Chapter 36

133 8 0
                                    

Chapter 36 - Waiting

Tanging nagawa ko lang ay sundan sila ng tingin. Kahit na gusto kong sundan ay mahirap, maraming tao at halos hindi na ito magkandamayaw. May mga security guards na din na nagkalat para ayusin at pakalmahin ang mga tao.

Anong nangyari?

Nakatanggap ako ng text mula kay Hera tungkol sa nalalapit kong kaarawan. Hindi ko muna siya nireplayan at agad na tinext si Apollo.

To: Coops x

Where are you?

Nakababa na ako ng parking lot ay wala parin akong natatanggap na reply. Ni-double send ko ito. Pagkapasok ko sa kotse ay agad na tumunog ang phone ko.

From: Coops x

I'm at the hospital. Something came up.

To: Coops x

What happened? Are you hurt?

Kahit alam ko na kung sino talaga ang dinala sa hospital ay mas pinili kong pagtakpan iyon.

From: Coops x

It's Maize.

To: Coops x

Gusto mong puntahan kita?

From: Coops x

I think she's fine now. Don't worry.

Hindi naman siya ang pupuntahan ko, ikaw. Okay bad me. At least she is fine now. Nahilo na naman? Napagod?

Pag-uwi ko sa condo ay laking gulat ko ng makita sa loob si Hera. Prenteng naka-upo sa sofa at nanonood ng TV. Aba, feel at home ang gaga.

"Kakahiya naman sayo, babae."

Sinulyapan niya ako at ibinaling ulit ang tingin sa pinanonood.

"Saan ka galing? Umalis sila Chant eh. Pupuntahan daw si Apollo.. Kasama ka ba niya?"

Umiling ako at binalingan ang pinapanood niya. OTWOL. One of the successful teleserye of some local channel.

"Hindi, si Maize ang kasama niya."

Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Nagpaalam sayo yung gago?"

Sinapak ko siya ng throw pillow. "Bakit? Kailangan ba? Wala lang naman iyon."

May tiwala naman ako sa "Gagong" tinutukoy niya. Nagkibit-balikat nalang siya at itunuon na ulit ang mata sa pinanonood.

Nakinood na din ako sa tabi niya. Habang nanonood ay pinagki-kwentuhan namin kung ano ang gagawin sa birthday ko. Binalaan ko siya na wala dapat akong celebration party dahil hindi naman ako mahilig sa ganun. Simple lang ang gusto pero memorable. Kung pwede nga lang na si Apollo lang ang kasama ko sa araw na iyon ay sapat na para matawag na isang magandang regalo. Speaking of him, tumawag siya para sabihin na ilalabas niya daw ako. Hindi daw pipwedeng hindi ko siya makakasama sa kaarawan ko.

"Kj mo talaga kahit kailan!"

Tinawanan ko lang siya.

Kinabukasan ay nagtext sakin si Apollo na may presscon daw sila. Tinanong ko siya kung ayos na ba si Maize pero ang sagot niya lang ay nasa hospital pa at inoobserbahan. Nagtaka pa nga ako dahil ang huling sinabi niya sakin ay okay na ito. Siguro ay may mga tests na ginagawa para malaman talaga kung okay na ang pasyente.

"Tomorrow's your big day." Ngiti niya.

Nginusuan ko lang siya at mas piniling hindi siya tignan. Inabala ko ang sarili ko sa pagpili ng mga damit na dadalhin niya. Ang sabi niya ay two weeks sila doon. May rehearsals tapos, meet-ups then concert.

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon