Chapter 13

133 8 0
                                    

Chapter 13 – Bakit Siya Nandito?

Nagising ako sa walang katapusang pagtunog ng aking phone. Nakapikit kong kinapa ang phone ko sa likod ng unan. Humikab ako bago ko ito sinagot.

"Hello.." napapaos kong bungad. Humikab pa ako ng isa.

"Ahm.. goodmorning,"

Napadilat ako at biglang napaupo sa kama ng mapakinggan ang pamilyar na baritong boses. Napatingin ako sa caller ID na hindi nakarehistro sa save contacts.

"Apollo?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Napapikit ako. That kind of laugh! His sexy morning giggle!

"I thought you already forgot my voice over the phone.." panunuya niya. Uminit ang pisngi ko. Ramdam ko na nakangisi siya ngayon!

"Si Summer ba yan, Apollo? Gago! Pakausap nga! Wait...ahm.. Dali!"

Napakunot ang noo ko sa mga boses sa background. Sila Cain ba yun?

Rinig ko ang pagligalig ng linya sa kabila.

"Ahmm... Summer, gusto kang makau— Hi, Sassy! Punta ka naman dito!" hindi pa natapos ni Apollo ang sasabihin ay inagaw na nila Porsche ang phone.

"Bakit? Anong meron?" halakhak ko.

"May shoot kami ng MV ngayon! Nood ka please! Aray! Cain, 'wag ka malikot! Fck! Demn you, Cain! Go away!"

Napailing nalang ako sa kakulitan nila.

Napatingin ako sa phone ng bigla itong namatay. Bumangon ako at kumain, naligo ako at nagbihis. Isang simpleng fitted sleeveless blouse at denim skinny pants ang sinuot ko.

Nakatanggap ako ng dalawang message mula sa parehong numero ni Apollo.

From: Apollo

Ang ingay nila, sorry. Gusto mo bang pumunta dito? :)

Napakunot ang noo ko sa text ni Apollo. He's a texter, now? Baka laging ka-text si Maize? Syempre girlfriend niya yun diba?

Nagtipa ako ng reply.

To: Apollo

Okay lang. Saan ba? What time?

Wala pang dalawang minuto ay nakatanggap na ako ng reply. Wala ba silang ginagawa? Hindi ba ay abala sila?

From: Apollo

Yellow building, Isaiah Ave. 3PM :)

Napangiwi ako. Creepy smiley face.

To: Apollo

K.

From: Apollo

See you in a bit, Summer :)x

Napakunot ang noo ko. Anong ibig sabihin ng x? Hindi ko na siya nireplayan pa at naggala na muna ako sa labas. Nag-grocery ako at nag-shopping. Hindi naman ganun kadami ang tao kaya mabilis lang ako.

Inuwi ko muna ang mga pinamili ko, nagluto at kumain. Sandali akong nanood ng TV. Nang pumatak sa alas tres ang orasan at nakita ko na ang alas tres na panalangin ng isang channel ay umalis na ako.

Tiningala ko ang isang lumang yellow building kung saan sila magso-shoot.

Pumasok ako at agad akong nakita nila Chant. Kumaway ako sa kanila.

"Summy!" yakap sa akin ni Cain.

Napatawa na lang ako.

Niyakap ko si Chant at Porsche at pagkatapos ay alanganin akong lumapit kay Apollo. Pumasok na sa loob kung saan sila magso-shoot sila Cain, Chant at Porsche. Naiwan kami ni Apollo malapit sa may main door.

Nginitian ko siya bago nilagpasan. Hugs are too much for us.. for now. Parang hindi ko pa kaya maramdaman ang puso niya sa akin.

Naging abala sila sa pakikinig sa kanilang instructor kung anong gagawin. Maya-maya lang ay nagsimula na sila.

Nalibang ako sa panonood sa kanila. Natatawa pa ako kapat sinasalang sila Cain at Porsche sa isang eksena. Hindi sila matapos-tapos dahil sa kakulitan ng dalawa. Nasisigawan na nga sila ng kanilang direktor para sa MV nilang ito.

Kumagat ako sa isang hiwa ng pizza. Nginitian ako ng isang assistant. Napangiwi ako. Bawal ba akong kumuha dito? Para sa kanila lang ba ito?

"Bakit? Ay, Sorry! Bawal ba akong kumuha?" paumanhin ko at ibabalik na sana nang pinigilan niya ako.

"Hindi. Okay lang, mam. Kaya lang po kasi kinakain yan ni Sir Apollo.." ngiti niya.

Napalingon ako kay Apollo na papalapit na pala dito. Narinig niya ang usapan namin. Ngumiti siya na naiiling.

"Okay lang. Kung ano naman ang sa'kin ay kanya na din." kinunutan ko siya ng noo nang hindi ko masundan ang sinabi niya dahil mahina.

Hindi niya ako pinansin.

Ngumisi lang siya at kinuha ang pizza sa kamay ko tsaka ito nilantakan.

Napatulala lang ako. Mabilis din naman siyang umalis dahil tinatawag na siya sa loob.

Uminom nalang ako ng tubig.

"Nasaan na ba? Bakit hindi dumating?"

Lahat kami ay napalingon nang marinig ang pagtaas ng boses ng direktor.

Tumayo ako at tinignan ang nangyayari.

"May importante daw po kasing lakad.." ani ng isang babae na nakatungo.

"Aba! Ekstra lang siya tapos magpapaimportante siya? Paano na? Sinong kukuhanin ko sa inyo? Eh hindi naman pang kanyang level ang katawan niyo?" inis na patutsada ng direktor.

Sino ba iyon?

"Ano daw?" bulong ko kay Chant.

Nilingon niya ako. "May hindi lang dumating na talent.." aniya.

Napatango-tango ako.

Babalik na sana ako sa lamesa nang nilingon ulit ako ni Chant. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nilapitan niya ang direktor at tinuro niya ako. Naestatwa naman ako ng ngitian ako ng direktor at halos kuminang ang kanyang mata.

"Perfect! Hija, lapit ka. Okay lang?" pakiusap niya.

Alanganin akong ngumiti pabalik bago lumapit. Pinasadahan ako ng tingin ng baklang direktor bago siya ngumiting muli.

"Pasok na ito! Girlfriend mo, Chant?" agad na umiling si Chant.

"Hindi!" tawa niya.

"Baka masuntukan ako ng nagmamay-ari dyan." dagdag niya.

Sinimangutan ko siya. Sino naman? Wala naman ah!

Sabi ng direktor ay may kukunan daw silang eksena na kasama ako. Hihilig lang ako sa locker tapos ay bahala na kung anong susunod na mangyayari mamaya. Hindi naman daw makikita ang mukha ko kaya pumayag na ako. Isa pa, nakakatakot ilingan ang baklang direktor dahil para akong kakainin ng buhay sa tingin.

Pinagbihis nila ako ng isang school uniform. Sailor moon type ito na kapareha ng suot ng apat na uniporme.

Nilugay ko ang buhok ko para matakpan ang aking mukha sa camera. Inayos ko ang high-socks ko bago pumwesto. Hindi ko makita sila Chant. Siguro ay nasa kabilang kwarto at may ibang kinukunan na eksena.

Tumayo na ako ng tuwid. Pinasadahan ko sila ng tingin nang wala parin silang sinasabi. May inaantay pa ba?

Sinulyapan ako ng direktor bago pinasadahan ako ng tingin.

"Papasukin nyo na!" ani direktor sa assistant.

Binura ko ng kaunti ang lipstick na nilagay sa akin kanina ng stylist. Pakiramdam ko ay masyadong mapula iyon.

Napa-angat ako ng tingin sa lalaking pumasok. Napalunok ako at nanlaki ang mga mata. Bakit siya nandito?

Hidden Love (Book ||) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum