Chapter 23

115 9 0
                                    

Chapter 23 – Kidding

Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko pagpasok ko sa hospital. Alam ko na kalat na ang mascara ko sa mukha dahil sa pag-iyak. Hawak-hawak ko ang gown sa laylayan habang hinahanap kung saang kwarto dinala si Apollo. Maraming tao doon, marami ding media sa labas pero hindi sila pinapapasok ng gwardiya.

Nang nakita ako nila Cain ay agad nila akong sinalubong. Agad akong niyakap ni Porsche.

"This is my fault.." hindi ko na napigilan at humagulhol na ako sa dibdib niya.

"Sorry.. kasalanan ko.."

"Shh... hindi mo kasalanan.." naramdaman ko ang paghagod ni Cain sa likod ko.

"This is not your fault, Sassy.."

"Summer?"

Napa-angat ako ng tingin at humiwalay kay Porsche. Nakita ko si Yesha at ang iba pang pinsan ni Apollo.

Fabian, Archer, Theo, and Crixzues. Inaalo nila ang mga babae nilang pinsan na panay din ang iyak. Nakita ko sa bleachers sina Yesha at Monina habang nakatayo naman sina Genevieve at Mikee kausap ang parang tito at tita o parents nila?

Nilapitan ako ni Yesha.

"Is it true?"

Nangunot ang noo ko at pinalis ang mga natirang luha.

"Huh?"

Napalunok siya.

"Na boyfriend mo ang may gawa noon kay Cooper? Na nagselos daw ang boyfriend mo kaya nagawa niya iyon? I thought you're Cooper's girl? Are you cheating on him?"

What? Napa-awang ang bibig ko.

"No!" tanggi ko. Nakita ko ang paglambot ng mga mata niya.

"Explain, Summer. We're all clueless.." aniya.

"There! Omygosh! This bitch!"

Napalingon ako at halos manlaki ang mata sa biglang pagsulpot ni Miss Lacoste sa gilid ko at sampalin ako.

Hinawakan ko ang pinsgi kong nasampal niya.

Nagngilid ang luha ko. Inilayo ni Chant at Cain si Miss Lacoste sa akin.

"Enough, Miss." Rinig kong ani Porsche.

Dinaluhan ako ni Hera at hinapit ang bewang ko.

Tumulo ang luha ko.

Nakita ko ang pagbaling ng mga tita at tito ni Apollo at mga pinsan nya sa gawi namin.

"This is your entire fault! Anong klase kang babae?!"

Nagpapasalamat ako na hindi pinapasok ang media sa loob ng hospital kung hindi ay aka hindi ko na alam.

"That's enough, Cara!" mariing sigaw ng tito ni Apollo kay Miss Lacoste.

Nagtiim-bagang siya at hinawi ang kapit ni Cain at Chant sa kanya bago ako sinamaan ng tingin at umupo sa may bleachers.

Halos isang oras na ata pero hindi parin lumalabas ang doctor. Umupo muna kami para mapahinga ang paa.

Sinabi ko sa kanila ang lahat. Sa tatlo, kay Hera at kay Yesha. Hindi naman sila nagduda dahil pinagkakatiwalalaan nila ako. Mas naniniwala sila sa akin kaysa sa kwento ni Miss Lacoste.

"You're not his girlfriend? How come? We thought.."

Biglang tanong sa akin ni Yesha. Hindi niya ba alam na nag-break kami?

"Sila na ni Maize, Yesh.."

Sumimangot sya.

"Akala namin kayo eh.. may iba pala ang gago." Iling niya na parang naiirita.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now