Chapter 26

129 10 0
                                    

Chapter 26 – Do You Still Love Me?

Mariin kong tinikom ang labi ko. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko ay pakiramdam ko na naririndi na siya.

Ngumiti ako ng pilit at walang masabi. Parang lahat ng sinabi niya kanina ay kasalukuyang dumadating palang sa utak ko. Pinoproseso.

Ibig ba niyang sabihin na hindi sila ni Maize? Na hindi totoo ang relasyon nila? Tapos...

"Summer,"

Bigla akong napa-angat ng tingin ng hinagod niya ang braso ko. Napalunok ako.

"Ahm.. inaantok na ako. Uwi ka na." ngiti ko ng pilit. Hindi ako magaling sa ganitong sitwasyon. Kaya mas mabuti nalang muna siguro na wala akong sabihin dahil pakiramdam ko ay masyado pa akong lutang para tumugon.

Ngumuso naman siya na parang nagpipigil ng ngiti.

"Gabi na.." sumulyap siya sa labas ng bintana.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Oh tapos?

"And I'm tired." Simangot niya at hinilot ang kanyang sentido.

Tinignan niya pa ako ng isa bago tumalikod at hinubad ang kanyang sneakers at polo.

Nanlaki ang mga mata ko.

"What are you doing?!" eksaherada kong tanong at tinapunan siya ng throw pillow. Ngayon alam ko na kung bakit throw pillow ang tawag dito.

"What?" nakangisi siyang humarap sa akin.

Awtomatikong tinakpan ko ang mata ko nang hinubad niya ang kanyang dark pants na suot. WTF?!

"Apollo what the hell?!"

Napapikit nalang ako nang marinig ang malademonyong halakhak niya.

"I won't do anything to you! At least not yet.." bulong niya.

Tinapunan ko ulit siya ng throw pillow na agad naman niyang nailagan.

"Umuwi ka na! Baka naghihintay na doon si Maize sa condo mo!" aniko at tumayo na. Nilagpasan ko siya at nahiga na sa kama. Dumapa ako at ibinaon ang mukha sa unan.

Mamaya hanapin siya ni Maize! At isa pa diba abala siya?

Nang naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at paglundo ng kama ay mas lalo kong ibinaon ang mukha ko sa unan.

"You're jealous." Panunuya niya. Napairap ako at bumangon. Umupo ako sa kama at iniwasan lumandas ang mga mata sa abs niyang lumago at mas lalong nadepina. Dati hindi naman ganyan yan ah? Wala ba siyang ginawa kung hindi magpaganda ng katawan? Okay na naman ako sa katawan niya dati.

"At bakit? Hindi noh!" inirapan ko siya.

Ngumisi lang siya at inayos ang comforter.

"I don't know why she's there. Naliligo ako tapos narinig ko nalang ang boses niya. Nagulat ako paglabas ko nandun siya suot pa yung tshirt na dapat ay susuotin ko."

"Hindi ka ba nagla-lock?" tanong ko.

Sumulyap siya sa akin at sumilay na naman ang nagmumurang dimples niya.

"Demn, you're so cute when you're so protective to me.."

Sinimangutan ko lang siya at humiga na.

Halos manlaki ang mga mata ko nang maramdaman siya sa gilid ko. Agad ko siyang tinulak palayo.

"What?" kamot niya.

"Bakit dito ka? Doon ka sa sofa!" singhal ko.

"I'm sleepy, Summer.." aniya at ipinikit ang mata.

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon