Chapter 39

104 8 1
                                    

Chapter 39 - Wait For Me

Heavy hearts is like a heavy clouds in the sky, the best relieved is by letting of a little water.

Hindi na nga ata lumipas ang araw na hindi tutulo ang luha ko. Lalo na ngayon na kahit anong pag-iwas ko sa lahat ng nangyayari, kahit anong pagpapalakas ko sa loob ko hindi ko magawang maging matatag kung ang isang taong dapat na kasama ko sa laban na ito ay may ibang inaalalayan na laban. Ano nga bang laban ko? She's dying. She's dying physically but... I am too, emotionally. Bakit hanggang ngayon hindi ko sila makontak? Hindi ko siya makontak? Bakit ba lagi nalang akong hinaharangan ng mga tao sa paligid niya?

Lumipad ng ibang bansa si Maize para magpa-opera. At ang nakakatawa sa Australia pa. Tignan mo nga naman diba? Sinandya niya ba iyon o ano? Kasi hindi ako sobrang tanga para mapaniwala niya gaya ng mga tagahanga nila.

Nagkalat na sa dyaryo, TV at social media ang nangyayari sa kanila. Hindi kinasela ang concert ng Faber Castell pero maya't-maya ata ang bisita ng banda sa pasyente nila base na rin sa mga balitang napapanood at naririning ko. Para na nga silang mga nurse sa mga nakikita kong pictures. Kahit hindi ako pinapayagan ni Hera na magbukas o manood ay pumupuslit pa rin ako. Tanga o martyr? Parehas siguro.

Ang sabi sa balita ay bumalik daw ang dating sakit ni Maize. Alam ng lahat ng tao ang tungkol doon dahil iyon ang dahilan kung bakit siya nawala sa ere ng dalawang taon at kung bakit din lumamlam ang karera niya. Naoperahan na siya noon pero nakakaramdam pa rin daw ng mga senyales si Maize pero nilihim niya. Isa na doon na mabilis siyang mapagod at ang pagdalas ng sakit ng kanyang ulo.

Akala ko noon ay okay na siya dahil malayo ang taong may sakit sa panlabas niyang kaanyuan. Iyon siguro ang dahilan ng isang beses na makita ko siya sa may restroom sa party na hinihilot niya ang kanyang sentido, nakakaramdam na pala siya noon ng mga senyales pero hindi niya ipinapakita o ipinaaalam.

Bumangon ako sa may kama ay naglakad ng naka-paa. Lumabas ako sa may veranda at humilig sa railings. Wala na ang dating billboard ng dalawa dito sa tapat. Napalitan na ito ng isang sikat na loveteam kung saan ay masasabi kong totoo ang relasyon. Hindi katulad ng kila Maize at Apollo na isa lang palabas ang lahat. Sana lang ay wag silang maghiwalay dahil maski hindi ako isa sa mga tagahanga nila ay isa naman ako sa naniniwala sa always na pinanghahawakan nila. Kung ganito lang sana ang relasyon namin ni Apollo, iyong tipong kahit maraming may ayaw sa inyong relasyon ay marami din namang naniniwala at natutuwa. Pero hindi e, bilang nga lang sa aking daliri ang naniniwala sa aming dalawa. At ang lahat ay taliwas na.

Kung sana sobrang dali lang ng lahat ng bagay, wala na siguro makakaramdam ng sakit. Wala na sigurong mapapagod. Wala na sigurong iiyak. Pero hindi, ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi madali, madalas ay kailangan mong paghirapan. Kaya may posibilidad na mapagod, umaiyak o sumuko na lang.

Kung ngayon ay magulo ang utak ko at sumasagi sa isip ko ang pagsuko, para ko na din siyang binitawan. Nagawa ko na iyon dati. Napangunahan ako ng takot, mga posibleng kahihinatnan, at sariling pagdedesisyon. Ngayon, ay kahit anong pilit ng utak ko na iyon na lang ang gawin ay hindi ko na kaya, mas pumangibabaw na ang desisyon ng puso ko at alam ko sa pagkakataong ito na dito ako sasaya.

Tinignan ko ang phone na palaging hawak ng kamay ko. Pagkatapos mapuno ng battery ay pwede na ulit gamitin at subukang tumawag. Wala man sumagot at least sinikap ko pa ring sumubok.

Umupo ako at tinitigan ang pangalan ni Apollo na nakarehistro sa screen. Hindi ko na nga ata alam kung ilang texts at tawag ang ipinadala ko sa kanya. Sa dami siguro ay baka mag-hang na ang kanyang phone.

Tumuwid ako ng upo at tinawagan na siya.

Pumikit ako at nagdasal na sana ngayon ay dumating na ang himalang hiniling ko kagabi sa Kanya.

Napakagat ako sa labi at tinanggal sa tainga ang phone ng isang babae na naman ang sumagot. Rinding-rindi na ako sa babaeng iyon! Kailan ba magiging boses naman niya ang bubungad sa akin?

Sumubok ulit ako. Pinagkuskos ko ang hintuturo at hinlalaki kong daliri. Halos mapatayo ako at manlaki ang mga mata ng biglang may sumagot sa kabilang linya.

"He--- Lo. W---"

Para akong tangang napatayo doon at abot-mata ang ngiti. Sinagot niya! Sht! Sht! Totoo na ba ito?

"Hello.. Hello, Apollo? Naririnig mo ba ako?"

"H--lo. Su--"

Napasabunot ako sa sarili ko. Hindi ko siya maintindihan! Demn this signal!

"Hello? Lipat kang pwesto, Apollo! Parang awa mo na!"

Narinig ko ang pag-ingay ng kabilang linya. Maski ako ay naghanap ng magadang lugar.

"Hello, Summy?"

Napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko. Hindi ko alam pero ng marinig ko ng malinaw ang boses niya ay bumuhos lahat ng naramdaman ko nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko para akong isang kawawang bata na binully sa eskwelahan at heto siya na tipong gustong-gusto kong magsumbong. Isumbong sa kanya lahat ng umaway sa akin. Magsumbong sa kanya sa lahat ng sakit na naramdaman ko. Na tipong ang magpapakalma lang sa akin ay ang malumanay ninag boses.

"Hello, Summy? You still there? How are you? Are you okay? Bukas na ang concert namin. Maize is here, dito siya nagpapagaling. We're doing great here.. wait.."

"Hi, Sassy! Hi Summer! We miss you!"

Napaiyak na ako. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng kahit ano na ingay. Their voices...

"How are you doing? I'm sorry we're busy this past few days. Hindi kita matawagan kasi kinuha ni Hazel ang phone namin. Ayaw niya ring ipahiram ang phone niya. Are you--"

"Apollo.."

Agad kong kinagat ang labi ko dahil biglang tumakas ang isang hikbi sa bibig ko.

Isang matinding katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago magsalita.

"What's wrong? You're not okay, don't you? Anong nangyari, Summer?" Nahimigan ko ang pag-aalala at mariin niyang tono.

Suminghot ako, "Apollo, I miss you.." tanging ibinulalas ko.

"Summy, what's wrong?" He growled.

"Fck, you're killing me.."

Hindi ako kumibo. Hinayaan kong pakinggan siya sa kabilang linya. I miss his voice.. I miss him... I just miss him..

"Demn Summer, tell me.." malumanay niyang bulong.

"Hindi ko na kaya mag-isa... Bakit ganun ba sila? Minahal lang naman kita.. Ano bang ginawa kong mali? Bakit.. ba--"

"May kinalaman ba ito kung bakit ayaw ipabukas sa amin ni Hazel ang mga accounts namin o kahit man lang manood ng TV? May kinalaman ba ito kung bakit ayaw niyang tawagin kita? Huh, Summer?" Bakas ang galit sa kanyang tono.

Pinalis ko ang luha na lumandas sa aking pisngi.

"Apollo, bak--"

"Tell me, Summer?! "

Halos kilabutan ako sa kanyang pagsigaw. Napapikit ako.

"Apollo, baka k--"

"Demn, I get it. Uuwi ako, Summer. Pupuntahan kita. Fck them."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwede! Oh my! Ito ba sinasabi ni Hazel na ayaw niyang mangyari?

"Wait for me please, Summer. Demn that concert! Demn those people! Demn this. Uuwi ako. Pupuntahan kita. Hindi ako papayag na mag-isa mo lang 'tong harapin. Tayong dalawa 'to. I love you, Summer. Please wait for me."

Nakita ko na lang ang sarili ko na tumango kahit hindi naman niya nakikita.

Nagpasalamat ako na pagbaba ko ay walang media. Pinaalis na siguro ng mga tauhan ng bldg. Wala akong pakialam kung may ilang oras pa ang byahe ni Apollo pabalik dito. Wala akong pakialam basta hihintayin ko siya. Hihintayin ko ang pagbabalik niya. 

Hidden Love (Book ||) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora