is hot!" ani ng babaeng kasama niya.

Ngumisi si Maize na ngayon ay nakasuot ng isang Maroon Turtle Neck Dress. "My boyfriend is hot."

"Ow." Tanging nasabi ng babae.

Napa-irap nalang ako at humarap na din sa salamin at inayos ang buhok ko.

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon