Chapter 29

126 7 1
                                    

Chapter 29 – I'll Wait For You

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nahanap ko nalang ang sarili ko sa bisig nila. Isang pamilyar na pakiramdam ang humaplos sa puso ko. Hindi ko akalain na makikita ko ulit sila. Sa isang pambihirang pagkakataon pinagtagpo ulit kami. Kahit hindi ko sila nakasama ng matagal, hindi ko maipagkakailang kilala sila ng kalamnan ko. They're the parents of my parents.

Sinigurado nilang ako talaga ang nawawalang apo nila. May mga tests sila na ginawa sa akin. DNA test lang ata ang pamilyar sa akin. Matagal na nila kaming hinahanap pero hindi talaga nila kami matagpuan.

Hinanap agad nila sa akin ang magulang ko. Hindi ako nagsalita pero sapat na iyon para masagot ang katanungan nila. Matagal na nila 'yong naiisip. Kailangan lang siguro nila ng magsasabi para makumpirma ito. Noong una ay ayaw ko sanang sabihin dahil naisip ko na matanda na sila baka hindi nila kayanin pero nagkamali ako. Sila ata ang nag-iisang nakilala na matanda na pero malakas pa rin. Sa puso, isip at katawan. Kaya pa nga nilang patakbuhin ang mga negosyo nila.

Pati mga dokumento o papeles ko ay sila na din ang nag-ayos. O mga tauhan nila. Summer Felice Galejo Calla. Iyon ang totoo kong pangalan. Hindi na sila nagdalawang-isip na dalhin ako sa poder nila. Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat ng nangyari. May kinontak silang mga tauhan para ilipat ang labi nila Mommy sa States. Bago ako umalis noon sa Pilipinas ay pinuntahan ko iyon kaya alam ko kung saan nakalagak. Halos hindi ko nga maiwanan ang sementeryo na yun kahit gabi na sa sobrang pangungulila ko sa tunay kong mga magulang.

Sa pagkakaalam ko ay inayos din nila ang kaso ng umapon sa akin na sila ding pumatay sa mga magulang ko.. Siguro'y sinigurado nilang hindi na sila makakalabas at mapagbabayaran talaga nila ang ginawa nila.

Sobrang galit nila kay Mr. Ynares sa ginawa nito. Isang makasariling halimaw lang daw ang kayang gawin iyon dahil lang sa trabaho. Ganoon ba kagahaman sa pera ito para pumatay ng inosenteng pamilya?

Pero siya parin ang ama ng taong mahal ko... hindi ko iyon binaggit kila Lola. Baka kapag nalaman nila ay hindi ko kayanin.

Madalas ay sa condo ako ni Cloe tumutuloy noon dahil mas malapit doon ang opisina ng Vogue Glam. Gusto ko nga sanang makasama sila Lola pero inisip kong bumibisita naman sila sa condo halos linggo-linggo kaya wala namang problema.

Nang napagdesisyunan kong umuwi ng Pilipinas ay pinigilan nila ako. Mas maganda daw na dito nalang ako mamuhay kasama nila. Pero... mas pinili ko parin na umuwi. Wala na silang nagawa at ipinangako naman nilang uuwi din sila para makilala ang tinuring ko ng Lola at makapag-bakasyon sa Pilipinas.

Nalunod ako sa sarili kong pagninilay-nilay kaya siguro hindi ko napansin ang pagkakagulo ng tao. Lumapit ang ilang mga bouncer at organizer para pakalmahin at ayusin ang mga fans.

Nakita ko sa di kalayuan ang naka fitted tshirt at boyfriend coat na si Maize. Nakangiti itong kumakaway sa mga fans ng Faber Castell.

Bakit siya nandito?

Halatang nagulat din ang apat sa pagdating nito.

Matama ko siyang tinignan habang kinuha niya ang mic at ngumiti.

"Chill guys, I'm just visiting. Go on! Just please behave!" halakhak niya. Agad namang humupa ang histerikal na reaksyon ng mga fans sa sorpresang pagdating niya. Bakit nga ba ulit siya nandito?

"Namiss mo na agad si boyfie!"

"Yiiee! Ang sweet niyo talaga!"

"Favorite Loveteam!"

Napairap nalang ako sa mga sinisigaw ng mga fans nila. Poor them, their Idol's relationship is just a figment of their imagination.

Sa masakit na salita, niloloko lang sila. Sabi nga ni Apollo.. Para masalba ang pabagsak ng karera ni Maize sa industriya kailangan kumapit siya sa isang sikat na artista. At si Apollo 'yon.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now