Chapter 33

122 7 0
                                    

Chapter 33 – Date of Death

Madalas ay naging abala na ako sa opisina ng Vague Glam. Pumasok na kasi ang buwan na marami ang kaliwa't-kanang mga event na kailangan naka-formal attire. Marami ang nagpapagawa ng gowns, suits and dresses.

Bago umalis ang banda nila Apollo para mag-concert nila sa Canada ay inaya niya akong pumunta sa Resthouse nila sa Laguna. Ang akala ko ay magbabaasyon lang kami doon pero laking gulat ko ng biglang may sumalubong sa aking isang matandang babae.

"Hija! Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makita ka.."

Nahihiya akong ngumiti. Napakamot nalang sa kanyang batok si Apollo sa gilid.

Panay ang daldal ng matanda. Napapangiti ako sa tuwing may sinasabi siyang patungkol sa akin na palagi daw sinasabi sa kanya ng kanyang apo. Napapatawa din ako kapag may kinikwento siyang tungkol kay Apollo noong bata pa.

"Buti at ipinakita ka na nitong apo ko sa akin.. hindi nga siya nagsisinungaling hija. Sobrang ganda mo nga."

Halos uminit ang pisngi ko sa sinabi nito. Nakita ko ang mariin na pagtikhim ni Apollo sa gilid ko.

"Noon ay kung hindi sa pinsan niya ay dito ang punta niya sa tuwing nalulungkot iyan. Akala ko nga ay hindi ko na ulit masisilayan na nakangiti siyang muli at nagniningning ang mga mata pero tignan mo ngayon.." napahalakhak ang matanda. Saglit kong binalingan si Apollo. Sumilay ang pilyo kong ngiti ng makita ang namumula niyang tainga.

Naiwan kami ni Lola sa labas para magpahangin habang nasa taas si Apollo para may asikasuhin na kung ano.

Sa kabila ng katandaan ay kitang-kita ang ganda ni Lola. May kaunti siyang hawig kay Apollo. Siguro yung mata o pilikmata?

"Hija.." hinarap niya ako kaya bahagya akong nagulat.

"Po.."

Tinitigan niya ako. Hinaplos niya ang kamay ko.

"Huwag mo na siyang iiwan. Tama na yung dalawang beses.. kapag naulit pa ay baka hindi na niya kayanin talaga."

Napalunok ako. Parang may malaking batong bumara sa aking lalamunan. Wala akong naging balita tungkol kay Apollo o sa banda nila simula noon. Siguro ay kahit hindi nila detalyadong ikwento sa akin ang lahat ng nangyari noong wala ako ay alam ko na. Alam ko na hindi lang ako ang nangulila at naghirap.

"Naaawa ako sa kanya pero mas pinili kong patatagin ang loob niya. Kahit ayaw niya ipakita na umiiyak siya ay naririnig ko parin ang impit niyang hikbi. Mahal na mahal ka ng apo ko.. na kahit makailang beses mo na siyang iniwan ng walang dahilan ay minamahal ka parin niya ng walang pag-aalinlangan.."

Nagngilid ang luha sa aking mata.

"Ipangako mo sa aking hindi mo siya bibitawan.."

Suminghot ako at hinigpitan ang kapit sa kamay ni Lola.

"Mahal ko po ang apo niyo, La. At laking pagsisi ko sa nagawa ko noon sa kanya.. Ipinapangako ko pong mas hihigpitan ko ang kapit sa kamay niya kahit pa ayaw na niya.."

"Hindi mangyayari na aayawan ka niya, hija.." iling niya.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Lola. Pinalis ko ang munting luha na bumagsak sa aking pisngi.

Gabi na pero mulat na mulat pa rin ako. Bukas pa ang uwi namin sa Maynila. sinulit na ni Apollo na makasama ang kanyang Lola. Bibihira na kasi niya itong madalaw dahil abala siya palagi.

"Summer?"

Nilingon ko si Apollo bago siya nginitian. Umupo siya sa aking tabi at ibinalot ang braso sa aking bewang. Bahagya akong humilig sa kanya, naibsan ang lamig na aking nararamdaman.

"Bakit gising ka pa?"

"Ako dapat ang maagtanong sayo niyan?" he smirked.

Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. Nang naramdaman niya siguro ang pagtitig ko ay binalingan niya ako.

"May problema ba, Summer?"

Nginitian ko siya bago bumalik ulit sa pagkakahilig. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

"Anong sinabi sayo ni Lola?"

Ngumuso ako. "Wala naman.."

"Summe—"

"Sabi niya 'wag na daw kitang iwan."

Natahimik siya sandali.

"Kahit naman hindi niya sabihin—"

"Gagawin mo parin? Na.. na iwan ako?"

Nangunot ang noo ko at nag-angat ng tingin. Ipinaharap ko ang kanyang mukha sa akin.

Halos mapalunok ako ng makita ang mga mata niyang masasalaminan ng napakaraming emosyon. Iniisip pa rin ba niya na kaya ko pa siyang iwan?

"Kahit hindi niya sabihin hindi ko talaga gagawin. Kasi kahit ako hindi ko na kayang iwanan ka. Kahit kasi ako nasasaktan sa tuwing nakikita kang nasasaktan.."

Tinitigan niya lang ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop ko iyon.

"I love you, Coops." Ngitian ko siya bago ko hinalikan ang kanyang mga mata. Hindi ko alam pero nasanay nalang ako nakapag tinawag ko siyang Coops ay hahalikan ko ang kanyang mata pagkatapos. Wala naman pinagbago kahit ngayon ay nakakakita na siya. Siya pa rin yung batang lalaking nilapitan ko na mag-isang nakatanaw at palaging inaantay na lumubog ang araw kahit sa totoo lang ay kanina pa ito lumubog.

Bago kami umuwi ay nagyaya siyang pumunta kami ng Enchanted Kingdom. Isinuot ko ang kanyang jacket na may hood at shades. Ganun din siya. Nag-ikot kami at sumakay sa iba't-ibang rides. Sa palagay ko naman ay walang nakakakilala sa amin dahil masyadong abala ang mga tao sa kanya-kanya nilang buhay.

Ang huli naming sinakyan ay ang Ferris Wheel. Magha-hapon na at mag-aagaw na ang liwanag at dilim ng nakasakay kami. Tanay ko ang makapigil hiningang tanawin. Unti-unting nagsibukas ang ilaw para bigyang liwanag ang paligid.

Binalingan ko siya nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko.

"Your eyes are beautiful.." biglang sabi niya.

Sumimangot naman ako. "Mata ko lang?"

Napahalakhak siya kaya napangiti ako.

"You're a beauty all in all, Summer."

Tumango ako at bumaling ng muli sa labas.

"I want you to meet someone."

Nang bumaba kami ay agad na kaming nagtungo sa kotse niya. Hindi na ako umangal nung sinabi niyang may ipapakilala siya sa akin. Ang sabi niya ay pinakamalapit daw sa puso niya kaya kinabahan ako.

Tinignan ko sa salamin ang itsura ko. Ang gulo na ng buhok ko! Ang haggard ko na tignan!

Madali kaming nakarating sa kinaroroonan ng sinasabi niya. Nangunot ang noo ko nang dumungaw ako sa labas at isang sementeryo ang bumungad sa akin.

Taka kong sinundan si Apollo. Tahimik akong nakasunod sa likod niya. Kanino niya ako ipapakilala?

Napaatras ako ng bahagya ng bigla siyang tumigil at nilingon ako. Ngumuso siya.

"Come here." Tawag niya sa akin. Agad naman akong sumunod.

"Walk beside me not behind me. You're not my bodyguard, you're my girl.."

Uminit ang pisngi ko at nagpasalamat na madilim na.

Huminto kami sa isang puntod. Halos mapa-awang ang bibig ko sa nabasa.

Sunshine Ynares

Born: March 28, 1945

Died: September 02, 1995

Ito ang araw ng aksidente... Hindi kaya kasama ang ina niya sa nangyaring aksidente noon? Hindi ba may naikwento siya dati sa akin na... Oh My! Posible nga kaya?

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now