Chapter 25

166 8 1
                                    

Chapter 25 – Publicity Stunt

Dumapa ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Pinatay ko lahat ng ilaw kahit pa ang ilaw sa lampshade.

Hindi siya pwedeng pumunta! It's already 1 am! Madaling araw na! At.. at hindi niya alam itong condo ko! At... busy siya! Pagod! Busy! Sinabi ko na bang pagod siya at busy siya? Basta!

Pinagkuskos ko ang hinlalaki at hintuturo kong daliri. Pupunta talaga siya?

Umupo ako sa kama at tinignan ang wall clock. 1:20 am.

Humiga ulit ako at tinitigan ang kisame. He's not coming!

Halos atakihin ako sa puso nang biglang umilaw ang phone ko.

Kinagat ko ang labi ko nang nakita ko na tumatawag siya! Sht Sht Sht!

Tinitigan ko ang screen. Tinitigan ko lang hanggang makabisa ko ang bawat linya.

Pumikit ako at sinagot na ang tawag niya.

"I'm here." Napapaos niyang wika.

Napa-awang ang bibig ko at dahan-dahang sumilip sa bintana. Ang kanyang itim na ranger ay kitang-kita ko dahil sa ilaw ng poste. Lumabas siya at dumungaw. Nang wala siyang makita dahil madilim ay nagsalita siya.

"Anong room # ng unit mo?"

"Ah.." tinitigan ko siya sa malayo. Naka-dark pants at polo siya na may manggas hanggang siko. Ang kanyang tangkad ay nakakamangha. Hindi siya nakasuot ng mask pero may suot siyang shades.

"Bababa ako."

Ibinaba ko ang tawag at nagmadali ng lumabas. Gabi na kaya wala ng tao akong nasasalubong. Nginitian ako ng guard.

Huminga ako ng malalim. Lumapit ako sa kanya.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. Pinasadahan niya ako ng tingin. Napaayos naman ako ng tayo. Nakakapaso ang titig niya!

"Really, Summer?" iritado niyang sabi.

Ngumuso ako. What? Wala naman akong ginagawa!

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak na ako papasok. Pumasok sya ng nakatungo para siguro hindi makilala.

"Ba-Bakit?"

"Where's your condo unit?" bahagya niya akong nilingon. Pumasok na kami sa elevator.

"Huh?" lutang kong tanong. Pasensya! Ganito talaga ako kapag may iritadong pogi na nanlilisik ang mga mata sayo!

Napailing-iling siya at tumingala. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya.

Kinagat niya ang labi niya at humalukipkip. Bigla naman akong kinabahan kaya agad kong pinidot ang floor ng unit ko.

Nauna na akong maglakad sa kanya. Hindi ko na alam kung himuhinga pa ba ako o ano. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko!

Pinagbuksan ko siya ng pinto. Nang makapasok siya ay tinggal niya ang shades niya at pinasadahan muli ako ng tingin. Here we go again.

"Demn." Mahinang mura niya. Napalunok ako at mas lalong kinabahan.

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"You look better wearing my shirt than me. But fck, Summer! Don't go outside with just my shirt on! Baka masuntok ko ang mga lalaking titingin sayo.."

Napatulala ako. Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok. Biglang nag-iba ang tingin niya. Namumungay niya akong tinitigan.

"Why are you here?" lutang kong tanong. What's with me? Parang kanina pa ako high?!

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now