Chapter 16

151 8 0
                                    

Chapter 16 – Still

Kahit gusto kong magtanong kay Apollo o hindi kaya ay kay Yesha ay hindi ko magawa. Nahihiya ako masyado para kausapin sila. Lalo na si Apollo..

Puno ng tawanan at kwentuhan ang lamesa. Hindi ko alam na may mga pinsan pala itong si Apollo. Noon kasi ay hindi naman niya nabanggit sakin.

Pinsan niya ito sa kanyang father side. Ang angkan ng mga Ynares. Kaya pala hindi pangkaraniwan ang mukha at tindig. May mga hulma silang sa Ynares lang nakikita.

Pinasadahan ko ang mga ito ng tingin. Ang apat na babae ay may mga pangalan na Yesha, Monina, Mikee, and Genevieve. Ang mga lalaki naman ay Theo, Fabian, Archer and Crixzues.

Iba-iba sila ng mga katangian sa panlabas.

Si Yesha ay morena at may perpektong kilay at magandang labi, si Monina ay maputi na halos kakulay na ng papel ang balat ang kanyang itim at bilugang mata ay nakakainggit.

Si Mikee ay palangiti, ang kanyang singkit na mga mata ay lalong nadedepina sa tuwing ngumingiti siya. si Genevieve ay maputi at balingkitan. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mo siyang masungit dahil sa kanyang kilay na natural na nakataas pero kapag binalingan ka na ng mala-birhen niyang mga mata ay mapapangiti ka nalang sa kanya.

Ang isang katangian na namana nila sa angkan nila ay ang perpektong hugis ng mukha at depinang katawan. Na kahit ata kumain sila ng marami ay hindi sila tatataba. Yun ang napansin ko sa pamilya nila. Kahit anong kain nila ay walang tumataba sa kanila.

Sa mga lalaki naman ay ganun din. Si Theo ay may kulay dark brown na highlights sa buhok na magulong nakaayos. Ang kanyang maliit na dimples sa tabi ng labi ay sumisilay sa tuwing tumatawa o ngumingiti.

Si Fabian ay parang maihahalintulad ko kay Chant. Ang kanyang seryosong mukha ay nakakatakot. Sa tuwing titingin siya sayo ay parang may nagawa kang kasalanan pero kapag nginitian at nakasalamuha mo na siya ay mapapawi yung lahat. Ang kanyang clean cut na buhok ay mas lalong nagpagwapo sa kanya. Kapatid niya si Genevieve. Kaya pala ng kaninang tinitigan ko sila ay may parehas silang feautures. Sa galaw o pananalita ata?

Si Archer naman ay halatang sporty. Maganda ang hubog ng kanyang katawan. Pare-pareho naman sila pero ang kanyang katawan ay iba. Nadepina siguro dahil sa mga laro. Ang kanyang mahabang pilikmata ay nagpapatingkad sa maamo niyang mata.

At ang huli ay si Crixzues. Tahimik kung ikukumpara sa ibang mga pinsan niya. Ang kanyang natural na mapulang labi ay nakakainggit. Parang mas mapula pa ang labi niya sa akin! Ang maganda niyang kilay ay nakakdagdag sa tingkad ng mukha niya. Pati na rin ang dimples niya sa gilid ng labi na katulad kay Theo. Dahil na rin siguro magkapatid sila. Ang kanyang mga mata ay masasabi kong paborito ko. Itim na itim at kapag tinitigan ka ay parang nakakawala ng ulirat.

"Sinong tinititigan mo?"

Napabaling ako kay Apollo na nasa tabi ko. Umiling ako at pinagpatuloy ang pagkain ng lasagna. May mga nakahain pang finger foods at barbeque pero nakatabi pa ito sa gilid. Bakit? Para mamaya pa ba iyon? Sa kanila?

Nang matapos ay niligpit na ang lahat ng kalat sa lamesa. Hindi na muna kami umalis doon.

Binalingan ko ang katulong nilang hinain naman ngayon ang mga nakatabi kaninang finger foods at mga inumin. Umiinom ako noong nasa ibang bansa pa ako. Pero drinking with them? Hindi na lang siguro ako iinom ng marami. Mahirap na.

"Finally! Naka-uwi na din kami at nakita ko na ulit kayo!" ngisi ni Theo.

Humilig sa kanyang balikat si Yesha.

"You're busy, right? How's your band?" tanong ni Mikee sabay baling kila Cain.

Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Cain sa kanya at tinapik si Porsche.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now