Chapter 3

125 11 0
                                    

Chapter 3 – Soon

I scanned through the whole article and there I saw his comment.....

Napatulala ako.

"She change." A said referring to Sasa's picture or should I say Summer's picture before he chuckled.

She change.

She change.

I change.

How come? The way I look? The way I dress? Or everything about me?

Yun ba ang tingin niya? Nabago na ako? Well yes, I've change. He made me.

Napabaling ako sa phone ko nang may tumatawag na naman. Si Hya.

"Hey."

"Hi Summy, I'm sorry.. I'm so annoying I know but I just want you to design my gown and the guest's and I want you to be part of my celebration. So please.." she pleaded.

Napalunok ako. Ilang linggo niya na ba akong kinukulit? Hindi pa ba siya nagsasawa? Is she that serious? But why? Gustong-gusto niya ba talaga akong umattend ng birthday celebration niya?

"And.. Ohmygosh! I almost forgot! Its the 7th birthday of the twins this comin' week! And.. they demand you to come!"

Napa-awang naman ang bibig ko.

"Really? So magde-debut din pala sila?" halakhak ko. My babies are turning 7!

"Yes! Please I'm begging you Summy.. please come.. we'll really appreciate your presence."

Ano ba kasi Summer? Ang babaw naman ata ng dahilan mo para hindi bumalik. They're begging you to come back.. to come home. Pwede ka din naman na bumalik agad dito hindi ba? Just grant their wish already!

Napa-isip naman ako.

"Ahm.. I'll book a tix tomorrow." aniko.

Narinig ko na biglang umingay ang backgroud.

"Ohmygosh! You what?! Ohmygosh thank you Summy!"

We said our goodbyes bago ko binaba ang phone. This is it.

Inayos ko ang mga gamit ko. Hindi ko na dinala ang ibang gamit ko. Yung mga mahahalaga lang at yung mga gusto kong dalhin sa Pilipinas.

"So finally aalis ka na din!"

Napairap nalang ako kay Cloe. Her fake boobs are enough for me to be intimidated. Cloe is beautiful, gwapo ito nung lalaki kaya kahit hindi na niya iparetoke ang mukha niya ay ayos lang.

Boys are indangered species nowadays. Malapit na ata silang maubos. Pati ang mga lalaki kasi ngayon ay lalaki na ang hanap!

"Oo na! Parang feeling ko kasi pinapalayas mo na ako dito!"

Humalakhak siya.

"'To naman! Ang drama mo kasi alam mo yun halatang hindi pa nakakamove-on sa ex niya kuno eh hindi naman sila nag-break." nilingon ko si Cloe at pinanliitan ng mata. Sa sobrang hina ng mga huli niyang sinabi ay hindi ko na naintindihan.

Inayos ko ang butterfly shades ko. Almost 2 years... and finally I'm back.

Pumikit ako at ninamnam ang simoy ng Pilipinas. Walang pinagbago pero ang mga taong nandidito ay oo.

Hindi na ako sanay sa traffic ng Pilipinas. Doon ay halos wala kang makikitang bumper to bumper na sasakyan. Mabilis ang byahe pero dito ay naabutan pa ako ng matinding traffic. Kailan kaya uunlad ang bansang 'to?

Huminto ang taxi dahil sa traffic.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Tumingin ako sa labas ng bintana. Napatingala ako.

Napatitig ako sa isang billboard na sobrang pamilyar sa akin ang mga laman.

They're wearing a simple thin white tshirt and a faded jeans. They look seductive in the rain effects. Isang sikat na produkto ng men's clothing ang iniendorso nila.

Napatitig akong mabuti sa apat. Well define body, got taller, they even look hotter. Hindi ko nga halos sila nakilala!

Para silang nang-aakit na kung sino ang tumingin ay bibilhin sila ora mismo at hindi ang mga damit sa iniindorso nilang clothing line.

Hindi ko pa tapos suriin ang billboard nang biglang umandar na ang taxi.

Hindi ko siya napasadahan ng tingin... how is he look now? A lot better?

"Fan ka din?"

Napalingon ako kay manong nang magsalita ito.

"Po?" tanong ko.

Nilingon niya ako saglit sabay balik ulit ng tingin sa daanan.

"Kung fan ka rin ng Faber Castell kako? Kanina mo pa kasi tinitignan yung billboard nila.." aniya.

Ngumiti ako bago umiling.

"Naku hindi po.. bakit po marami po ba silang fans?"

"Ay oo susmaryosep! Maski nga ako ay taga-hanga nila." Natatawa pa nitong kwento.

Napangiti ako.

Talaga? Even the oldies likes them? Iba na ata ang karisma nila ah? How did it happened? I'm so curious!

"Maganda kasi ang mga tugtog nila. Iba-iba. Ang nakahiligan kong mga kanta nila ay yung mga kanta ni A na malumanay at tagos."

A? Sinong A? Si Apollo ba?

"Gusto mo bang mapakinggan, Miss? May cd kasi nila ako. Nabili ko sa talipapa." ngisi niya. Napangiwi ako.

"Ah sige po," nahihiya kong tango. Hindi ko alam pero malakas ang kabog ng dibdib ko. This is the first time I'll hear their music again!

"Yung mga nakuha ko ay renditions nila ng ilang sikat na kanta." aniya habang sinasalang ang cd.

Maya-maya pa ay tumunog na ang intro.

Tumingin ako sa labas ng bintana.

"We have the right love at the wrong time..."

Napabaling ako sa speaker kung saan lumalabas ang boses.

His voice...

Napapikit ako. Halos hindi ko na mapakalma ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Para akong kinakabahan na hindi ko malaman. Parang may humahaplos sa puso ko sa bawat pasok ng kanyang malumanay na boses sa aking tainga.

Isang kanta na babae ang kumanta pero hindi ako makapaniwalang mas maganda ang pagbibigay niya ng ibang tinig.

"Sometimes goodbyes are not forever...

It doesn't matter if you're gone.."

Parang may kung ano na bumara sa aking lalamunan. Kinagat ko ang aking ibabang labi.

"..I still believe in us together..

I understand more than you think I can...

And if they're calling you away... I have no right to make you stay..."

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Napahikbi ako.

Halatang nagulat si manong sa akin at aligaga akong inabutan ng tissue.

"Naku pasensya na ma'am ihinto ko nalang po?" aniya.

Umiling ako tsaka ngumiti ng mapait.

"Wag na kuya.. kahit ihinto nyo naman yan hindi parin titigil yung sakit."

Napakamot nalang sa ulo si manong.

"And somewhere down the road..

Our roads are gonna cross again..

It doesn't really matter when..."

Our roads are gonna cross again, Apollo. Soon. Pero sa pagkakataong yun hindi ka nalang mag-isa... kasi may kasama ka ng iba.

Pinunasan ko ang mga natitirang luha sa aking pisngi.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now