Chapter 34

97 6 0
                                    

Chapter 34 - His Tears

Hind ko alam kung paano ko uumpisan. Tahimik lang kaming nakamasid sa puntod ng kayang ina. Sa palagay ko'y ramdam na niya ang bumabagabag sa akin pero mas pinili niyang pabayaan akong kusang sabihin iyon.

Binalingan ko si Apollo na bahagyang magkasalubong ang kilay. !! Dapat ko bang sabihin ang nalalaman ko? Pero matagal na iyon! At at.. baka kapag nalaman niya itong lahat ay mas lalong gumulo pa. Pero...

Tinitigan ko siya bago ako nagsalita.

"Apollo, inalam mo ba dati yung impormasyon tungkol sa aksidente?"

Napataas ang kilay niya bago niya ako binalingan.

"Why, Summer? Is there any problem?"

Napalunok ako. Hindi ako ganun makasarili para ipagkait sa kanya lahat ng nalalaman ko. Kailangan niyang malaman ang lahat. Tungkol ito sa mga magulang niya, hindi pwedeng hindi niya ito malaman.

"Apollo, may pupuntahan tayo."

Hindi na siya umangal pagkatapos ko iyon sabihin sa kanya. Sa unang pagkakataon makakaharap kong muli ang nag-alaga sakin, umampon at ang pumatay sa mga magulang ko. Hindi ko alam pero hindi parin nababawasan ang sakit at galit ko sa kanila pero.. napatawad ko na sila. Hindi ako ganun katigas para hindi mahabag sa kanila. Bakas sa kanila ang pagsisi ng nakita ko sila. Ang dating malakas at matipunong tatay-tatayan ko ay halos nakayukod na ngayon. Ang dating mataray at madaldal na nanay-nanayan ko ay kimi at malamya na ang itsura ngayon.

Masasalamin sa mukha ni Apollo ang pagtataka at gulat. Hindi niya ito alam. Wala siyang alam sa mga nangyari noon. Ang alam niya lang ay ang pag-alis ko. At hindi ang mga dahilan noon.

Taka niya akong binalingan. "Summer.."

"Sasa, ikaw ba ito?"

Nalunod ang boses ni Apollo sa basag na tinig ni Nanay. O ni Linda?

"Summer po." Walang emosyon kong ani. Hindi na ako si Sasa. Nabuhay man siya noon, agad ko din iyong pinatay ng malaman ko ang katotohanan.

"Summer?" Ramdam ko ang paghaplos ni Apollo sa kamay ko sa ilalim ng mesa na parang kinukuha ang atensyon ko.

"Gusto ko pong sabihin niyo lahat lahat ng nalalaman niyo kay Apollo,"

Parehas nilang binalingan ang lalaking katabi ko.

"Lahat ng nangyari simula noong aksidente. Lahat-lahat." Mariin kong ani.

Batid kong aangal sila kaya tumayo na ako. Nakita ko ang pag-aalinlagan sa mga mata ni Apollo pero ngitian ko siya. Sila ang nasisiguro kong makakapagsabi ng lahat.

Hindi ako mapakali sa labas. Para akong uod na inasinan. Hindi ako mapalagay. Ano na kayang pinag-uusapan nila? Sinabi ba nila lahat-lahat kay Apollo?

Hindi naman siguro sila gagawa ng kwento dahil wala na iyong patutunguhan. At isa pa wala na sa mukha nila na magsinungaling.

Panay ang text sa akin ni Hera ng nangyayari sa kanila ni Chant. Hindi ko magawang replayan siya ng ayos dahil sa kaba ko. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Apollo kapag nalaman niya lahat-lahat? Na inutos na ipapatay ako at ang pamilya ko ng tatay niya. Na kaya namatay ang mommy niya ay dahil nasangkot siya sa aksidente na dapat kami lang ang mamatay. Na kaya ako nawalan ng alaala sa nakaraan ay dahil sa tatay niya.

How can he manage all this? Makakaya kaya niya? Matagal na iyon pero hindi pa rin ako sigurado sa kahihinatnan nito.

Napatayo ako ng makita ko ang paglabas ni Apollo. Nakashades na siya at naka-ayos na ang hood ng kanyang jacket sa ulo. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Bahagya kong nilingon ang loob ng prisinto.

"Apollo.."

"Let's go, Summer." Mariin niyang ani.

Napatango nalang ako.

Sa byahe ay panay ang sulyap ko sa kanya. Ganitong-ganito ang itsura niya noong tungkol kay Hya. Blanko at tahimik. Nakakatakot dahil hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon.

"Apollo, kung gusto mo ng kausap--"

"I'm fine."

Sumimangot ako. You're not. Namumula ang tungki ng ilong nito na animo'y pinipigilan ang pag-iyak. Kahit mahaba ang byahe ay hindi ako natulog. Gusto kong bantayan siya. Baka hindi ko mamalayan na bigla na lang siyag mawasak diyan sa pagpipigil ng nasa loob niya. I've been there. I've done that. Nanggaling ako sa pakiramdam na yan noon. Pero siguro mas masakit ang nararamdaman niya ngayon. Namatay ang nanay niya dahil sa plano ng tatay niya. Hindi man sinasadya pero nangyari na. Suguro ay may dahilan Siya sa nangyaring iyon. Hindi ko man alam ang dahilan pero alam kong ipapahayag Niya rin iyon pagdating ng araw.

Hindi ko alam na papikit-pikit na pala ako. Kaya nang mahagip ko ng tingin ang pamilyar na lugar ay napadilat ako bigla.

Humikab ako bago sinundan si Apollo. Humilig siya sa railings. Itinukod niya ang dalawang siko niya doon. Bahagya siyang nakatungo.

Napadahan-dahan ang paglapit ko sa kanya nang marinig ko ang impit niyang singhot. Napa-awang ang bibig ko.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o ano. Kailangan niya bang mapag-isa? O kailangan niya ng makakausap?

Tahimik akong tumabi sa kanya. Hindi ako kumibo ng bahagya niya akong lingunin. Yumuko siya na parang sa tingin ko'y pinalis ang mga taksil na luha.

Tanging mga maiingay lang na insekto ang nagpapaingay sa paligid.

Maya-maya lang ay bahagya akong natigilan ng marinig ang bulong niya.

"Mayroon pa bang ibabato sa'kin?"

Napahalakhak siya, "Ibato na sa akin para isahang sakit nalang."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Summer.."

Tsaka lang ako lumingon at tinignan siya.

Halos madurog ang puso ko ng alisin niya ang suot niyang salamin at maaninag ang mamula-mulang mata niya sanhi ng luha at namumulang tungki ng kanyang ilong.

Walang pag-aalinlangan ko siyang nilapitan bago mahigpit ko siyang niyakap. Napakagat ako sa aking labi ng maramdaman ang mainit na pagtulo ng kanyang luha sa balikat ko.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. Ibinaon niya ang kanyang ulo sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Nagngilid ang luha ko. Kung kaya ko lang pawiin ang sakit na nararamdama niya ngayon ay hindi ako magdadalawang-isip.

Everything will be alright. Hindi pwedeng hindi, dahil lahat ng sakit, nawawala, naghihilom, hindi nga lang ngayon dahil sariwa pa pero pagdating ng araw gagaling at mawawala din. 

Hidden Love (Book ||) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon