Chapter 15

152 10 0
                                    

Diel's Note:

Dedicated to: Dana Joi and Queen_Pierre. Thank you for reading this, loves! SML :)

-----------------------------------------------------

Chapter 15 – Your Coops

Maya-maya ay nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagbagsak ng ulo ni Apollo sa may bintana. Ngumuso ako at kinalikot ang bracelet ko.

Nang may lubak kaming nadaanan ay narinig ko ang paglagatok ng ulo niya doon. Napangiwi ako.

Napatingin ako sa kanya na sapo na ngayon ang noo niya.

Nilingon niya ako kaya nag-iwas ako agad ng tingin. Dapat pala ay ginising ko siya. Hindi, mukha siyang pagod na pagod dahil maghapon silang nag-shoot. Nakakahiya naman kung gigising ko pa siya.

Muli siyang pumikit, ngayon ay hinayaan niya nalang ang ulo niya sa headrest. Umayos ako ng upo at humilig na din sa headrest. Pumikit ako para mapahinga ang mga mata.

Hindi naman talaga malayo ang byahe. Yun nga lang ay may dadaanan pa ang isa naming kasama na tatlumpong minuto ang layo tapos ihahatid pa ang mga ibang kasama namin kaya matatagalan ang pag-uwi.

Bigla akong napamulat ng bumagsak ang ulo ni Apollo sa balikat ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama namin sa loob ng van pero mga wala naman itong pakialam. Abala sila sa mga sarili nilang gawain.

Binalingan ko siya at dahan-dahang iaangat sana ang kanyang ulo pabalik pero nanlaki ang mga mata ko ng lumandas ang isang braso niya sa bewang ko. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa ginawa niya.

Hayop na braso yan!

Huminga ako ng malalim at hinayaan nalang siya. Tulog naman siya. Wala naman siyang malay kaya wala siyang alam.

Ibinalik kong muli ang ulo sa may headrest at ipinikit ang mga mata. Maya-maya lang ay dinalaw na ako ng antok.

Nagising na lamang ako sa isang boses sa gilid ko.

"You're all here? Why? Damn!" halakhak niya.

Nanatili akong nakapikit. He's awake pero bakit hindi parin niya inaalis ang braso niya na parang ahas na nakalingkis sa bewang ko?

"You're at the mansion? Kayong lahat? Okay I'll be there.. Yeah.. Okay!" tawa niya.

"Who? Ahm... I don't think it's a good idea, Crixzues."

"Sino 'yang kausap mo, A?" rinig kong usyoso ni Hazel.

"My cousins." Simpleng sagot ni Apollo habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya.

Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ang malikot na mga daliri niya sa bewang ko. Parang walang magawa ang mga daliri niya kaya kinukutkot nalang ang damit ko! Nakikiliti ako! Demn!

Sobra-sobrang pagpipigil ng kiliti ang ginawa ko.

"Omygod! Yung mga pinsan mo dumating? Kailan pa?" histerikal na ani Hazel.

Ngumisi si Apollo. Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin kaya pinirmi ko ang pilikmata ko sa paggalaw para hindi ako mahalata.

"Kanina lang daw sila dumating. Nasa bahay sila, doon nalang tayo dumiretso." Aniya kaya bahagya akong nagmulat.

Ano? Anong doon didiretso? Uuwi ako! Bakit doon? Bahay ko ba iyon? Hindi naman ah!

Humikab ako kunwari para mas makatotohanan. Binalingan ko siya habang namumungay ang mga mata. Nakatulala siya sa akin. Umayos ako ng upo kaya agad niyang tinanggal ang kamay niya sa likod ko. Finally!

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now