Chapter 5

129 11 0
                                    

Chapter 5 – Backhug

Huminga ako ng malalim at nagtipa ng text kay Hya.

To: Hya

Sorry, Hya. May emergency. Kailangan ako ng isang client. Next time nalang. Sorry :(

Sinilip ko sila mula dito. The boys look bored yet free. Para silang mga batang manghang-mangha sa bawat nakikita. Para silang preso na ngayon lang nakawala sa koral. Napangiti ako sa naisip.

Nakita ko ang pagbaling ni Hya sa bag niya at agad na binasa ang laman ng text.

Agad akong nakatanggap ng reply.

From: Hya

Ganun ba? Sayang naman :( sinama ko pa naman sila kuya.

Napalunok ako. That's the reason why I'm not coming anymore. Sinama niya ang mga "Kuya" niya na dapat ay kami at ang mga bata lang. Sayang.. miss ko na sila Athena at Zeus.

Hindi na muna ako umuwi. Nakuntento ako na pagmasdan sila sa malayo. The twins grew up well. Nakikita na sa kanilang murang edad ang lahi ng mga Ynares. Para silang mga banyaga na nahaluan ng lahi ng mga anghel sa langit.

"I missed Ate Summy..."

Rinig kong sabi ni Zeus sa isang lalaki. Hindi ko sila makilala kung sino si Cain, Chant, Porsche o siya dahil sa mga takip nila sa mukha.

"We missed her too, Zeus." Sabi ng isang lalaki sabay kurot sa pisngi nito. Even their voice looks different now! Mas lalo ko silang hindi nakilala kahit sa boses lang.

"Hello, Maize? Yeah.. err why? Yup... don't know."

Halos mapatalon ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Pamilyar ang boses kaya abot-abot ang kaba ko. Madilim na dahil sa tingin ko'y pasado alas-sais na ng gabi.

Napasinghap ako.

"Yes..." malumanay nitong sabi.

Napahawak ako sa dibdib ko at hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. What if makita niya ako dito? What if... Kumalabog ang dibdib ko.

"Yeah.. party? Yup, I'm coming.. no... okay okay.." aniya sa kausap.

Hindi ko na alam sa mga oras na ito kung humihinga pa ba ako. His voice... His deep yet calming voice.. Siya ito! I'm sure!

Napa-angat ako nang tingin ng bahagya siyang natigilan na parang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap.

"Take care.."

Matapos nun ay palayong mga yapak na ang narinig ko. Tsaka lang ako nagpakawala ng hininga, binalingan ko ang papalayo niyang imahe.

His height changed. He's taller now. How I wish I got a chance to just take a glimpse of his face. 

Madali lang lumipas ang mga araw. Sa sobrang bilis ay kailangan na ang sukat ng mga guests. Madali ko lang natapos ang mga designs kaya pinadala ko agad sa mga tauhan para sila na ang bahalang magtahi. Nalalapit na ang birthday ni Hya kaya aligaga na silang matapos ang mga susuotin. Actually, gowns and suits lang ng mga few relatives and closefriends ang dinesenyo ko kaya madali lang, ang iba pa nga sa kanila ay hindi ko na kailangan ipagdisenyo pa dahil may napili naman sila sa folder na ipinakita ko.

"Hello, Summer? Pwede bang ikaw nalang ang kumuha ng sukat sa lima pang friends ni Hya? May tinatapos kasi ako ngayon e."

"Huh? Saan ba yan? Sige ako na. Itext mo na lang sakin yung info." aniko.

"Sige, salamat ha."

Pagkatapos ng tawag ng isa sa mga manager sa patahian ng Vogue Glam ay agad na akong nagtungo sa address kung nasaan ang mga kaibigan ni Hya.

Vogue Glam has a numerous branch. Pati dito sa Pilipinas ay mayroon kaya hindi na ako nahirapan pa.

Tiningala ko ang isang sikat na building. Tinawagan ko si Hya para samahan ako. Sabi niya ay nasa loob na daw siya. Agad akong pumasok at pinindot ang 7th floor kung saan ang condo unit ng mga kaibigan niya.

Kahit naman ang trabaho ko ay taga-disenyo ay hindi na ibig sabihin hindi na ako pwedeng magsukat. Mas gusto ko nga ito, mas gusto ko na personal kong sukatan ang mga kliyenteng didisenyuhan ko ng damit.

Pagkakita ko sa room 131 ay huminto ako sa may tapat ng pinto at huminga ng malalim. Inayos ko ang buhok ko na natural na kulot sa ilalim. Pag-uwi ko dito ay pina-highlights ko to sa isang salon. Nagsuot lamang ako ng isang simpleng light pink top crop at skinny jeans at flat sandals.

Kumatok ako ng isa. Nang walang sumagot ay kumatok ulit ako. Ngayon ay may sumigaw na mula sa loob.

"May tao! Wuy! Ahm... Saglit lang!"

Hinawi ko ang sidebangs ko at naghintay. Kinalikot ko ang takip ng dala kong bottled water.

Napatigil ako at napa-angat ng tingin nang bumukas ang pinto.

Nabitawan ko ang bottled water na hawak ko at nanlaki ang mga mata. Kitang-kita ko ang pag-awang ng bibig niya, sa gulat ko ay hindi ko na napansin ang lalaking topless at tanging boxer shorts lang ang suot sa harap ko.

"Huy Porsche! Ayan na ba yung magsusukat? Papasuk—"

Napabaling ako sa lalaking naka-topless din at boxer shorts. Dumoble ang panlalaki ng mga mata ko.

"Shit..." tulalang mura ni Cain.

Napakagat labi ako at nang matauhan ay pinulot ko ang bottled water na nahulog ko kanina.

"Damn.." mura ni Porsche. Ngumiwi ako sa kanya.

"Can I come in?" alanganin ko siyang nginitian. Lakas loob ko lamang iyong tanong dahil hindi ko na mahanap ang tapang ko.

Para siyang nakakita ng multo. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin, nagbigay siya ng daan. Pagkapasok ko ay nginitian ko si Cain na naka-awang parin ang bibig.

Inipit ko sa aking tainga ang mga munting takas na buhok, napalunok ako.

Lumakad ako at naabutan ko si Hya sa may sala. Nang nakita niya ako ay agad niya akong niyakap at iginiya sa sofa. Inilapag ko ang dala kong tubig sa center table.

Napalingon ako sa likod ko kung nasaan sila Porsche at Cain na parehong gulat parin sa akin. Napa-iwas ako ng tingin. Pinagpapawisan ako ng malamig sa mga tingin nila!

Sabay-sabay kaming napabaling sa kusina nang umalingawngaw ang histerikal na tawa na parang kinikiliti. Nangunot ang noo ko.

"Ano ba, A!" halakhak ng babae. Tinignan ko si Hya. Pamilyar ang boses ng babae.

"Apollo!"

Napalingon ako sa gawing kusina, halos mapa-awang ang bibig ko sa nakita.

Yakap-yakap ni Apollo si Maize habang nakatalikod ito sa kanya. Back-hug, huh?

Napataas ang kilay ko at nagpipigil ng inis.

Halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko nang tumingin silang dalawa sa amin... sa akin.

Napatitig ako sa lalaking mabilis akong binitawan.. na ngayon ay may kayakap ng iba.

Pareho silang napatigil. Agad na napakalas si Apollo na parang may nakita siyang nakakita sa kanila na hindi dapat.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Sinong una kong susukatan?" nginitian ko si Hya kahit na gustong-gusto ko ng umiyak.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now