Chapter 32

116 8 0
                                    

Chapter 32 – Pregnant

Nakita ko ang maya't-mayang sulyap ni Apollo sa kanyang phone. Nakakunot ang kanyang noo. Lumapit na ako at tumabi na sa kanya.

"Apollo, may problema ba?"

Iritado siyang tumayo at binigay niya ang phone niya sa akin.

Nakita ko na may mga mensahe doon. Binasa ko ito.

From: Hya

Kuya...

To: Hya

Where are you, young lady?

From: Hya

Kuya, I'm sorry...

To: Hya

Don't! It's been 10 months! Almost a year! Hindi mo sinasabi samin kung nasaan ka?! What the fck, Hya?!

From: Hya

Kuya, I'm pregnant.

Napatakip ako ng bibig sa huling mensaheng nabasa. What the hell? Kaya ba hindi na nagpaparamdam si Hya kasi umalis siya sa kanila? At.. at buntis siya?! Sino ang ama?! Bakit ngayon lang sinabi?

Tumayo ako at nilapitan ang nakatiim-bagang na si Apollo. Ang kanyang kamao ay mahigpit na nakakuyom. Hinagod ko ang kanyang braso pati na din ang kanyang kamao. Sinikap ko siyang pakalmahin.

"Fck this.."

"Apollo.. where's Hya? I can talk to her.." malumanay kong ani.

Binalingan niya ako. Nakita ko ang nag-aalab na galit niya sa kanyang mga mata. Kanino siya galit? Sa kapatid niya? Sa nangyari? O sa nakabuntis kay Hya?

"Are you sure you don't want to come inside?" marahan kong tanong kay Apollo. Mahigpit ang kapit niya sa manibela.

Umiling siya. "I don't want to see my sister broke down in front of me because of her situation. I trust you with this one, baby.."

Tumango ako at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi bago umakyat sa tinutuluyan ni Hya.

Isang katok at agad ng nagbukas ang pinto. Halos mapaiyak ako sa malayong masiglang Hya na nakilala ko. May maitim na kung ano sa ilalim ng kanyang mga mata. Pumayat siya at bahagyang namutla.

Sa oras na makapasok ako ay agad na niya akong niyakap. Humikbi siya sa aking balikat. Agad kong hinagod ang kanyang likod.

"Summer... I'm sorry... I lied.."

Pinakalma ko siya at pinaupo sa sofa. Suminghot siya at pinunasan ang kanyang luha. Puno ng kung anong sakit o lungkot ang kanyang mga mata.

"Bakit hindi mo sinabi?" diretsa kong tanong.

Tumango siya at nagsimula na naman siyang humikbi.

"Hindi ko alam yung gagawin ko eh. Takot na takot ako.. natatakot ako.."

"Dapat sinabi mo sa akin, Hya? Diba magkaibigan tayo?"

Umiling-iling siya. tinitigan ko ang tiyan niyang manipis.

"Ilang months na?"

Nag-angat siya ng tingin at bahagyang kinagat ang labi. Bumuhos na parang talon ang luha niya.

"Nanganak na ako, Summy.."

Nanlaki ang mga mata ko at halos mapasigaw. "What?! I thought you're pregnant? Don't tell me buntis ka na naman?"

Umiling siya. "Sinabi kong buntis ako kasi baka hindi nila tanggapin yung anak ko.. Napapangunahan ako ng takot ko eh.."

Napapikit ako. She is too scared that's why she hide her baby from us? Ano ba kami sa kanya? Wala ba siyang tiwala sa amin? And oh my gosh! Huminga ako ng malalim ng may napagtanto. She's only eighteen years old.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now