Chapter 10

149 9 0
                                    

Chapter 10 – Maize

Pumikit akong muli nang nakita ko ang paglapit nila sa akin. Nakita ko pa ang paglandas sa mga mata ni Apollo ang gulat. Now he's just shocked?

Maize is asleep. Nakita ko iyon ng tumingin ako sa gilid ng aking mga mata kanina.

"What happened?! Oh gosh!" rinig kong sigaw ni Hya.

"Summy, are you okay? Please open your eyes.."

Gusto kong matawa sa sinabi ni Porsche. Hindi pa ako mamamatay! Oo may dugo pero natulak ako at hindi nabaril!

Naramdaman ko ang paggamot ninuman sa aking sugat. Gusto ko sanang dumilat para makita kung malalim ba o malaki pero mas pinili ko na lang na pumikit.

"What happened?" seryosong tanong ni Chant. His serious and superior like personality are always there.

Ramdam ko ang kanyang pagkairita. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin o dahil sa mga fans nila.

"Natulak ng mga fans niyo. Nadaganan pa ata siya kaya ganyan ang damit."

Rinig kong paliwanag ng lalaking nagbuhat sa akin.

Hindi ako nadaganan. Sadyang halos tumilapon lang ako sa sahig kaya ganito!

Wild fans... dapat ay nag-iingat sila! Nakakasakit na sila ng hindi nila nalalaman.

One of the reason why sometimes I don't like other fangirls or fanboys even though I'm one of them coz they don't care if someone might or get hurt because of what they are saying or doing. Basta ang iniisip lang nila ay ang iniidolo nila o ang fandom na kinabibilangan nila ay ayos na.

"Can she walk?"

"Sa ngayon ay kailangan niya ng wheelchair para hindi mapwersa ang tuhod niya.. pero pwede din naman siyang maglakad yung nga lang ay kailangan niya ng alalay. Hindi naman malala. May mga gasgas at malaking sugat lang siya kaya dumugo ng husto pero maayos na naman siya."

I don't want a wheelchair. Hindi ako sasakay doon! Hindi naman ako nabalian o napilayan. Sadyang makirot lang talaga ang tuhod ko.

Ang pagtulog-tulugan ko ay naging totoo. Nagising ako nang hapon na ata. Nakita ko ang pagliligpit ng mga tao sa loob ng booth. I should go now. Siguro'y dapat kanina pa sila umuwi pero dahil may pasyente pa ay inantay na lang nilang magising ako.

Bumangon ako at nagulat nang bigla akong daluhan ni Cain.

"Kaya mo na?"

Tumango lang ako.

Nakita ko ang paglapit din ni Chant at Porsche. Napatitig lang ako sa kanila. Nandito parin sila? Hindi ba ay hectic ang schedule nila? Kaya ko naman mag-isa o.. tatawagan ko nalang si Hera. Inantay ba nilang magising ako?

"Okay lang ako. Ano ba kayo!" biro ko tsaka tumayo na.

Kumapit ako sa braso ni Cain. Nang lumapat ang paa ko sa sahig ay napadaing ako. Nakita ko ang pagkabahala nila.

"Okay ka lang ba talaga?" naga-alalang tanong ni Porsche. Tumango lang ako at ngumiti.

Binalingan ko ang katabing bed ng upuan ko. Wala na si Maize and..

Nasaan na sila? Baka iniuwi na ni Apollo.

Pagkalabas namin sa booth ay nagulat ako ng may nakaparadang kulay itim na Ranger sa tapat. Kanino ito?

Nasagot ang tanong ko ng bumukas ang pinto at iniluwa noon ang bagong ligo na si Apollo.

His hair is still wet. Nakasuot siya ng gray polo na may sleeves na hanggang siko.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now